XII

6K 152 6
                                    

KABANATA XII

MALAKAS ang tibok ng kanyang puso na halos kulang nalang ay kumawala ito sa kanyang dibdib. Hindi siya makakilos ng maayos dahil sa panginginig ng kanyang katawan. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Halos maramdaman na niya ang hininga ng binata sa kanyang mukha dahil sa sobrang lapit nito sa kanya.

Madilim ang buong paligid dahil sa pagpatay ng ilaw sa loob ng school library. Hindi na siya makapag-isip pa ng maayos at tila nabato sa kanyang kinatatayuan.

"What the hahalikan ba niya ako? Bakit hindi ako makagalaw!" Natatarantang wika ni Louise sa kanyang isip.

Mariin siyang napapikit matapos maaninag ang kalahating mukha ng binata na papalapit ng papalapit sa kanya. Ang kamay nito'y nakahawak pa sa kanyang baba at dahang-dahang ini-aangat ang kanyang mukha.

"Ano 'to, bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit hindi ko siya maitulak tulad ng nasa isipan ko" pakiramdam niya'y mas nagiging mabagal ang mga sumunod na oras.

Ihinarang niya ang kanyang kamay at marahang itinulak ang binata ngunit kaagad nitong hinawakan ang kanyang kamay. Tumigil ang paglapit ng mukha ng binata at idinikit nito ang kanyang noo sa noo ng dalaga.

Nahawi ang makapal na kaulapan dahilan upang lumabas ang maliwanag na buwan sa gabing iyon. Ang maliwanag na sinag ng buwan ay tumagos sa malaking salamin ng library kung saan niya malinaw na naaninag ang kalahati ng mukha ng binata.

Dahan-dahan nitong idinilat ang kanyang mata hanggang sa magtama ang kanilang paningin. Ibang-iba ang tingin sa kanya ni Xiumin sa mga oras na 'yon, ramdam na ramdam niya ang tibok ng puso ng binata habang hawak-hawak nito ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.

"You're really .." mahinang wika ng binata.

"Uh?" Hindi na nakapagsalita ang dalaga nang bigla siyang halikan nito.

Kung hindi siya makagalaw sa sobrang lapit nila sa isa't-isa'y mas lalo siyang nabato sa kanyang kinatatayuan. Pakiramdam niya'y nawala ang lahat ng kanyang lakas nang halikan siya ni Xiumin. Mariin siyang napapikit , hindi niya maitatangging nararamdaman niya ang init ng halik ng binata.

"Bakit? Hindi ba't hindi niya ako gustong mapalapit sa kanila.. Bakit ganito?" tanong nito sa kanyang isipan.

"Pinaglalaruan niya ba ako?" Humigpit ang pagkakahawak ni Louise sa dibdib ng binata.

Kasabay nito ay iniiwas niya ang kanyang mukha at humiwalay sa pagkakahalik ng binata sa kanya. Parehas silang nabigla sa nangyari lalo na si Xiumin na tila nawala sa kanyang isip ang kanyang mga kinilos. Mas lalo siyang nagulat matapos lumapat ang kamao ng dalaga sa kanyang mukha bagay na nagpatumba sa kanya.

"Ah! Sorry, Xiumin, hindi ko sinasadya!" natatarantang wika niya.

Sinubukan niyang lumapit sa binata ngunit kaagad itong tumayo at naglakad papalayo sa kanya. Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa gitna ng dilim. Napahawak siya sa kanyang labi matapos maalala ang paghalik ng binata sa kanya. "Anong nangyari.." Munting tanong niya sa kanyang sarili.

Nakapamulsang bumaba ng madilim na hagdan ang binatang si Xiumin habang nakakunot ang kanyang noo. Hindi niya maintindihan ang kanyang ginawa. Taliwas ito sa kanyang balak ngunit tila ba may sariling utak ang kanyang katawan at kusang kumilos upang halikan ang dalaga.

Kaagad niyang sinipa ang pader dahil sa inis. "What in the world am I doing!" singhal niya sa sarili. Muling sumagi sa kanyang isip ang mga oras na magkalapit sila sa isa't-isa. "I felt so stupid" komento niya sa kanyang sarili at naglakad patungo sa pintuan upang lumabas.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now