XXIII

6.1K 128 11
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KABANATA XXIII

I

PALINGA-LINGA si Kyungsoo habang hinahanap ang presensya ni Louise sa apat na sulok ng sala. Tirik na tirik na ang araw sa labas ngunit hindi pa rin lumalabas ng silid ang dalaga simula nang makabalik sila sa dormitoryo kahapon.

"Kumain na ba si Louise?" tanong nito kay Chen na abala naman sa paglalaro ng psp na nabili nito sa mortal world. Salamat sa paglalabas ng malaking pera ni Suho at nasunod na naman nito ang kagustuhan sa pagbili ng kung ano-ano sa mortal world bilang souvenier.

"Hindi ko alam."

"Inaway mo na naman ba siya? Baka naman ginawan mo siya ng prank d'yan?" Sumimangot si Chen nang matalo siya sa nilalarong tekken.

"Ang hirap talaga sa gwapo, palagi na lang napapansin. Minsan nga ibabahagi ko sa inyo itong kagwapuhan ko nang mapansin naman kayo." Kaagad siyang binato ni Kai ng maliit na unan sa sofa na kaagad tumama sa mukha nito.

"Ah, sa sobrang lakas ng hangin humampas sa 'yo ang unan."

Tumayo si Luhan mula sa pagkakaupo sa dinning table at 'di na nito tinapos ang pag-inom sa kape. Dinaanan nito ang nag-aalitan na sina Kai at Chen at nagtungo sa pinakadulong bahagi ng mga silid. Hindi masyadong maingay sa dormitoryo dahil ang ilang mga kaibigan nito'y nagpapahangin sa labas o 'di kaya'y nagdidilig ng halaman. Tumigil ang binata sa harap ng pinto ng silid ni Louise, marahan itong kumatok kasunod ng pagtawag sa pangalan ng dalaga.

"Tulog ka pa rin ba? Papasok ako. Ayos lang ba sa 'yo?" hindi nakarinig ng kahit anong sagot ang binata.

Tinignan nito ang relo sa kaliwang bahagi ng braso at nakitang malapit nang sumapit ang alas-dies. Subalit, nananatili pa ring sarado ang pintuan ng silid ng dalaga. Hindi naman sila masyadong nagpagabi sa pagsasaya sa Enchanted Kingdom para tanghaliin ng gising ang dalaga. Kung titingnan ay hindi naman masyadong nakakapagod ang paglalalakad nila dahil mas marami pa silang ginawang kain kaysa sa pagsakay ng rides. Maliban na lang sa tatlong sina Chen, Chanyeol at Baekhyun na aakalain mong mauubusan ng rides dahil walang tigil sa pagpila't pagsakay sa mga rides.

Hinawakan nito ang door knob subalit nakalock ito mula sa loob. Gamit ang kakayahan sa Telekenesis ay kaagad nitong iniikot ang pihitan ng pinto mula sa loob. Wala na siyang pakielam kung magalit pa ang dalaga sa kanya basta't maalis lang ang pag-aalala sa kanyang isipan.

Hindi niya maintindihan kung kakabahan ba siya o matataranta nang makita ang dalagang dilat ang mata ngunit parang walang buhay na nakahiga sa kama. Ang ulo nito'y wala na sa nasasakupan ng kama. Nakatingala ito sa kisame habang nakalaylay ang ulo sa gilid ng kama maging ang kaliwang kamay nito. Kaagad na lumapit ang binata, hinawakan at inayos ang dalaga sa pagkakahiga. Tulala lang ito at napakalalim ng iniisip.

"Louise, Louise!" Bahagyang inalog ng binata ang dalaga. "Okay ka lang ba? Louise!"

"Ah, nariyan ka pala." Kumunot ang noo nito sa narinig.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now