XLIII

3.2K 76 22
                                    

(Play natin para dagdag feels. Damhin ang boses ni fafa kris.)

XLIII

HINDI maintindihan ni Tao kung bakit siya nakakaramdam ng labis na kaba. Nagsimula na ang kinatatakutan ng lahat. Ang kaguluhan. Pinagmasdan niya si Louise sa 'di kalayuan. Sinira nito ang damit nito't hinubad ang heels na suot-suot. Nilingon niya rin ang kanyang mga kaibigan at ang lahat ay nagsisimula nang maghanda para sa parating na lahat.

Napalunon siya ng malalim sa kaba.

Napakaraming halimaw na paparating. Ang ilang mga kaibigan niya'y binibigyang proteksyon na ang hari't reyna. Ang ilan ay ang inaalalayan ang mga bisita. Dali-daling lumabas ang ilang mga maharlika upang maiwasan ang madamay sa kaguluan.

Nakita niyang lumikha si Louise ni Espadang gawa sa yelo't sinugod ang ilang mga halimaw na sumusugod papasok sa palasyo. Karamihan sa mga 'yon ay mga black magicians na 'di nila alam kung saan nagmumula.

"Ahhh!"

Ang ilan sa mga 'yon ay sumasanib sa ilang mga bisita. Napakaraming nasugatan, napakaraming nasaktan. Ikinalang ni Louise ang yelong sandata nito kay Chen nang atakihin nito ang isang bisita.

"Hindi ko sila dapat saktan!"

Dali-dali niyang itinaas ang kanyang mga kamay at pinatigil ang pag-atake ng bisita kay Louise at Chen. Time stop. Parehong napalingon ang dalawa sa kanya nang mapansin nilang tumigil ang mga ito.

"Mag-iingat kayo.Hindi ko kayo kayang iligtas sa lahat ng pagkakataon dahil limitado lang ang kakayahan ko sa time freeze."

"Samalat, Tao." Marahang ngumiti si Louise. Dali-dali naman itong dumistansya sa kanila at nakipagtunggali sa mga black magicians na sumusugod sa palasyo.

Yumanig muli ang lupa at kamuntikan pang mawalan ng balanse ang ilan. Nagkaroon ng pagsabog sa itaas na bahagi ng palasyo. Dali-dali niyang pinatigil ang pagbagsak ng ilang malalaking tipak ng mga bato gamit ang telekinesis ngunit nakaramdam siya ng bigat dahil na rin sa laki ng mga ito. Tila ba umusli ang kanyang mga ugat sa ginawa niyang pagbubuhat. Bahagya rin siyang napaatras at naramdaman niya ang pagkagasgas ng kanyang mga paa sa malamig sa simento.

"Ugh."

Nagkaroon ng malamig na ihip sa paligid at nakaramdam siya ng gaan. Nilingon niya si Luhan at Sehun na tumutulong sa kanya sa paghawak sa ilang mga batong nalalaglag mula sa kisame ng palasyo. Maingat na pinagpira-piraso ni Kyungsoo ang mga 'yon upang 'di na rin masaktan ang ilang mga kaibigan nilang lumalaban.

Gamit ang kanyang tingin, isa-isa niyang pinasalamatan ang kanyang mga kaibigan.

"Sana naman nag-eenjoy kayo sa inihanda kong palabas." Kumuyom ang kamao ni Louise nang marinig ang pamilyar na tinig na 'yon. Kahit na maingay sa paligid at nangingibabaw sa kanyang pandinig ang boses ng babaeng nagsalita.

Nilingon niya ang sirang pader ng poste at tumambad sa kanyang harapan ang isang babaeng kulay asul ang mga mata. Nakasakay ito sa itim na butong kabayo habang nakangiti sa kanya. Ramdam niyang napatigil ang ang ilan nang makita ang babaeng 'yon. Tila na ba nag-init ang kanyang dugo nang masilayan ang mapang-asar na ngiti nito.

"I missed you so much, Louise."

"Damn you, Sky."

Tila ba umiwas ang mga nagtutunggalian sa kanilang daanan. Tanging silang dalawa lang ang nananatiling nakatayo sa gitna ng nagkakagulong palasyo. Naaninag niyang napatigil sa pagtakbo si Xiumin sa kanyang direksyon.

EXO: Twelve Princes ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon