XXVII

4.8K 121 8
                                    


KABANATA XXVII

I

"Gusto ko nga siya ang gumamot eh. Oh pre? Hindi tayo makaintindi?" asik ni Xiumin.

Nagkatinginan na lang si Lay at Louise sa isa't-isa nang marinig ang pagmamaktol ng binata. Naaninag ng dalaga na napakamot ng ulo ang binata at napa-iling. Naramdaman na lang din nitong umalis ang binata sa bantang likod kasabay ng pagbuntong hininga.

"Hay nako! Umaarte na naman si Xiumin! Sana maimpeksyon 'yan sa kaartehan mo." Panunudyo ni Lay.

"Baka nagpapacute na naman kay Louise!" sumunod niyang narinig ang tawanan sa ibaba. Napailing na lang siya, bahagyang pinanliitan ng mga mata ang sugatang binata na kanina pa nakangiti sa kanya.

"Mas magiging mabilis kung si Lay ang gagamot sa 'yo."

"Eh ikaw nga ang gusto ko eh!" pansamantala siyang natigilan sa narinig.

Hindi niya maintindihan ang sinabi ng binata sa kanya. Pakiramdam niya'y mayroon pa itong iba pang ibig sabihin. Diretso lang ang tingin nito sa kanya na para bang tinitingnan nito ang kanyang kaluluwa. Ang mga mata na tanging sa kanya lang nakalaan. Napalunok siya ng malalim nang makita ang seryosong tingin ng binata. Nararamdaman na naman niya ang sunod-sunod na pagtibok ng kanyang puso, ang pamamawis ng kanyang mga kamay, at ang pagkawala ng mga salita sa kanyang bibig.

"K-kukuha lang ako ng first aid kit." Dali-dali siyang lumabas ng kwarto habang hawak-hawak ang kanyang dibdib. Isa lang ang umiikot sa isipan niya sa oras na 'yon, kung papaano kokontrolin ang sarili't nararamdaman niya para sa binata. Lalo na't hindi niya alam kung ang nararamdaman niya'y katulad ng nararamdaman ng sa binata.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kyungsoo sa kanya nang makarating siya sa bandang kusina.

"Ok lang ako. Ayaw kasing tanggapin ni Xiumin ang healing spell ni Lay. Gusto niya ako pa ang gagamot sa kanya." narinig niya ang bahagyang pagtawa ng katabi.

"Nako, mahirap 'yan." Kumunot ang noo niya sa narinig. "Mukhang kailangan lang talaga no'n ng atensyon. Pero salamat na rin ha? Mukhang lumalambot na ang malamig na puso niyan." Bahagya siyang tinapik ni Kyungsoo sa balikat.

"Ha?"

"H'wag ka nalang aalis ng basta-basta sa tabi niya."

"Anong ibig mong sabihin?" gulong-gulong tanong niya.

"Marerealize mo rin balang araw."

Ni hindi naman niya maintindihan ang gustong iparating ng kaibigan sa kanya. nagkibit balikat na lang siya't kinuha ang first aid kid sa cabinet. Dire-diresto na rin siyang pumanik sa ikalawang palapag para balikan ang sugatang binata. At muli, bumalik na naman sa sistema niya ang paghuhurumentado ng puso niya habang papalapit nang papalapit sa pintuan ng silid ni Xiumin.

"Jusmiyo! Konti na lang talaga mangingisay na ako sa sahig sa sobrang kaba." Pagrereklamo niya sa isip. "Hindi naman ako dating ganito sa kanya. baka naman siguro may sakit na ako? Xiumin disease gano'n?"

Dumating naman siya sa silid at unang-unang bumungad sa kanya ang namimilipit sa sakit na binata. Pasimple lang nitong hinanawakan ang unan pero kitang-kita niya ang pagkakabaon ng mga daliri nito ro'n. Umayos ito ng pagkakaupo, pasimpleng naghihintay kunwari na para bang walang dinadaing na sugat.

"Hay nako!" bulalas niya. "Ngayon namimilipit ka sa sakit. Sinabi ko na kasing magpagamot ka kay Lay. Ang kulit-kulit mo kasi." Inilapag niya ang first aid kit sa maliit na mesa't binuksan.

"Sinabi ko na't ikaw ang gusto ko."

"Sige. Paniwalain mo ko d'yan sa pinagsasasabi mo."

"Seryoso ako." Muli siyang napatigil sa pagkuha ng mga bulak at sinamaan ng tingin ang binata. "Seryoso ako sa kung papaano mo iyon iintindihin."

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now