Chapter56

154K 2.9K 73
                                    

Sakit ng ulo at katawan ang naramdaman ko. Hindi ko maidilat nang maayos ang aking mata dahil nasisilaw sa isang liwanag.

May naririnig akong pag-uusap. Minabuti kong dinggin iyon pero nanatiling nakapikit.

"Please give me all the receipt of her medicine and the list of healthy foods na puwede sa kanya. " Nangunot ang noo ko sa narinig. Si Rad

"Sabi ko na e! She looks so pale Rad at nagsusuka siya pero ang tigas ng ulo niya." Narinig ko rin ang isang boses na alam kong kay Cassy iyon.

Gumalaw ako, para hindi mabigla ang katawan.

Minulat ko ang mata ko nang dahan dahan para makaadjust sa silaw. Unang namasdan ko isang bulto ng lalaking nasa harapan ko malapit sa pintuan.

Nang naklaro na ay agad lumapit sa akin si Loisa at Cassy. Pero hindi sila ang tinignan ko. Nanatili kay Rad ang mga mata. Uminit agad ang mata at kumabog ang puso ko.

"Frix,anong pakiramdam mo? Anong gusto mong kainin?"Agad agad na tanong ni Cassy. Agad naman kumuha si Loisa ng tubig at binigay sa akin.

Nanliit ang mata ko sa kilos nila. Why are they so worried?

Umupo ako nang dahan dahan. Si Rad naman ay kinakausap ang babaeng doktor na medyo may edad na. Nakahalukipkip ito na nakikinig sa sinasabi nito. . Napakaseryoso niya.

Yumuko ako at inisip pabalik ang nangyari kagabi. Sino kaya ang nagdala sakin dito?

"Nawalan ako ng malay." Sabi ko ng marahan. Palagay ko ang hina ko ngayon.

Loisa nodded.

"Nagbar ka kagabi? Kasama ni Kurt?"

Umiling iling naman si Cassy.

"Alam mo naman na mausok doon Frixxie! Hindi maganda sa--"..

"Dont pressure her." Radleigh cut her off. Kaya itinigil niya ang sasabihin.

Naguluhan ako lalo.What? Why? May sakit ba ako?

"Okay lang. Over fatigue lang siguro ito." Sabi ko at umupo si Rad sa gilid ko. He's not smiling on me. I know galit siya, pero ngayon paba na kakabalik niya lang?

Tumayo si Rad sa gilid ko kaya napatingala ako sa kanya.

"Rad,di'ba nasa trabaho ka. Bakit ka umuwi agad? Importante iyon.."

Umiling siya at kinuha ang kamay ko.

"Walang mas importante pa sayo." He pursed his lips and he cursed.

"Sainyo." Dugtong niya at pinakawalan ang kamay ko. Nakaupo siya ngayon sa upuan sa gilid ko.

Pinaglandas niya sa aking tiyan ang kanyang kamay.He caressed it softly and he smiled on me.

Kumalabog agad ang puso ko. Isang salita agad ang pumasok sa isip ko pero hindi ako makapagsalita.

Umiinit ang mata ko at nanglabo.

"Rad? I'm--I'm--" Halos hindi ko masabi.

Ngumiti siya at kinagat ang labi.

"Yes baby." He bit his lips. "It's success.! I'm going to be a father." Hinalikan niya ang tiyan ko at minasdan iyon.

Agad nagbagsakan ang luha ko. Minamasdan ko si Rad na nakatunghay sa tiyan ko na hawak niya ay sobrang saya ko na.

Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Sari saring kahulugan na kaba.

Una, masaya ako dahil bumalik siya. Pangalawa, sa nalaman ko na magiging ina na ako?

Kinakahaban ako kung paano sisimulan? Kinakabahan dahil wala akong experience at pagbantay nang bata.

Secret AffairWhere stories live. Discover now