VI.

6.3K 163 12
  • इन्हें समर्पित: meratotx
                                    

Multimedia : Min ae

KABANATA VI

MATAPOS ang ilang kaganapan sa eskwelahan ay muli itong nanumbalik sa normal. Sabay-sabay na naglakad ang magkakaibigan papasok ng gate ng academy kung saan ang tinginan ng lahat ay nasa kanila. Ngunit, hindi tulad noon ay hindi nila kasamang maglakad ang kaibigang si Xiumin dahil sa pagkakasuspende nito ng ilang linggo dala ng pakikipagtalo sa mga propesor sa academy.

Napag-alaman nilang pumayag na masuspend ang binatang si Xiumin basta't makapasok lang ang dalagang si Louise sa star section na kinabibilangan ng magkakaibigan.

Iginala ni Louise ang kanyang tingin sa paligid kung saan hindi niya nagugustuhan ang tingin pabalik ng mga taong nakakasalubong niya. Ang mga tingin ng babae'y masama samantalang tila hinuhusgaan naman siya ng kalalakihan.

"S'ya ba yung iniligtas ni Xiumin noong unang araw ng pasukan?" narinig niyang bulong sa hindi kalayuan.

"Oo be, hmmp! Hindi naman siya gaanong maganda" napayuko siya sa narinig samantalang bahagyang lumapit si Luhan sa kanya at lumingon sa nagbubulungang kababaihan.

"Okay lang ba kung magpaparinig kayo, kayo-kayo nalang yung nakakarinig? Hindi ko kasi matiis ang mga basurang salita na lumalabas sa bibig niyo" Ngumiti ito sa kanila na ikinagulat naman nila.

Humawak si Louise sa braso ni Luhan senyales na nais na nitong patigilin ang kaibigan sa ginagawa. Tumingin ng seryoso ang dalaga sa kanya kaya't kahit hindi niya gusto'y umalis siya sa harapan ng mga babaeng nagpaparinig sa dalaga.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon" mahinang wika niya.

"Hindi mo kailangan pero kailangan ko. Nakwento mo sa amin na hindi maganda ang pagtrato ng mga tao sa 'yo sa mundo mo kaya't kahit dito sa mundo namin hindi ko hahayaang maulit ang bagay na iyon" Humawak siya sa ulo ni Louise at dinaanan siya.

Bahagya namang napangiti ang dalaga sa pag-alalang ibinibigay ng binata sa kanya. Kakaiba dahil ngayon pa lang niya nararanasang pangalagaan at protektahan.

"Mag C-cr lang ako, Luhan" pagpapaalam nito sa binata. Kaagad lang itong tumango sa kanya at nagtungo muna sa hardin ng paaralan. "Hihintayin ka namin dito" Wika ng binata.

Kaagad na dumiretso ang dalaga sa pinakamalapit sa CR sa academy. Hindi pa rin naalis ang kakaibang tingin ng mga estudyante sa kanya sa paligid kaya't binilisan niya ang paglalakad.

"Tumigil ka sa kinatatayuan mo" isang otorisadong wika ng isang babae sa hindi kalayuan.

Kaagad siyang napatigil sa kinatatayuan niya't lumingon sa paligid. Isang babae ang naglakad patungo sa kanyang kinatatayuan dala ang seryosong mukha. Ang tingin nito sa kanya'y matalim na tila ba nais siya nitong saktan kahit malayo pa ang kanilang distansya.

"Ikaw ba ang nababalitaan kong nagpapapansin sa twelve prince?" Hindi pa man siya nakakasagot ay kaagad siyang hinawakan ng dalawa pang babae sa magkabilang braso.

"Alam mo ba ang patakaran sa eskwelahan na ito?" tanong nito sa kanya.

Marahan itong lumapit sa kanya at hinawakan siya sa kanyang baba. Bahagya siyang napapikit dahil bumabaon ang matalas nitong kuko sa kanyang baba.

"A-anong ibig mong sabihin?" hirap na wika ni Louise.

"Mukhang hindi mo nga alam. Sige, dalhin 'yan sa likod ng building" pag-uutos nito.

Sa kabilang banda naglakad naman papasok ng eskwelahan ang dalawang magkaibigan na si Min ae at ang maingay niyang kasama na si Angelu. Tulad ng nakasanayan, iritado ang mukha ni Min ae dahil sa maagang pangungulit ni Angelu sa kanya lalo na nang matanaw nito ang twelve prince na nakatambay sa harapang bahagi ng hardin.

EXO: Twelve Princes ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें