XXIX

4.1K 101 9
                                    

KABANATA XXIX

I

"When there was light, there's darkness." Mahinang bulong ng 'di kilalang babae habang nakatingin ito sa isang bilog na krystal. Kitang-kita niya kung nasaan ang lokasyon ng hinahanap niyang kwintas. Kwintas na makakapagbigay sa kanya ng karagdagang lakas. Kwintas na lalong magpapatagal ng kanyang buhay at muling makakapagbalik ng pagkakakilanlan niya na nawala ilang taon na ang nakakalipas.

"Saint Haven academy huh?" she smiled. "Napapaisip tuloy ako kung sino ang tinutukoy nilang guardian sa sandaling ito."

Sunod-sunod ang pagkatok niya sa pinto ng silid ni Xiumin. Base sa kanyang mga narinig kahapon, mukhang hindi magiging maganda ang epekto ng pagbabalik ni Denise para sa binata. alam niyang nakakadepress ang maiwan ng taong inaashan mo na hindi ka iiwan. Kung kaya't labis siyang nag-aalala para sa binata.

"Bakit hindi pa rin siya gumising?" Anong niya sa sarili. Hinawakan niya ang door knob at napansin niyang hindi naman ito nakalock. Dahan-dahan niya itong pinihit, tinulak at bahagyang sumilip. Napatakip siya ng ilong kasabay ng pagkabagsak ng kung anong babasagin sa loob ng silid. Otomatiko niyang nabuksan ng malakas ang pinto at nagulat sa nakita.

"Anong ginagawa mo Xiumin!" Hinawakan niya ang kamay ng binata. Napakaraming bote ng alak sa paligid. ang ilan sa mga 'yon ay walang nang laman samantalang sa gilid ng binata'y napakarami pang bukas.

"Lumayo ka nga sa akin." Nawalan siya ng balanse't natumba sa gilid ng mga walang laman na bote. Tumama ang mga 'yon sa pader at bahagyang nabasag. Hindi naman siya gano'ng nasaktan subalit hindi siya makapaniwala sa ikinilos ng binata.

"Anong nangyayari sa 'yo?" nag-aaalala niyang tanong. Napabalikwas siya ng kilos nang mabubog ang kanyang palad. Kaagad niyang sinapo ang kanyang kamay at muling tiningnan ang umiinom na binata.

"Bakit ka pa bumalik?" Anito. "Para ba pahirapan mo na naman ako?"

"Anong sinasabi mo?" napatiim ang kanyang bagang. "Wala akong pakielam kung ano man ang sabihin mo o kung bumabalik na naman sa dati mong ugali." Hinablot niya ang boteng hawak nito. "Hindi magandang uminom ng alak sa umaga!" napataas ang kanyang boses na pareho nilang ikinagulat. Mukha namang nahimasmasan ang binata sa kanyang pagsigaw at nakabalik sa reyalidad.

"L-louise? Anong ginagawa mo rito?" napatingin ito sa palad ng dalaga at otomatikong napatayo. Dala ng alak, kaagad naman itong nawalan ng balanse't tumumba sa kama. "Ughh.."

"Kukuha muna ako ng maiinom mong kape." Malumanay na sambit niya at dali-daling lumabas sa silid ng binata. kakaiba. Tila ba may kung anong nakabara sa kanyang lalamunan. Naninikip ang kanyang dibdib na para bang gusto siya nitong lagutan ng hininga. Gano'n nga ba ang dapat niyang maramdaman sa tuwing iniisip ng taong nagugustuhan niya ang taong nauna nitong minahal bago siya.

Nabangga siya sa kung anong nakaharang sa kanyang daan. Ni hindi niya napansin kung nasaan na siya naglalakad o kung ano pa man. Ini-angat niya ang kanyang ulo at nakita ang nagtatakang mukha ni Luhan.

"Bakit parang balisa ka?" Anito. "Anong nangyari sa kamay mo?" Otomatiko niyang itinago ang kanyang mga kamay sa kanyang likuran. Ngumiti lang siya sa binata na lalo nitong ipinagtaka. "Nagalusan lang ako. Teka, bababa lang ako ha? Bibigyan ko ng kape si Xiumin." At walang sabi-sabing lumiban kaagad ang dalaga.

Sinundan ito ng tingin ni Luhan habang pababa ng hagdan. Kahit na nakita niya ang ngiti ng dalaga, hindi siya makumbinsi na masaya nga ito. Bumuntong hininga siya't ibinalik ang tingin sa daanan. Sakto namang napadaan siya sa silid ni Xiumin at narinig ang ilang ingay mula ro'n. dala ng kuryosidad, minabuti nitong sumilip sa loob.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now