XXXIX

4.9K 103 10
                                    

KABANATA XXXIX

NAPALUNOK si Louise nang marinig 'yon mula sa reyna. Hindi niya mahanap ang tamang salita para makapagreact sa narinig. Kunot noo niya lang tiningnan ang reyna at dahan-dahan nilingon ang mga kasama.

Palihim niyang sinenyasan ang pinakamalapit. Si Suho. Na kaag namang nagkibit balikat nang mapansing nakatingin siya rito. Binalikan niya ng tingin ang reyna. Napakamot siya sa ulo bago pa man muling magsalita.

"Papaano niyo naman nasabing ako ang nawawala niyong anak? I mean, mula ako sa mundo ng mga mortal. Papaanong ang isang tulad ko ay magiging anak ng isang tulad niyo?"

Nilingon nilang lahat ang likuran nang marinig ang pagbukas ng malaking pinto. Isang lalaki ang nasilayan nilang naglalakad patungo sa kanilang direksyon. Kumunot ang kanyang noo nang makita ito. Idagdag na rin na diretsong nakatingin ito sa kanya na nagbibigay sa kanya ng pagkabahala.

Tumigil iyon sa kanyang harapan. Hindi niya maiwasang mailang habang patuloy siya nitong pinagmamasdan. "A-ano... anong kailangan mo sa akin?"

"It's been a while, Princess." Muli niyang ibinalik ang tingin dito. Inalisa ang mukha. Siguradong-sigurado siya na ngayon pa lang niya nakita ang mukhang 'yon.

"Excuse me?"

"I assume that you won't recognize me."

Bago pa man siya malunod sa malalim na pagtataka'y nilingon niya ang reya. "Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan ang lahat."

"Simula nang makabalik ang crystal palace ay nagsimulang manumbalik ang natigil na oras para sa aming lahat. Isa na ro'n ang natigil na oras ng binatang pinagkatiwalaan ko sa aking anak. Nagulat na rin kami nang malaman kong naroro'n na siya sa Crystal palace nang ihinto ang buong oras sa paligid at itago ang palasyo ang lahat. Sa katunayan, siya ang nagpaliwanag sa amin ng lahat. At ang rason na nakuha namin sa inyo'y tumugma sa sinabi ng binata." paliwanag ng reyna.

"Isa ako sa labindalawang binata na nagligtas sa palasyong ito. Bumalik ako dahil kinakailangan ng hinaharap ang impormasyon na nasa akin. hindi ko hahayaang mabaon sa misteryo ang lahat lalong-lalo na sa nangyari ilang taon na ang nakakaraan." Dahan-dahan siyang umiwas ng tingin. Patuloy na nilalamon ng pagtataka. "Ako ang nagdala sa 'yo sa mundo ng mga mortal kung kaya't iyon ang mundong iyong kinamulan. Kung saan namuhay ka ng isang normal na nilalang at napanatiling natutulog ang 'yong kapangyarihan. Ang mismong tadhana ang nagdala sa 'yo upang matuklasan muli ang daan pabalik sa mundong iyong kinabibilangan."

Hindi pa rin niya makuhang maniwala sa pinagsasabi ng mga nasa paligid. Sa tuwing tinitingnan niya ang lalaki sa kanyang harapan ay tila ba nanghihipnotismo ng tingin nito. Sa tuwing babaling naman ang tingin niya sa reyna'y mabilis din siyang napapaiwas ng tingin.

Namuhay siya ng may kakulangan sa kanyang pagkataon. Kakulangan na nakukuha niya at napupuno kasama ang mga kasalukuyang kaibigan. Inaamin niyang sa mundong iyon ay nakakaranas siya ng mga bagay ng 'di niya nararanasan—at napakaraming pagkaraniwang mga bagay—ngunit di niya lubos akalain na maging ang kanyang mga magulang ay makikita niya sa mundong 'yon—kung totoo nga ang sinasabi ng mga 'yon.

Naramdaman niya ang pagtulo ng likido sa kanyang mga mata. ni hindi niya napansin na tumutulo ang kanyang mga luha. Sa tagal ng mga panahong naghahanap siya ng magulang ay sa wakas ay natagpuan na siya ng mga ito. Inaakala niyang inabadona lang siya basta-basta sa kung saan tulad ng mga magulang na walang pakielam sa anak. Isang bagay na parang hinayaan lang maiwan sa kung saan.

Napansin niyang papalapit sa kanya ang reyna. Walang sabi-sabing yumakap ito sa kanya at naramandaman ang init ng yakap ng ina. Marahan siyang napapikit. Iyon ang yakap na nais niyang maranasan sa mundo bago siya mawala. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay at yumakap din sa reyna.

EXO: Twelve Princes ✔️Where stories live. Discover now