VIII.

6.6K 184 24
                                    

KABANATA VIII

DAHAN-DAHAN ang pagdilat ni Louise sa gabing iyon. Una niyang nakita ang madilim na kisame ng kanyang silid. Marahan niyang ginalaw ang kanyang mga kamay kasabay ng paulit-ulit na pagkurap. Iginala niya ang kanyang paningin hanggang sa mapunta ang kanyang paningin sa bukas na binata ng kanyang silid.

Isang binata ang nakita niyang naka-upo sa balkonahe habang ito'y nakatingala sa kalangitan. Tahimik siyang bumangon sa kanyang higaan at inayos ang kanyang damit na napansin niyang nagbago. Bahagya siyang nagtaka dahil sa kanyang pagkaka-alala'y uniporme ang suot-suot niya bago pa man siya mawalan ng malay.

Mabilis siyang napayakap sa kanyang katawan at namula kahit na liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing liwanag sa dilim. "Anak ng tipaklong! Sino ang nagpalit ng damit ko!" kagat labi niyang bulong sa sarili.

"Siguro itong tukmol na nasa labas. Err, nakita niya ba yung.." mabilis siyang napailing dahil sa pinag-iisip. Umayos siya ng kanyang tayo at naglakad patungo sa labas ng kanyang silid.

Bahagya rin siyang nagulat dahil hindi niya inaasahan ang binatang iyon sa kanyang silid. Hinawi niya ang puting kurtina na nagsisilbing harang ng hangin sa silid. Ibinaling ng binata ang kanyang panigin sa dalaga. Kahit na malalim na ang gabi'y maliwanag pa rin sa kanya ang mukha ng dalaga ngunit kalahati lang nito ang nakikita niya dahil sa dilim.

"And so, you're awake" wika nito sa kanya.

"Ah, Oo" hindi niya mahanap ang tamang salita upang makausap ng maayos ang binata.

Ramdam niyang tinititigan pa rin siya nito kahit na nakasagot na siya bilang pagbati. Humawak siya sa baka ng balkonahe at tumingala sa kalangitan. Kitang-kita ang napakaraming bituwin sa gabing iyon maging ang malamig na simoy ng hangin. Malakas ang tibok ng kanyang puso sa hindi maipaliwanag na dahilan. Nakakaramdam siya ng kaunting pagkailang dahil hindi masyadong nagsasalita ang kanyang kasama idagdag na ang pagtitig nito sa kanya.

"Salamat pala" pambasag niya sa katahimikan.

"You don't need to" tipid na wika niya.

"Kahit na. Salamat dahil niligtas mo ako kahit na –" naputol ang kanyang pagsasalita.

"Hindi kita niligtas dahil gusto ko, niligtas kita dahil siguradong malulungkot ang mga kaibigan ko kapag napahamak ka noong araw na 'yon" Napatahimik siya't napayuko ng ulo dahil sa sinabi nito.

"I see" muling nanaig ang katahimikan sa ilang minuto.

Napakagat ng labi ang dalaga at napapikit ng mariin dahil sa kaba. Hindi niya malaman kung magsasalita pa siya o hindi ngunit, kung hindi siya magsasalita siguradong walang mangyayaring maganda sa kanila.

"Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?"

"I'm not your personal hero to save you everytime. Suho asks me to say here and check if your okay. Nothing more, nothing less" wika na niya na parang hindi naapektuhan ang dalaga.

"I'm just asking"

"Then, I'm just saying"

"Ano bang ginawa ko sa 'yo para maging ganito ang pakikitungo ko sa 'yo?" inis na wika ni Louise. Hindi niya makayanan ang kaprangkahang ginagawa ng binata sa kanya. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito ang pakikitungo nito sa kanya.

Kaagad na tumayo ang binata mula sa pagkakaupo sa balkonahe. Kaagad siyang namulsa at naglakad papalabas nito. "You're still a humbug afterall" itinaas nito ang kanyang kamay at patalikod na kumaway sa dalaga upang magpaalam.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now