XV.

6.3K 173 29
                                    

KABANATA XV

"Justh feel the air Louisthe" ani ni Sehun habang pinapanood siya ni Louise.

Ito ang ikatlong pagsasanay ng dalagang si Louise sa panggagaya ng kakayahan ng ilang binatang kasama niya sa dormitoryo. Tahimik na nakaupo si Louise sa ilalim ng puno habang pinagmamasdang laru-laruin ni Sehun ang hangin sa kanyang paligid.

Hindi man niya ito masyadong makita ngunit mayroong munting buhangin na isinama si Sehun upang makita niya ang kanyang ginagawa.

"Ang hangin ang pinakamadaling kontrolin kasthunod ng pagkontrol ng lupa. Pareho sthilang nakaayon stha kapaligiran" paliwanag ni Sehun.

Kaagad namang tumango-tango si Louise sa pagpapaliwanag ng binata sa kanyang harapan. Napangiti siya matapos na makita ang ilang bilog na hanging pumapaikot sa kamay ng binata kung saan nakatayo sa kanyang palad ang munting ipo-ipo.

"Hindi ba mahirap 'yang ginagawa mo? I mean, hindi ko nakikita ang hangin papaano ko 'to kokopyahin?" tanong ni Louise.

Kaagad na ibinaba ni Sehun ang kanyang kamay kung saan tumigil ang pag-ikot ng hangin sa kanyang paligid. Marahan itong napakamot ng kanyang ulo at napa-isip.

"Hindi ko alam kung papaano ito ipapaliwanag. Hindi rin naman ako marunong magturo ng kahit ano." Natatawang wika ni Sehun.

"Oh great" napa-iling naman si Louise sa narinig. "Papaano tayo makakapagsimula nito?" dagdag pa niya habang nakasimangot.

"Hindi ko rin alam. Siguro magskip ka muna mas -" kaagad napatigil si Sehun sa pagsasalita matapos siyang pitikin ni Luhan sa kanyang tainga.

Napangiti naman si Louise sa pagdating ni Luhan. Kaagad na napasimangot si Sehun sa pagpingot sa kanya ng kaibigang si Luhan. "Luhan, H'wag naman ang tainga ko!" asik ni Sehun.

"Hindi matututo sa 'yo si Louise kung hindi mo siya tuturuan, Sehun" ani ni Luhan habang naglalakad patungo sa tabi ni Louise.

Kaagad itong umupo sa tabi ng dalaga kasabay ng pagsandal niya sa puno. "Sehun, napakadali lang ng kapangyarihan ng hangin. 'yun nga lang, hindi mo siya nakikita kaya struggle kapag nais mong gayahin ang ginagawa ni Sehun" komento naman nito sa paraan ng pagtuturo at pakikinig ng kanyang kasama.

"May punto ka, hindi magiging madali kung hindi ko makikita ang kinakailangan kong aralin" tipid na komento ni Louise sa gilid.

"Hindi mo naman kailangang makita, kailangan mong maramdaman." Pumihit ng tingin si Luhan sa katabing dalaga.

"Natatandaan mo ba 'yung ginawa sa 'yo ni Kyung? Hindi niya hinayaang makita mo ang ginagawa niya sa labas ng pader bagkus ay ikinulong ka niya upang ikaw mismo ang makaramdam sa kapangyarihan ng lupa" ani ni Luhan.

Umupo si Sehun sa kanilang harapan at napilitang makinig. Marahan pa itong napahikab ngunit kaagad na isinara ni Luhan ang kanyang panga. "Sehun, hindi lang pala ikaw ang magtuturo sa kanya sa ngayon. Kinutuban na kaming ganito ang mangyayari sa pagsasanay niyo" marahang napatawa si Luhan.

"Anong ibig mong sabihin?" asik ni Sehun.

Nagulat silang dalawa ni Louise matapos bumagsak sa kanilang harapan ang isang binata kasama na rin ang ilang piraso ng dahon na kasabay nitong bumagsak. Pinagpag nito ang kanyang kamay maging ang sarili bago tumindig ng tayo sa kanilang harapan.

"Naisip namin na pagsamahin silang dalawa sa pagsasanay mo tutal magkakonekta ang kapangyarihang gagamitin niyo" ani ni Luhan.

"Well then, let's begin" he grinned.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now