Chapter42

116K 2.6K 88
                                    

                         
                          
        

      "Sure ka bang hindi ka sasama sa akin?" Tanong ko ulit kay Daimos.

     Nagliligpit ako ng mga gamit at damit ko. I'm leaving.

    Babalik ako papuntang Manila.

    Bukas ang birthday ni Cassy. Ngayong taon ako nangako na dadalo ng birthday niya since yung unang dalawang taon ay hindi ako nakapunta .

    "Susunod din naman ako doon." Aniya sa akin ni Daimos na may ginagawa sa laptop niya.

     Napakabait,sobra. Daimos is an ideal man of every girls.

    Bihira ang lalaking katulad niya. Naging best friends kami nang tatlong taon. Hindi maexplain kung paano nagsimula. Basta sa isang higlap lang. Ganon na kami e.

    Ang gaan ng loob ko sa kanya.

    Isang linggo lang ako mamamalagi si Manila. Pero depende kapag nakasunod doon si Daimos.

    Nabigla ako ng hapitin ako ni Daimos at yakapin ng mahigpit.

    He heaved a sigh.

    "Alam kong may magbabago kapag nakauwi kana doon. But always remember,I always love you and I'll be there for you ,okay?"

    Ang salitang iyon ang hindi ko masyadong maintindihan ng umalis ako ng Isla.

    I can feel that he's hurting. But why? Iba yung feeling ng umalis ako doon e.

   So nag land trip ako dahil walang airport doon sa isla. Land trip lang talaga .Isang maleta at shoulder bag lang ang dala ko.

    Noong nasa Grand terminal na ako ng Batangas ay sumakay ulit ako ng Bus patungong Manila. Hindi kasi ako nagpasundo kina Cassy.

    Hindi nila alam na pupunta ako e.Si Cassy kasi mag tu-twenty three na bukas. Ako lang yung twenty two sa aming tatlo ni Loisa.

     Noong makasakay na ako sa bus patungong Manila ay pagod at pawisan na rin ako. Pero kakaiba ang kaba na nararamdaman ko.  I'm excited. Eto pala yong feeling na bumalik sa dating lugar mo.

     Isla Constancia is a beautiful paradise. Kung sa Manila ay magulo ,party dito party doon at maingay.

    Sa Isla ay kabaliktaran, napaka peaceful doon. Maraming nagagandahang falls, beach, at tahimik na naninirahan ang mga taong simpleng namumuhay. Wala ding pribadong eskwelahan. Kung may mall man ay hindi masyadong kalakihan.

     Pero kung ako ang papipiliin sa Isla ko gustong tumira. Napaka stress free doon.

    Kinabukasan ay tinanghali ako ng gising . Dahil na rin siguro sa pagod at puyat ko sa biyahe kahapon.

    Daimos keep on calling me. He's been checking if I eat or sleep well. He's so thoughtful and I missed him already.

    Nasa dating condo ako ngayon. Ganon pa din ang itsura nito. Malinis pa din dahil sa care taker na naglilinis dito ng wala ako.

    Noong bandang alas dos ay napagpasyahan ko na mag mall. Bibili ako ng regalo kay Cassy at  bibili ng susuotin ko na din.

    Alam kong masusurprise siya. Hindi ko siya nirereplyan sa mga texts niya na kung dadalo ba ako.

    Nagsuot ako ng maroon na tshirt at ripped shorts and my hair in a messy bun. Hindi na ako nag abalang mag lagay ng kahit ano sa mukha ko.

     Nagtaxi ako patungong Shangri-la.
Pagkapasok ko palang ay kumalabog na ang puso ko sa kaba. Nakakamiss dito. Walang Shangri-la sa isla. Kaya na miss ko talaga ang ganitong buhay kahit paano.

   
    Pumasok ako sa isang stall ng accesories. Cassy loves accesories. Alam ko na magugustuhan niya kapag reregaluhan ko siya ng kwintas.

  

     Ang birthday ni Cassy ay sa bahay nila sa SouthVille Subdivision gaganapin. Nakapunta na din ako noon doon kaya alam ko.

      Hindi ko din alam kung bakit hindi pa nagpakasal si Cassy sa boyfriend niya. Rinig ko e foreign daw iyon. Na meet niya ng pumunta sila sa Canada.

     At sa loob ng tatlong taon ay wala silang sinabi sa akin sa mga nangyari sa naiwan ko dito.

      Alam naman kasi nila ang nangyari kaya sinabi ko hanggat maari ay ayokong malaman. Kahit ilang ulit na nagtangka si Loisa at Cassy na may sasabihin pero pinigilan ko na.

     Alam kong bongga si Cassy sa kanyang birthday kaya bumili na din ako ng dress ko.

     Pagkatapos ay pumasok ako sa isang resto sa loob ng foodcourt. Nagutom ako, enjoy din pala kahit mag-isa na nag ma-malling.

    Habang hinintay ko ang order ko ay nagpalingalinga ako sa labas. Wall glass kasi ang dingding kaya kita ko sa labas ang mga tao.

    But my eyes widened when I saw Sebe and Natalia! Fuck! Natalia's carrying a baby! Dammit! I saw how Sebe kissed her and the baby!

    What?.. Akala ko si Damon?? What the heck!

    Ang daming nangyari na hindi ko na alam.Tantiya ko ang bata ay five or eight months  palang.  Ang cute ng anak nila!
Si Natalia napakasexy pa rin kahit may baby na.Walang taba! Gosh. Noon sobrang idol ko ang beauty niya. Halos nga nainsecure ako e.

  
     Nataohan ako ng nilapag ng waiter ang inorder ko at napatingin ulit sa banda nila Natalia.  Halos masamid ako ng makita ko si Zandria! The fuck!

     Nagtatawanan sila! And Zandria is fucking gorgeous! What the fuck!

    "Fuck." Mura ko na malutong .

     Ang daming namura ko! Si Zandria yung kahalikan ni Damon sa locker! At si Natalia ang' girlfriend noon ni Damon! Pero ngayon ay sila na ni Sebe? May anak pa?

    Gosh, I'm so outdated

     Si Radleigh kaya? Malaki na siguro ang baby niya. Almost three years na din. Siguro kasal na sila ni Pia ngayon.

    Dinelete ko kasi ang account ko sa facebook nung umalis ako noon.

    Kung hindi kaya ako umalis noon? Mag aayos kaya kami ni Rad?

   

     Until now ang laki parin ng epekto niya sakin!

     Hindi ko namalayan ang pag agos ng luha ko kaya agad kong pinunasan.

     At napalinga ng hindi sadya sa paligid.

     Halos malagutan ako ng hininga ng makita ko si Rad palabas ng isang botique! May bitbit siya na batang babae at alam kong tatlong taon na iyon! Kamukhang kamukha ni Pia!

     Iniwas ko agad ang tingin ko!

    Sana hindi nalang ako umuwi! Alam kong makikita ko sila dito pero hindi ko alam na ganitong araw din.

     Hindi na ako nag atubiling umalis agad ng resto. Hindi ko kakayanin.

    I need Daimos now. My comfort zone.
Manila is not healthy for me anymore. It's making me sick.

    Kung si Daimos ang comfort zone ko. Si Rad naman ang lason sa akin.

    Fucking hell! I really hate this day!

Secret AffairWhere stories live. Discover now