IX.

6.2K 159 25
                                    

KABANATA IX
(Xiumin's painful past)

TUMAKIP ang makapl na ulap sa kalangitan. Hapon na nang mga oras na iyon at abala si Louise at Suho sa pagsasanay sa kapangyarihan ng tubig sa ikawalang araw. Masasabi ng binata ma maraming natutunan ang dalaga sa kaunting oras. Mabilis na umiwas si Louise sa atakeng ginawa ni Suho gamit ang latigong gawa sa tubig.

Kasalukuyang nagpapalitan ng atake ang dalawa nang dumating si Luhan na may dalang pagkain. "Tumigil muna kayo d'yan at magpahinga" wika nito.

Mabilis na kumilos si Suho at pinalitan ang kanyang sandatang latigo maging si Louise na kaagad tumindig na tayo sa kanyang harapan kasabay ng pagtutok ng sandatang tubig sa leeg ni Suho. Halos sabay silang gawin ang bagay na iyon kung saan parehas silang napangiti sa isa't-isa.

"Hindi na masama para sa baguhan" tipid na komento ni Suho.

Ibinaba nila parehas ang kanilang sandata't ipinaglaho sa lupa. Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang magsimula sila sa pag-eensayo sa malawak na hardin ng paaralan.

"Bakit hindi pa kayo magsanay malapit sa dormitoryo?" tanong ni Luhan. Karamihan ng kanilang kaibigan ay nasa dormitoryo na't nagpapahinga maliban sa kanilang dawala.

Kinuha ni Louise ang puting panyo sa kanyang bag at ipinunas sa kanyang pawis sa mukha. "Mas maayos na kung dito muna kami sabi sa akin ni Suho" sagot nito. Tinanggap niya ang inabot na tubig ni Luhan kasabay ng pagngiti. Bakas sa kanyang mukha ang pagiging seryoso tungkol sa pag-eensayong kanyang ginagawa.

"Masasabi kong magaling kang tumanda ng mga tinuturo ko sa 'yo, Louise. Hindi ako nagsisising naging estudyante kita" natatawang komento ni Suho habang inaalala ang pagsasanay na ginawa nila. Hindi naging mahirap sa kanya ang pagtuturo ngunit napansin niya ring mayroong bumabagabag sa dalaga habang nagsasanay.

Maayos ang pagresponde ng dalaga sa kanyang mga atake ngunit may mga oras na wala ito sa sarili kaya't mabilis niya itong nahahanapan ng butas sa pagsugod. Ibinaba niya ang malamig na tubig sa inuupuang mesa't tumingin sa kinaroroonan ng dalaga.

"May bumabagabag ba sa 'yo, Louise? Napapansin ko kasing malalim ang iniisip mo kanina habang nagkikipagtunggali ka" tanong nito. Nasamid siya sa pag-inom ng tubig at napaubo. Mabilis na hinagod ni Luhan ang kanyang likod upang siya'y mahimasmasan.

"Saan mo naman nakuha ang tanong na 'yan?" natatawang tanong nito ngunit sa kabila nito'y hindi siya nagpapahalata sa nangyayari.

"Napansin ko lang. mabilis kang nawawala sa konsentrasyon dahil sa iniisip mo" Bumuntonghininga siya at inilapag ang iniinom na tubig.

Tumanaw siya sa malayo kasabay ng pagsilip ng liwanag ng araw sa malawak na hardin ng eskwelaha. Kahit na anong gawin niya'y hindi niya maitatago ang bagay na kanyang iniisip, kahit hindi niya nais maapektuhan ay naapektuhan pa rin siya.

"Tungkol ba ito sa kanya?" tanong ni Luhan. Marahan naman siyang tumango sa sinabi nito na parang nabasa niya ang nasa isip ng binata.

"I wonder why he hates me that much" Marahang tumango si Suho na para bang nakuha ang nais sabihin ng dalaga.

"I see. Siya na naman pala ang dahilan" Wika niya.

"Xiumin doesn't hate you. Sa totoo niyan Louise he's kindda idiot pero hindi ko naman siya masisisi. He's been hurt so badly to the point na halos lahat ng babaeng nakakasalamuha niya'y inaakala niyang mangyayari ulit sa kanya ang nangyari sa kanya noon" paliwanag ni Suho.

Kaagad na lumingon si Louise sa kanya at para bang interesado sa impormasyong sinasabi ng kasama. Hindi pa niya gaanong kilala si Xiumin maging ang sinasabi nitong nakaraan niya. Pilit niyang iniintindi sa sarili niya kung ano ba talaga ang dahilan nito para layuan siya't tratuhin na parang isang kinamumuhiang tao.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now