XXX

4.3K 116 22
                                    


KABANATA XXX

I

NAPATIGIL si Luhan sa paglalalakad nang makasalubong si Denise sa hallway. Nagtama ang kanilang mga mata at bahagyang napatitigil sa isa't-isa. Kitang-kita naman niya kung anong lungkot ang nasa mga mata ng dalaga. Hindi nama niya ito masisisi, kung nasa posisyon siya nito'y malamang sa malamang ay gano'n din ang mararamdaman niya. Pero ano nga ba ang laban ni Denise ngayong may iba nang nagpapasaya kay Xiumin.

"Mukhang kailangan nating mag-usap." Tipid na sambit niya bago muling tumalikod. Ramdam naman niyang sinundan siya ng dalaga kung kaya't hindi na niya ito nilingon pa. pansin niyang nagtitinginan din ang ilang mga estudyante sa paligid. marahil namumukaan nila si Denise na napakalapit sa kanilang labindalawa.

Tumigil silang dalawa sa dulo ng hallway kung saan wala masyadong dumaraang estudyante. Sumandal siya sa pader at humalukipkip. Pansin niyang punong-puno ng pagtataka ang mukha ni Denise sa sandaling 'yon.

"Frankly speaking, gusto ko si Louise. Ang babaeng pumalit sa posisyon mo kay Xiumin." Lumiwanag ang aura ng dalaga sa narinig.

"So Louise pala ang pangalan niya. Kung tama ako sa pagkakakita sa kanya, siya ang babaeng may full bangs?" tumango siya bilang pagsang-ayon.

"She's very kind and nice girl. Minsan napakaslow niya pero hindi maitatangging malambing siya. Hindi siya marunong sumuko't inililigtas niya ang lahat sa kapahamakan kahit ano pa man ang mangyari." Pilit na ngiti ang nakita niya sa labi ni Denise. "Pareho naman kayong dalawa kaya hindi na ako magtataka na nagustuhan ko siya at ni Xiumin. Ang pinagkaiba nga lang, hindi ka pwede sa huling description na sinabi ko tungkol sa kanya. Iniwan mo kaming lahat kahit na siya."

"I know..." mahinang sambit nito. "Kaya nga bumalik ako para itama na ang lahat."

"Pero may mga bagay na hindi na pwedeng balikan. Mga bagay na natapos na tulad ng pagtalikod ng bidang babae sa lalaking nagmamahal talaga sa kanya."

"Just go straight to the point. Alam ko na ang maling ginawa ko hindi mo na kailangan pang ipamukha sa akin paulit-ulit. Pinagdusahan ko na ito ng ilang taon okay?" umiwas ito ng tingin sa kanya.

Pansamantala silang nanahimik. Ibinaling niya ang tingin sa open field at pinanood ang ilang naglalarong mga estudyante. Tahimik. Parehong nakikiramdam na para bang inaalam nilang dalawa kung ano ang pinagdaraanan ng dalawa.

"Hindi ba't gusto mo siya?" tanong ng dalaga. "Bakit hindi mo sabihin sa kanya?"

"I already did that." Naaninag niyang lumingon sa kanya ang kausap. "Sadyang hindi lang ako ang pinili niya."

"Bakit hindi mo gawin ang lahat para makuha siya?"

"Seriously Denise." Napailing siya. "She's happy now. At ayon naman talaga ang nais ko kahit alam kong hindi ako ang dahilan kung bakit siya masaya." Nagtama ang tingin nila sa isa't-isa. "At inaasahan kong 'yon din ang gagawin mo. Hindi ko gusto na masaktan si Louise dahil lang sa kung anong gagawin mo kay Xiumin."

"Pero papaano ako? Papaano ka? how about us?"

"That's love, Denise. You'll do everything just to make your love one happy." Hinawakan niya ang balikat ng dalaga. "For me, The worst death is not about dying in the middle of the war. It's about loving a person who can't love you back."

Yumuko ang dalaga. "But that should be me."

"Hindi ko aakalaing magiging masaya pala ang pagtatrainning sa gabi." Masayang sambit ni Louise habang inaalala ang mga nangyari sa training nila ni Baekhyun. "Parang nagliliwanag ang madilim na mundo."

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now