XXI.

5.6K 153 15
                                    

KABANATA XXI

I

Dinig na rinig ni Louise ang tunog ng mga nagkakantahang ibon sa labas. Naaninag niya ang nakakasilaw na liwanang na nagmumula sa gilid na bahagi ng kanyang paningin. Dahan-dahan niyang imunulat ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang isang mabigat na kung ano sa kanyang kamay na kanya namang nilingon. Hindi niya malaman kung ngingiti ba siya o hindi matapos makita ang binatang si Xiumin na natutulog sa kanyang tabi.

Iginala niya ang kanyang paningin, napag-alaman niyang nasa School clinic siya kung saan niya nakita ang pag-aayos ng school nurse sa ilang mga gamot. Pansin niyang nagliliwanag ang ilang bahagi ng kanyang katawan kung saan lumilibot ang maliliit na diwata.

"Gising na siya." Ani ng isang maliit na tinig.

Nakita niya ang paglingon ng nurse sa kanya habang patuloy na nagliliparan ang ilang diwata sa paligid. batid niyang iyon ang katulong ng School nurse para makapanggamot sa mga estudyanteng may sugat o karamdaman. Kitang-kita niya rin ang mahabang tainga nito na katulad ng sa isang Elf.

"Kanina pa siya naghihintay sa 'yo. Aalis muna ako sandali ha? Kukuha lang ako ng iba pang mga halamang gamot para gawing gamot." Tumango siya bilang pagtugon sa Nurse.

Sumunod doon ang mga diwata hanggang sa lumiban sila sa silid. Sinubukan niyang tumayo, sa kanyang paggalaw ay naalimpungatan ang natutulog na binata sa kanyang tabi. Pareho pa silang nagulat dahil sa biglaang pagpitlag nito habang pinandidilatan siya ng mata.

"Bakit tumayo ka na agad?" Asik nito habang pinipilit siyang humiga muli.

"Xiu! Hindi ako nakatayo. H'wag mo nga akong itulak pabalik!"

Nakipagsukatan ito ng tingin sa kanya. marahan niyang pinitik ang noo ng binata bago muling umupo sa kama.

"Maayos na nga ako," ginalaw-galaw niya ang mga braso't-balikat. "Wala nang masakit sa akin. Pinagaling na ako ng healing fairies kanina."

Nakita niyang huminga ng malalim ang binata bago muling ihiga ang ulo nito sa kamang kinauupuan niya. Nakabusangot ito habang nakatitig sa puting unan sa kanyang gilid.

"Kinabahan lang ako sa nangyari kanina. Hindi ko alam kung anong sapak ng principal para gawin 'yon. Gustong-gusto ko siyang sapakin sa mga oras na 'yon pero siguradong ipapasok nila ako sa detention room pagkatapos." Naramdaman niyang hinawakan ng binata ang kanyang kamay habang nakadayukdok ito sa kama. "I don't want to hurt you. Gusto kong itama ang mga maling ginawa ko sa 'yo. Masyado akong naging rude, 'di ko inisip ang nararamdaman mo. Natatakot lang akong pagtrayduran ng mga taong pinagkakatiwalaan ko..." anito.

Marahan siyang ngumiti at sinulkay ang buhok ng binata. Ni hindi nito makuhang lumingon sa kanya. bahagya rin siyang natawa nang makita niyang namumula ang tainga nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararadaman niya sa kanyang puso.

Sa tingin niya, nakita't nahawakan na niya ang matigas na puso ng binata. At ang kamay niya ang tumunaw sa makapal na yelong nakapalibot dito. Finally, she reached his frozen heart. Naramdaman niyang humigpit ang pagkakahawak ng binata sa kanyang kamay. Bumuntong hininga siya't pinakiramdaman ang mainit na palad nito sa kanyang balat.

Sadyang napakabilis ng oras, napakabilis ng panahon, tila ba kahapon lang ang lahat. Isang kahapon kung saan nararanasan niya ang pagtataboy sa kanya ng binata, ang pagsimangot nito't pagtulak sa kanya papalayo.

"Thank you for staying by myside. Kahit na... naging masama ako sa 'yo, naging harsh, naging suplado. Nanatili ka pa rin sa tabi ko para makipagkaibigan, para lang alalahanin ako." Mahinang bulong nito. "Thank you."

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now