XXXIII

3.9K 98 11
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KABANATA XXXIII

I

TUMINGALA si Xiumin sa kalangitan nang makarating sila sa open field ng eskwelahan. ang lahat ay nakafull alert at halos lahat ng mga bintana sa bawat klase ay nakaselyado. Ang ilang top students sa bawat klase tulad ng twelve prince at dali-daling lumabas sa field upang makipagtunggali kasama ang ilang mga guro. Pagkadating na pagkadating nilang dalawa ni Denise ay bumungad kaagad sa kanyang paningin ang mga kaibigan niyang abala sa pakikipagtunggali. Nahagip pa ng mga mata nito si Min ae na napalingon din sa kanyang direksyon at sinamaan siya ng tingin.

Binuka niya ang kanyang palad at lumabas do'n ang mahabang sandatang gawa sa yelo. Isang mahaba at makapal na pana. Hinila niya ang pisi no'n at otomatikong lumabas ang liwanag 'do'n at inilabas ang mga palasong gawa rin sa yelo. Nasa tabi naman niya si Denise at napansin din niyang gumawa rin 'yon ng pana gawa sa tubig.

Pagkabitaw na pagkabitaw niya sa atakeng 'yon ay kaagad na lumapit sa kanya si Min ae na halatang natataranta. "Nasaan si louise?"

"Nasaan siya?" napansin niyang napapikit ng mariin ang kausap at sa pagdilat nito ay ipinatama nito ang kamao nito sa kanyang mukha. Mabilis siyang bumagsak sa damuhan sa lakas ng suntok na 'yon. 'di maitatanggi na sadyang malakas ang atake ng mga estudyanteng may dugong dragon tulad ng kaibigan niyang si kris. "Dammit, Xiumin! Ikaw na ang pinakawalang kwentang lalaking nakilala ko!" at saka ito tumakbo papalayo sa kanya.

Tila ba tinamaan siya ng kidlat sa lamig na dumadaloy sa kanyang sistema. Nang marinig ang tungkol kay Louise ay kaagad siyang kinabahan.

"Akala ko ba mayroong proteksyon ang eskwelahang 'to!" dinig niyang bulalas ni Suho sa 'di kalayuan. Tuloy-tuloy lang sila sa pakikipagtunggali. May mga pagkakataon na napapayuko silang lahat dahil sa ilang atake na nagmumula sa mga black magicians na tumatama sa lugar 'di kalayuan sa kanila.

Yumanig ang lupa at umusbong doon ang higateng mga baging na kaagad namang nagsama-sama sa isang lugar na para bang gumagawa ng proteksyon. Nilingon niya ang gilid at nakita doon ang kalmadong si Kyungsoo habang minamanipula ang mga halaman. Bigla namang sumulpot sa tabi no'n si Kai at muling naglaho. Nang lingunin niya ang higanteng halaman ay nakita niyang naroroon na nakatayo si Kai habang dinidikitan ng atake ang mga kalaban.

"Bigyan niyo ako ng daanan. Hahanapin ko si Louise sa kakahuyan." Dinig niyang pagsigaw ni Luhan. Pansin niya ring narinig 'yon ng mga kaibigan niya at kaagad namang binigyan ng proteksyon si Luhan para makadaan sa paligid ng mga kalaban.

"Kai!" sigaw naman ni Kyungsoo. "Ilayo mo si Luhan dito!"

"Sasama ako!" otomatikong napalingon ang lahat sa kanya. Kamuntikan pang matamaan ang ilan sa ilang mga atake nang marinig ang tinig niya.

"Xiumin, anong balak mong gawin? Napakaraming black magicians sa paligid. papaano kung –"

"Hahanapin ko si Louise."

EXO: Twelve Princes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon