XLI

4K 81 3
                                    


KABANATA XLI

"Ito pala ang dorm niyo." Ngiting sambit ni Louise nang makapasok sa loob ng dorm nina Angelu't Min ae. Kung titingnan, halatang babaeng-babae ang namamalagi sa lugar na 'yon dahil sa dami ng pink stuffs na makikita sa bawat kanto ng silid. Kahit na ang ilang mga dekorasyon sa sofa't mesa'y kulay pink din.

"Ganda 'di ba? Kaya dapat dito ka na lang nagstay. Bukod sa sasakit ang mata mo dahil sa mga pink na bagay, sasakit pa tainga mo dahil kay Angelu."

"Grabe siya oh!" natawa siya nang marinig ang protesta ni Angelu sa gilid. Napako ang tingin niya sa isang pwesto kung saan wala masyadong furnitures. Kumunot ang noo niya't tiningnan ang lugar na 'yon. Naramdaman naman niyang sinundan din siya ng mga kaibigan hanggang sa bumungad sa kanya ang napakaraming litrato na nakapaskil sa pader.

Ang karamihan sa mga 'yon ay litrato ng magkaibigan noong mga bata pa lang hanggang sa panahon kung kailan niya ito nakilala. May ilang mga litrato rin sina Kris at Sehun sa pader at mukhang stolen pa ang ilan sa mga 'yon. Hindi niya maiwasang mapangiti, sa nakikita niya'y mukhang malapit na malapit nga ang dalawa sa isa't-isa noong panahong nasa mortal siya ng mga tao.

"Kung iniisip mong close kami, H'wag mong isipin 'yan." Itinuro ni Min ae ang ilang mga litrato. "Ito, ito, at ito, pinilit lang ako ni Angelu r'yan. May halos dahas ang ngiti ng babaeng 'yan dito at dito." Mas lalo siyang natawa nang itulak ito ni Angelu.

"Grabe lang. If I know ikaw nga ang pumilit sa akin d'yan!"

"Tingnan mo 'to, binaliktad pa ang usapan." Saka nito dinampot ang pinakamalapit na bagay at saka itinutok sa kanya. "Isang ngiti nga r'yan, Louise." Bigla na lang siyang nakarinig ng click. Saka na lang niya napagtantong kinuhaan siya ng mabilis ni Min ae at ngayon ay inaabangan na nila itong madevelop. Pati siya'y hindi maiwasang makitingin sa polaroid na 'yon habang lumalabas ang kanyang litrato. "Kahit na candid ang ganda pa rin. Iba talaga ang beauty ni Louise. Tsk." Saka nito idinikit ang litrato niya sa pader.

"Sana naman ininform mo ako. Papaano kung nabigla ako r'yan? Edi ang sama ng pagkakakuha sa akin."

"Parang wala ka namang tiwala sa ganda mo. Halika rito, magselfie tayong dalawa para naman may picture tayo rito." Saka siya nito hinila.

"Selfish way of living. Sana isama mo naman ako, Min ae." Reklamo naman ni Angelu at isiniksik ang sarili sa kanyang tabi. "Picuteran mo na ako dali. Once in a lifetime lang 'tong makasama niyo ako sa group picture."

"Minsan nga kilabutan ka sa sinasabi mo." Saka natawa si Min ae. "Oh ngiti na kayo."

Ang mga litrato na hindi magbabago kahit na lumpipas ang napahabang panahon. Tinitigan niya ang kanilang litrato habang lumalabas ito sa camera. Napangiti siya nangmakita ang kanilang polaroid na kaagad namang niyang idinikit sa pader kung saan naroro'n din ang ilang litrato ni Min ae at Angelu.

"Excited na akong makita ka sa magarbong damit habang naglalakad sa palasyo bilang guardian. Ibang klase pala 'tong kaibigan natin." Saka pa umiling-iling.

Napangiti siya nang bahagya nang marinig 'yon. Hindi niya rin aakalain na darating ang lahat sa sitwasyon kung nasaan siya ngayon. "Sa totoo lang, h'wag kayong magugulat sa sasabihin ko sa inyo."

"Tomboy ka?"

"Korny mo, Angelu." Singit ni Min ae.

"Actually, hindi ako pupunta ro'n bilang guardian. Pupunta ako ro'n bilang prinsesa ng palasyong 'yon." Nagulat siya nang masamid si Min ae sa narinig. Kamuntikan na ring maibuga ni Angelu ang kakakagat lang nito na tinapay. Parehong nanlalaki ang mga mata ng kanyang mga kaibigan, parehong gulat, parehong nakakunot ang kilay na para bang hindi ito makapaniwala.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now