XXXVII

3.9K 99 8
                                    


KABANATA XXXVII

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA XXXVII

I

SUNOD-SUNOD ang ginawang paghakbang ni Xiumin habang hinahanap ang dalagang nakasayaw sa sandaling 'yon. Nakakuyom ang kanyang mga kamao habang palinga-linga sa paligid. subalit kahit saan siya magtungo, hindi na niya ito makita. Umakyat din siya sa ikalawang palapag para masilayan nang mas maayos ang buong dance floor ngunit siya'y nabigo.

Inis niyang hinampas ang pader. Halos mamula ang kanyang kamao habang sinusuklay ang buhok nito. hindi na niya malaman ang dapat gawin, tila ba ang tadhana na mismo ang naglalayo sa kanilang dalawa. At alam niyang isa siya sa dahilan kung bakit 'yon nangyayari.

Tinungo niya ang balkonahe sa ikalawang palapag. Walang tao sa lugar na 'yon o kahit ilang bantay. Dumiretso ro'n at inilapag ang namumulang kamao. Gustong-gusto na niyang makita ang dalaga. nais nan niya itong mahawakan, nais humingin ng tawad. Sumandal siya sa pader na 'yon at tinanaw na rin ang mga nagkakasiyahang mga bisita sa ibabang palapag.

Mula sa kanyang kinatatayuan, dinig na dinig ang masasayang kwentuhan ng mga 'yon. Ang muntik mga pagtawa. Masaya ang buong paligid maliban sa kanya. Iniiwas niya ang kanyang tingin mula sa nagkakasiyahang mga tao sa ibabang bahagi ng palasyo. Mas pinagtuunan na lang niya ng pansin ang kalangitan na matatanaw sa kinatatayuan niya. Sa sandaling minuto nang pagtitig niya sa maaliwalas na kalangitan, muling sumagi sa kanyang isipan ang mga ala-ala na magkasama silang dalawa ni Louise.

At sa sandaling 'yon, napatunayan niya sa sarili niya na nararapat inagatan ang mga taong mahal niya upang 'di ito tuluyang mawala sa kanya. mula sa kanyang peripheral vision, naaninag niya ang panandaliang pagkalat ng liwanag 'di kalayuan sa kanyang kinaroroonan. Ipinagtaka niya ang bagay na 'yon kung kaya't 'di niya inalis ang tingin niya sa paligid ng mga puno 'di kalayuan sa palasyo.

Isang imahe ang kanyang nakita. 'di maayos ang mukha nito dahil masyadong malayo ang distansya nila sa isa't-isa. Napansin niyang may dala-dala iyong sandata at kalmadong naglalakad patungo sa palasyo. May ilang mga guwardya ang nagtatangkang lumapit sa estrangherang nilalang at ang nakakatuwa pa no'n, humarap ito kung nasaan siya eksaktong nakatayo.

Parang alam na alam na nitong naroroon siya't nagpapalipas ng oras. Sinalag no'n ang atake ng mga gwardya hanggang sa mapabagsak ang mga ito. Pagkatapos, itinutok nito ang dala-dala sandata sa kanya. Nagkaroon ng malaking pagsabog na halos pagpayanig sa buong palasyo. Mabilis na tinupok ng apoy ang kakahuyan kasabay ng paglitaw ng 'di kilalang mga halimaw.

Mabilis siyang napatakbo at dinungaw ang ibabang bahagi ng palasyo. Kitang-kita niya kung papaano magkagulo ang mga bisita sa ibaba. Mabilis na hinanap ng kanyang mga mata ang mga kasamahan sa paligid ng mga nagkakagulong tao. Napakaraming gwardya ang nagsipaglabasan. Napakaraming nagsisigawan. Mabilis na binigyang proteksyon ang hari't reyna. At sa sandaling minuto, naitaas ang buong alerto sa palasyo. Gamit ang kapangyarihan ng hangin, nilipad siya ni Sehun sa ikalawang palapag at lumapag sa harang sa kanyang harapan.

EXO: Twelve Princes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon