XVI.

5.8K 159 11
                                    

Please play the music on the III scene :)


KABANATA XVI

I

ISANG maliwanag na araw sa labas ng silid aralan. Ikinumpas ni Louise ang kanyang kamay tulad ng sinabi sa kanya ni Sehun. Magkahalong kaba at takot ang naramdaman ni Louise matapos siyang bitawan ni Kris at ihulog mula sa kalangitan. Malakas ang pagsigaw niya habang pilit na inaabot ang kamay ng binata sa kanyang itaas ngunit, hindi umimik ang mga ito bagkus ay tiningnan lan siya nito habang nahuhulog.

"Kris~" malakas na pagsigaw ni Louise kasabay ng pagpikit ng mariin.

Hindi siya makapas-isip ng maayos dahil sa kaba. Tila ba nauuna ang kanyang dibdib na malaglag isabay pa ang pagkalula niya dahil sa taas ng kanyang kinahuhulugan.

"Mamamatay ako, Mamamatay ako, Mamamatay ako Ahhh!" malakas na pagtili ni Louise.

"Sthiguradong una mukha niya kapag bumagsthak sthiya stha lupa, Kristh" ani ni Sehun habang pinapanood na mahulog ang dalaga mula sa himapapawid.

"Bakit ba kasi niya inuuna ang takot niya" asik ni Kris bago tuluyang ihulog ang sarili niya sa himpapawid kung saan niya nilipad ang kinahuhulugan ng dalaga.

Maagap siyang pumantay sa nahuhulog na si Louise na kaagad naman niyang hinawakan sa baywang upang saluhin mula sa pagkakahulog. Kaagad niyang inilipad papataas ang dalaga patungo sa kung saan lumulutang si Sehun na kanina pa naghihintay sa kanila.

"Louisthe, hindi mo naman kailangang matakot. Hindi ka naman namin pababayaang mahulog" ani ni Sehun nang makapantay niya ang dalawa.

Sinamaan siya ng tingin ni Louise habang nakahawak ito ng mahigpit kay kris. Hindi nito mapigilan ang panginginig ng kanyang kalamnan dahil sa pangangatog. Hindi rin mapigilan ni Kris ang mapangiti dahil sa itsura ni Louise.

"M-madali lang sa 'yong sabihin 'yan dahil hindi ikaw ang nagsasanay" nanginginig na wika ni Louise.

"If you don't know to surpass your fear, you can't finish this training" ani ni Kris.

Bumuntong hininga naman si Louise at pilit na ikinakalma ang kanyang katawan. Pakiramdam niya'y nahulog na ang puso niya sa kung saan man sa ibabang bahagi ng eskwelahan matapos niyang mahulog ng panandalian.

"N-nakakatakot kasi.." mahinang wika niya habang tinatanaw ang ibabang bahagi.

Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Louise sa leeg ni Kris upang masiguradong hindi na siya ihuhulog pa nito. Bahagyang iniiwas ni Kris ang kanyang ulo papalayo sa dalaga dahil sa pagkailang. Ito pa lang ang unang beses na yumakap siya ng babae na walang halong pagloloko.

Kadalasan, ang mga nayayakap niya o hindi kaya't nagiging kalapit niyang mga babae ay ang mga babaeng inililista niya sa tinatawag niyang "Listahan" ng mga ex-girlfriends niya. Hindi rin niya nakitaan ng kahit anong arte si Louise sa katawan o kahit mailang man lang dahil sa lapit nilang dalawa sa isa't-isa.

"Chansthing ka na Kristh" walang emosyong wika ni Sehun habang nakatingin sa kanya habang nakasimangot.

"Kung gusto mo magpalit tayo ng posisyon tutal mukhang mas kaya ng hangin mo ang buhatin si Louise" reklamo ni Kris. "Ang bigat kaya niya."

Otomatikong hinampas ni Louise ang braso ni Kris dahil sa kanyang sinabi. Nakita niyang sumimangot ang mukha ng dalaga matapos niyang sabihing mabigat ito.

"H'wag ka kasthing titingin stha ibaba, Louisthe, talagang malulula ka. Isthipin mo ang hangin na sthumasthalo stha 'yo stha tuwing mahuhulog ka" pagpapaliwanag ni Sehun sa kanya.

EXO: Twelve Princes ✔️Onde as histórias ganham vida. Descobre agora