Chapter49

121K 2.7K 134
                                    

CHAPTER 49
Maraming Pag uusapan

Maaga pa akong nagising ngayon.
Alas syete pa lang ay naghanda na ako. Bukod sa hindi naman ako nakatulog ng maayos kagabi dahil si Rad lang ang nasa isip.

Nagluto ako ng sunny side up,hotdog at adobo. Baka kung maisipan ni Rad na dito kumain mabuti na ang handa na.

Pagkatapos nun ay napagpasyahan kong maligo.

Naglagay ako ng lotion, pagkatapos nun ay sinuot ko na ang aking floral sleeveless top. Pinaresan ko ng black shorts. Nilugay ko lang ang mahaba kong buhok.

Pinasadahan ko ng lipstick ang aking bibig at press powder ang aking pisngi.

Uminit ang pisngi ko nang tignan ko sa salamin ang aking kabuuan.

Gosh,masyado ko naman yatang pinaghandaan.

Bumaba ako at pinaandar ang flatscreen tv.

Tinignan ko ang relo na nakasabit sa dingding. Pasado alas otso na.

Ilang sandali pa nakaramdam na ako ng gutom. Hindi naman sinabi ni Rad kung anong oras siya pupunta. Baka sa hapon pa iyon?

Masyado ba akong excited?

Pagod akong umahon sa sofa para sana kumain nalang. I'm so stupid.

Pero nag buzzed ang pinto ng unit ko.
Lumundag ang puso ko sa kaba dahil nandiyan na si Rad.

Inayos ko ang sleveless ko at medyo hinila pababa ang sa cleavage part para medyo kita ang umbok ng aking dibdib.

I heaved a deep sighbbago binuksan ang pinto.

b"Hi,miss me?" Bati niya sa akin.

My eyes widened and jaw dropped. Hindi ko alam.

"Oh god, Daimos?!" Gulat ko at niyakap siya.

"Fuck,hindi mo sinabi!" Kumalas na ako sa yakap. Wala siyang dalang maleta?

Pagkatapos ng kamustahan at batian, pinapasok ko na siya sa sala. Mabuti na din at sinabi ko na sa kanya noon kung saan ang condo ko dito sa Manila.

He just smiled widely. Parang may mali sa kanya e. No, I mean may bago.

Pinapasok ko siya at pinaupo sa dining area para makakain.

"Gosh! Hindi mo sinabi! Mabuti nalang nakapagluto ako." Sabi ko at umupo narin.

Tinikman niya ang adobo ko.

"Hmm.. Magaling kanang magluto. " puri niya.

And I scoffed. "Hah! Ako pa. Tinuruan mo ako e!" Pag mamayabang ko.

Being with Daimos nakakagaan ng loob. Kaya nga natawag kong comfort zone ko siya.

"May sasabihin nga pala ako sayo." Sabi niya sa isang seryosong tinig. Napatingin ako sa gwapong mukha niya.

"Ano yun?" Na miss ko talaga itong pag uusap namin. Na miss ko din siya sobra.

"Binabaan mo kasi ako nung kailan." Aniya sa akin. Nang maalala ko ang ginawa ni Rad.

Umismid ako.
"Wala nalowbat ako.." Rason ko.

He nodded.

"Wag ka sanang magulat."

Fuck ,e ngayon palang kinakabahan na ako e.

I shot up my brows. "What is it?"

Pinagsiklop niya sa ibabaw ng lamesa ang dalawang palad niya.

"I'm going to be a father."

Shit! Halos mabingi ako at mabuwal sa kinauupuan ko wala sa oras.

"What?!" Halos mapapikit si Daimos sa sinabi ko at medyo napahampas pa ako sa mesa.

What the hell!

He licked his lowerlip.

"I know, ang hirap paniwalaan dahil magkasama tayo sa iisang bubong sa isla. Pero nangyari talaga." Eksplinasyon niya.

Naguguluhan ako.

"B-but how? I-I mean, you fucked her?''
Damn.. Bakit na alala ko pa iyon?

Napahilot siya sa sentido niya.

"I love her, Frix." Fuck! I'm dumbfounded.

I bit my lip and nodded.

"S-Sino?" Sabi ko sa maliit na boses.

"Isa siya sa care taker ng bunggalow natin doon Frix. You know Angella?"

Halos masamid ako sa sarili kong laway.

"Fuck! Daimos!E seventeen palang iyon! Bente syete kana!" singhal ko sa kanya. Damn shit! Malaking problema nga ito!

Napahilamos siya ng palad niya.

"I know... I know.. Kaya ko siyang buhayin! Kaya lang takot siya sa akin." Nagmura siya.

"Baka nirape mo?!"

"Fuck, Hindi! We love each other!"

"Yun na nga. Kaya lang napaka bata Daimos!"

"She did'nt tell me! I thought she's on the right age!''

Hindi ko alam pero masaya ako para sa kanya. Malungkot din ako dahil ang kumplikado nito.

"So anong gagawin mo? Ilang months na ba?"

"Two months. Papakasalan ko siya sa debut niya mismo."

Napangisi ako. Desidido talaga e. Hindi na ako magtatanong kung bakit at paano sila nagkakilala.

Siguro pareho kami.Mahal namin ang isat isa bilang matalik na magkaibigan.

Pero sa buhay pag ibig ay may sari-sariling kaming mahal.

"I'm so happy for you." Banayad na sabi ko I held his hand.

"Salamat talaga sa lahat." I smiled weakly.

He chuckled.Pinisil niya ang kamay ko.
"Alam kong hindi ka akin. Gusto lang kitang matulungan. So, nagka ayos na kayo?"

"Sana nga.. Maayos na lahat.."

Sana nga.Maklaro na ang lahat sa amin. Kung magiging maayos man ang lahat ano kaya ang susunod?

Pero napatigil kami ng mag buzzed ulit ang pinto.

Kinabahan ako bigla.

Napatayo si Daimos.

"Baka yan na ang inorder ko sa labas na pizza. Kunin ko lang." Naka ramdam ako ng ginhawa.

Akala ko si Rad na.

Pinagpatuloy ko ang aking pagkain.Ang sarap kona talagang magluto. May ipagmamalaki na ako sa magiging asawa ko sakali.

"Frix?" Sigaw ni Daimos sa sala. Nadidinig ko naman kahit nasa dining area ako.

"May bisita ka!"

Kinain ko ang manok at ininom ang gatas.

"Sino ? Si Cassy ba?" Sigaw ko pabalik.

"Hindi." Sagot niya.

Nangunot ang noo ko.

Napaangat ang tingin sa lalaking nakahilig sa pinto ng dining area na nagdurugtong papuntang sala.

Halos masamid ako sa gatas na nainom ko.

"Fuck.." Mabilis akong tumayo agad dahil medyo nabasa ang aking top.

Naka igting ang panga ni Rad na nakatingin sa akin ng matalim na tila may kasalanan akong nagawa.

Darn! Of course! Si Daimos ang nagbukas sa kanya ng pinto.

I smiled awkwardly.

"Uh.. K-Kanina kapa? "

He nodded once at nag iwas ng tingin..

"Change clothes , madami tayong pag-uusapan." Madiin na sabi nito na halos mangatog ako sa kaba.

Naismid lang si Daimos at napakamot ng batok.

Away na naman ba ito?

Secret AffairWhere stories live. Discover now