XIX.

5.7K 171 26
                                    

(MM: Min Ae)

KABANATA XIX

I

THERE is something deep in Louise's heart. Pakiramdam niya'y nasa isang lugar siya kung saan niya ang kakaibang init sa kanyang kapaligiran. Kasabay nito ay nakakarinig siya ng kung anong kaguluhan sa paligid. Nang imulat niya ang kanyang mata ay kaagad niyang nakita ang imaheng nakita niya noon.

Ang araw kung saan nagsisimulang magkagulo ang buong paligid. Isang grupo ng mga kalalakihan ang muli niyang nakita.

"Is that Xyfler?" she asked herself after she saw a very familiar young man.

Subalit, sa pagkakataong iyon ay hindi nakatuon ang lahat sa binatang si Xyfler. Parang isang 3D television ang imahe na nasa kanyang harapan. Malinaw ang kaguluhan sa kapaligiran. At hindi niya maintindihan kung bakit tila ba nararamdaman niya muli ang nararamdaman ng lahat.

"Chronos, bigyan mo ng kaunting alalay ang grupo nila Kei habang isinasagawa nila ang seremonya!" pag-uutos sa kanya ng isa pang binata.

"Got it."

Tumindig ang binata sa harapan ni Louise. Marahan itong ngumiti sa kanya at kaagad na itinapat ang kamay nito sa kanyang mukha. Hindi nagtagal ay kumawala ang napakalaking apoy sa kanyang harapan.

Nanlaki ang mata ni Louise sa nakita. Kusang napapikit ang kanyang mata matapos itong gawin ng binata. Ilang minutong nanatili si Louise sa gano'ng posisyon. Ipinagtaka niya kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalapat ang apoy sa kanyang katawan.

Marahang idinilat ni Louise ang kanyang mata. Nakita niyang nasa ibang Angulo na nakatingin ang binatang nagngangalang Chronos. Subalit, ang kanyang apoy ay namamayagpag sa kanyang kinatatayuan.

"W-woah. Ano 'to?" tanong ni Louise sa kanyang isipan.

Hindi siya napapaso sa apoy na nasa kanyang paligid. Sinubukan niya ring kumaway sa binata sa kanyang harapan ngunit para bang hindi siya nito nakikita.

"I see. Katulad siya ng nangyari sa akin noon. Hindi nila ako nakikita. Iniisip ko kung bakit ko ito nararanasan paminsan-minsan?"

Louise is like a spirit wandering around. Sinubukan niyang igala ang kanyang paningin upang mapag-alaman ang nangyayari. There's a war, there's a soldiers, there's a king and queen, and there's a baby. But everytime she look around, everything is blurred.

Mas lalong nangingibabaw sa kanyang paningin ang pag galaw ng apoy sa paligid. Those red flickering flames looks like the flame of someone she knew.

Nagsimulang maglaho ang lahat sa kanyang paligid. Nabalot ang lahat sa napakalaking apoy. Bago pa niya malaman kung ano ang nangyayari ay nakita niya ang imaheng napakapamilyar sa kanya.

"Anong nangyayari?" tanong niya sa kanyang sarili. Marahan niyang idinampi ang kanyang palad sa kanyang pisngi. Nakaramdam siya ng kung anong likido bagay na ipinagtaka niya.

"I see. Everybody hates me. Everybody hates my existence." In a split second. Louise finally saw her friends including some students from the academy.

Lahat sila ay nakatingin sa kinaroroonan ni Louise. Subalit, ang nagiging pagitan nila ay ang napakalaking apoy. Mas lalo pa niyang naramdaman ang kirot sa kanyang dibdib nang makita niya ang grupo ng mga kalalakihang nakasanayan niyang kasama.

Sumulyap si Luhan sa kinaroroonan ni Louise. Hindi maiwasang magtama ang parehong paningin ng dalawa. Iniiwas ni Louise ang kanyang tingin. Hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanyang sarili at kung bakit ito naglalabas ng gano'ng klase ng apoy sa kanyang katawan.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now