XL

4.8K 95 14
                                    

KABANATA XL

Nagulat na lang si Louise nang maramdamang may umakbay sa kanya. Kasalukuyan silang naglalakad papasok sa school building nang akbayan siya ni Kai. Marahan pa itong lumapit sa kanyang tainga kasabay ng pagbulong. Hindi naman niya alam kung kikilabutan siya sa ginagawa nito o hindi.

"Mukhang maganda ang gising natin ha?" naramdaman niyang nagtaasan ang balahibo sa kanyang katawan nang marinig ito. Kilabot nga ba ito o sadyang naaalibadbaran siyang inaakbayan siya nito. "Anong ginawa niyo ni Tropa, Xiu kagabi?"

"Anong gagawin namin?"

"Alam mo na?" Saka ito nagtaas baba ng kilay. "Madilim kagabi. Ako ang tumulong sa kanya para makapasok sa kwarto mo. 'nung ginawa mo sa kanya Louise?" Napakagat siya ng labi. Hindi niya alam kung anong iniisip ng binata sa isipan nito. Ngunit kung ano man 'yon, kitang-kita na niya sa mga ngiti nitong may iba pa itong ibig sabihin.

"Kinikilabutan ako sa sinasabi mo. Do'n ka nga." Sabay tulak niya rito. Humagalpak naman ito ng tawa, umiling-iling habang tinuturo ang kanyang mukha. "Bwisit."

"Namumula ka oh. Siguro may ginawa kayo kagabi 'noh? Nako-nako, Louise. Bata pa si Xiu, h'wag mong samantalahin ang pagkainosente niya."

"At sa kanya ka pa talaga nag-alala ha? Sino ba babae sa aming dalawa?" Singhal niya. "Kailangan mong vaccumin 'yang utak mo, Kai. Masyadong maraming...." Saka siya yumakap sa kanyang katawan. "Dirty thoughts sa kokote mo. Isa pa, hindi naman siya nagpunta sa kwarto ko kagabi!" pagtanggi niya.

Napabalikwas naman sila nang makita nila ang seryosong mukha ni Kyungsoo sa kanilang harapan. Diretso ang tingin nito kay Kai na mukhang nagulat din sa kanita. "Ano na naman ang ginagawa mo kay Louise? Kinukwentuhan mo na naman siya ng kung ano-ano."

"Nako, Kyungsoo, wala kang dapat ipag-alala. Nagtatanong lang naman ako sa kanya." saka ito natawa kasabay ng mabilis na pag-alis sa kanyang tabi.

"Oo, Kyung, may sinasabi na naman siyang... alam mo na. Medyo dirty."

"Wala akong sinasabi sa 'yo ha! Ikaw lang nag-iisip niyan." Saka ito tumakbo papalayo. Binalak naman niya itong hampasin ngunit bigla itong naglaho sa kanyang harapan. Teleporation sucks. Hirap tuloy siyang hampasin ang kaibigan.

Hindi muna siya dumiretso sa kanilang classroom. Tinungo niya ang library kung saan kinakailangan niyang maghanap ng impormasyon tungkol sa isang bagay. Napansin naman niyang sumusunod sa kanya si Tao na kanya namang ipinagtaka. Ngumiti ito sa kanya habang umiinom ng mainit na kape. Pansin niyang kakaunti pa lang ang mga estudyante sa hallway dahil masyado pa rin namang maaga. Ang ilan ay ngumingiti sa kanila sa tuwing nagkakasalubong sila ng ilang estudyante. And it's a kindda... weird. Parang dati lang eh death glares ang ibinibigay nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung totoo na ba 'yon o dahil lang kasama niya si Tao sa sandaling 'yon.

"Saan punta natin?" tanong nito.

"Hala, Kasama ka ba sa 'kin?" Pagbibiro niya. "De joke lang. Pupunta ako sa library. Ikaw?"

"Same." Saka ito muling uminom sa kape. "Matataas naman ang scores mo sa exams. Anong gagawin mo sa library? H'wag mong sabihin binabalak mong talunin ang top one sa klase?"

Pumasok silang dalawa sa library. No magic zone 'yon kaya't hindi nila magagamit ang kakayahan nila. Nilapitan niya kaagad ang book directory samantalang napansin naman niyang humiwalay sa kanya ang kasama. Sinundan niya ito ng tingin at nakitang naglabas ito ng ballpen at notebook. Marahan siyang napatango-tango, marahil gagawa ito ng home work na dapat sa home talaga ginagawa. O siguro, para maiwasan ang pangongopya ni Chen sa kanya.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now