XXXII

4.1K 109 22
                                    

 KABANATA XXXII


I

NAPANSIN ni Min ae na nagulat si Denise sa kanyang ginawa. Hinablot niya ang kwelyo ni Xiumin at kaagad itong inilapit sa kanya. Napakatalim ng tingin niya sa binata na halatang nagtataka sa ginawa niya. Pilit niyang hinihigpitan ang pagkakahawak sa kwelyong 'yon kahit na pilit din siyang inilalayo ni Angelu rito.

"Kung ano man ang tumatakbo sa isipan mo ngayon, kailangan nating linawin 'yan." Marahas na tinulak ni Min ae ang binata. napabitaw din si Angelu sa kanya nang dumistansya ito sa binata. subalit mukhang mali pa ang ginawang pagbitaw nito sa kanya. Dali-daling bumwelo si Min ae at inambangan ng suntok ang binata. bilang isang estudyanteng tinataglay ang kakayahan ng isang dragon, nasa mga kamay na niya ang lakas at pwersa na mayro'n sa pakpak ng dragon.

Mabilis na nagdugo ang gilid ng labi ng binata kasabay ng pagbagsak nito sa hallway. Matalim din itong tumingin sa kanya nang bumagsak ito sa daan. "Anong ginagawa mo!" bulalas ni Denise na dali-dali namang itong tinulungan ng dalaga.

"Min ae..." muling humawak si Angelu braso ng kaibigan ngunit binigyan lang siya nito ng matalim na tingin dahilan para muli niyang bitawan ang braso nito.

Lumapit siya sa binata at umupo sa tapat nito. nagtutunggali ang kanilang paningin sa isa't-isa na para bang kanina pa sila nagtitimpi. "Lumayo ka sa kanya! h'wag mo na si—"

"Hindi ikaw ang dinayo ko rito kaya manahimik ka na lang

Ups! Tento obrázek porušuje naše pokyny k obsahu. Před publikováním ho, prosím, buď odstraň, nebo nahraď jiným.

"Hindi ikaw ang dinayo ko rito kaya manahimik ka na lang." napatikom si Denise. Marahil napansin nito ang pagbabago ng kulay ng kanyang itim na mga mata na naging ginto. Isama na rin ang pagkakaroon ng balat ng dragon sa gilid ng kanyang mga mata. Muli siyang bumaling ng tingin sa binata. "Binabalaan kita. Hindi porque isa ka sa kinakikiligan dito sa campus eh hahayaan kita, hindi porque sikat ka eh mananahimik ako, hindi porque mas mataas ka sa akin eh hindi ako kikibo." Napatiim ang bagang niya. "Kung kasalanan mo kung bakit nangyayari 'to sa kanya, sinisigurado kong muling lalapat ang kamao ko sa pagmumukha mo."

"Hindi ko alam 'yang pinagsasabi mo." Inis na tumayo ang binata.

"Hindi mo talaga alam dahil simula nang bumalik 'yang babae sa likuran mo. Naging tanga ka na naman."

"Mahal ko si Denise!"

Napatigil siya panandalian, natawa at nakaramdam pa ng matinding inis. "Ayan! Ayan ang ibig kong sabihin. Wala akong pakielam kung mahal mo siya pero minsan mag-isip ka muna bago ka gumawa ng desisyon. Ano sa tingin mo ang nangyayari? Na bumalik siya at happy ever after na? papaano naman si Lo—"

"Tama na." pare-pareho silang lumingon sa likurang bahagi. Pare-parehong nagulat sa nakita. Napakakalmado lang ng mukha ni Louise sa sandaling 'yon bagay na ikinababahala ni Min ae. Hindi man sabihin ng dalaga, alam niya kung anong klaseng sakit ang pinagdaraanan nito ngayon. At ang hindi niya maintindihan, bakit nito tinitiis ang sakit na dapat na inilalabas nito.

EXO: Twelve Princes ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat