Chapter46

125K 2.7K 82
                                    


Kung gaano karangya ang buhay ko. Kabaliktaran naman ng buhay pag-ibig ko.
Buhay pag ibig sa pamilya,at pag ibig para sa taong mahal ko.

Naka tunghay ako sa kalawakan ng Kamaynilaan sa veranda ng aking unit.

Hawak ang kopita ng alak, nilalaro ko yun paikot ikot sa palad. Ngayon nakatulala lamang ako doon na parang malaking hiwaga ito sakin.

Love is the most powerful of all. Kung masasaktan ka dahil sa pagmamahal kahit iinom mo pa ng maraming alak ay sa huli ,mananatili pa rin ang sakit.

Gosh, sobrang lalim na nang pag iisip ko.

Kasalukuyan kasama ko ngayon si Loisa at Cassy.

One week na din. Hindi ko alam kung bakit hindi padin ako kinocontact ni Daimos. Kung hindi siya makakauwi dito ay uuwi ako ng Isla.

I missed the place. Doon kasi marerealize mo kung gaano kaganda ang kalikasan. Hindi man kasing unlad katulad dito sa Manila ay maganda naman ito sa maraming bagay.

It's an ideal place for me. Kung magkaka pamilya man ako sa huli. Gusto ko doon ako titira.

"Hindi naman kasi kasalanan ni Frixxie e. Nagmahal lang naman siya" Napabalik ang huwisyo ko sa sinabi ni Loisa.

Hindi ko alam na sa akin na pala ngayon ang topic nila.

Sa loob ng one week ay lumalabas lang ako kung may importanteng bibilhin.

Minsan pumupunta ako sa' Gym dito sa loob ng building.

"E naman. Dapat kasi pinag explain niya muna si Rad."

Sinulyapan ako ni Cassy.

I lazily heaved a sigh.

Nasasaktan parin ako, aaminin ko. Pero hindi ko alam ang gagawin ko. Matapos ko siyang pinagsalitaan ng masama.

Hindi ko alam kung mahaharap ko pa siya.My conscience eating me. Halos hindi ako makatulog gabi gabi sa ka iisip.

"Frix, ano na ang gagawin mo ngayon?" Tanong ni Loisa.

Alam kong mugto ang mata ka sa kakaiyak.

"Hindi ko alam."

"Sinabi na ba sayo ni Rad?" Cassy asked and sipped on her wine.

"Sabihin ang ano?" Takang tanong ko.

Nagmura siya.

"Tangina naman ni Rad. Ang hina." She murmured sa inis.

I creased my forehead.

"Ano ba yun?" Napaayos ako ng upo.

"Talk to him, Frix! Alam mo ,walang maaayos kapag nakatunganga ka lang e!"

"Talk to him? Kailangan pa ba yun? Ano ba kayo? Pamilyado na yung tao."

Nagmumura sila na parang may mali akong sinabi.

"Make it up with him. Wala kasi kami sa lugar para sabihin yun sayo." Loisa looked at me like I'm a puzzle.

Hindi ko sila maintidihan. Marami ba talaga ang nagbago sa nagdaan na tatlong taon? Marami ba akong hindi alam?

Kinagabihan ay inayos ko ang aking susuotin. Sa labas ako kakain. Hindi na kasi ako masyadong lumalabas. Wala naman akong dapat ikatakot. Wala naman akong dapat ikabahala.

Nagsuot ako ng isang fitted gray t shirt and a short shorts. Pinaresan ko ng fliplop na tsinelas. Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakalugay.

Wala akong pake kung mukhang pambahay man ang suot ko. Ang importante kumportable ako. Kaya ito ang susuotin ko. Mas kumportable ,mas maginhawa sa pakiramdam, walang sagabal.

Parang pag ibig lang.Bakit mo mamahalin ang taong hindi mo mahal diba?

Fuck! Natamaan yata ako.

Nilock ko ang unit ko at tinungo ang elevator pababa ng nag-beep ang cellphone ko.

From Daimos:Kumain kana?

Nasa loob na ako ng elevator ng nagtipa ako ng irereply.

To Daimos:I'm going out to eat. Kailan ka susunod dito sa Manila?

Agad na umihip sa balat ko ang malamig na pang gabi na simoy ng hangin.

Napayakap sa sarili. Nakalimutan ko pang basahin ang message ni Daimos.

Nalagay ko na kasi sa bulsa ko ang cellphone ko. Hindi kasi ako nagtetext kapag nasa daan. Baka masnatch lang or ano. Mas mabuti na ang maingat.

Nasa gilid na ako ng kalsada ng umihip ng malakas ang hangin at unti unting may bumabagsak na tubig galing sa langit.

"What the fuck!" Mura ko nang mapagtanto na uulan. No, I mean umuulan na talaga! The hell!

Tinabunan ko ng aking dalawang palad ang aking ulo na parang may silbi ba iyon.

Medyo basa na ako sa konting ambon ng ulan nang mapagpasyahan na babalik nalang ng unit ko.

Pero may pumayong sa akin na ikinabigla ko.

Sinundan ng mata ko ang kamay ng pumayong sa akin at napalingon sa nag mamay ari nito.

My eyes widened and creased my forehead.

"Anong ginagawa mo dito Rad?" Takang tanong ko. The fuck!

Why he's here? Paano niya ako nakita?

He's just looking at me intently. Tila wala kang mababasang reaksyon sa mga mata niya.

Naalala ko tuloy yung nasabi ko sa kanya noon. Alam kong nasaktan siya doon.

Nakapamulsa ang isa niyang kamay at' ang isa ay nakapayong sa akin.

Bahagya pang nabasa ang kanyang katawan sa likuran dahil mas pinayungan niya ako kaysa sa sariling katawan niya.

Ang kaninang malabituin na langit ay ngayon natabunan na ng maitim na ulap at pa lakas ng palakas ang ihip ng hangin at parang mga tanga kami dito ni Rad sa gilid ng kalsada.

His jaw clenched.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" Balik na tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko.

"Isn't it obvious? I'll grab a--"
Pero hinila niya na ako patungo sa mga naka parking na sasakyan kung saan naaaninag ko ang Black Subaru niya.

Our memories inside his car is still fresh in my mind! It's still haunting me! Hindi ko kayang pumasok!

Ang malalaki niyang hakbang ay naging takbo ko na. He's really tall. Hindi ko alam kung aabot pa ba ako sa baba niya.

"Ano ba Rad? Sinabi ko bang sasabay ako sayo?" Pasigaw ko sa kanya at pilit hinihila ang kaliwang braso ko na tangay niya.

But he didn't say a words mabilisan niyang binuksan ang front seat at siniklop ang payong at tumigil sa gilid ko. Wala siyang pake kahit nababasa siya.

Baka magkasakit siya!

"Anong gusto mo? Pabayaan kitang mabasa ng ulan doon? Pasalamat ka mahal na mahal kita." Sabi niya sakin at padarag na sinarado ang pinto sa front seat kung saan ako nakaupo.

Mabilisan siyang umikot at pumasok sa loob at binuhay ang makina.

Sa bawat pag andar ng sasakyan niya ang paglikot din ng puso kong bilanggo niya.

Secret AffairWhere stories live. Discover now