Chapter44

120K 2.8K 107
                                    

                        
                          

    

       Lumalalim na ang gabi at lumalamig na ang simoy ng hangin. Bakit kasi hindi ako nagdala ng jacket?

     Halos magka stiff neck narin ako dahil  sa bandang kanan lang ang tingin. Nasa kaliwang banda kasi ang mesa nila Rad.

    Nag-iinuman kami at kwentuhan . Pero rinig na rinig ko pa din ang tawanan at murahan sa mesa nila.

     Kakaiba ang dating sa akin kapag naririnig ang malalalim na boses ni Rad.

    "Someone's hiding." Aniya ng isang boses.

    "I know.." Sagot ni Rad . Alam na alam ko ang boses niya. Bakit kailangan pang iparinig?

    "I can get her back.." Dagdag niya sa isang lalim at bihasang englis.

    Naghiyawan ang mga lalaki.

   "Make up sex bro.." Sabi ng isang boses pa.

 

    
     Gosh. Frixxie umayos ka wag kang ganyan! Pinapahirapan mo lang ang sarili mo.

    I heaved a deep sigh at umayos ng upo. I crossed my legs. Wala na akong pakealam kong makita man ako ni Rad.

     Baka kanina palang nakita na niya ako so its useless ang magtago.

    Chin up! Frix!

   "Act normal". Cassy whispered.

    Dammit! Ano ang sinasabi nila? May anak na iyong tao e!

    Umirap ako.

    "Anong tingin mo sa akin? Abnormal? Ganon?" I sneered and drunk my glass of shot.

    "Taray!" Aniya ni Loisa. " Kuwento ka nga Frix!"

     Pumwesto ang dalawa na para bang handang handa na makinig sa sasabihin ko.

    Bahagyang umingay dahil tumunog ang sound sa mini stage ng "Havana~" by Camilla Cabello.

     Ang iba ay pumunta sa gitna at sumayaw. Meron ding bumabati kay Cassy at umaalis din naman agad.

     Tumaas ang dalawa kong kilay at tinuko ang aking kamay sa mesa at nilagay ko doon ang baba ko.

     "Kwentong ano?" Tanong ko at kumurot sa isang hiwa ng manok at kinain.

    "About you and Daimos." Malapusang mata akong tinignan ni Cassy.

    I rolled my eyes.

    "What about us?"

   "Yeah, Exactly! Ask that to yourself!" Aniya ni Cassy.

   "Do you really like him?" Loisa mumbled and shrugged.

    "He's guwapo and rich! Napakabait! I know him before! And I'm really curious about you two.Hundi ka kasi masyadong nag-kukwento tungkol sayo Frixxie.."

    
     Tinungga ko ang inumin ko. I feel a bit tipsy.

    "I like Daimos." Amin ko.

    They both gasped in unison.

    "Really." Si Cassy.

    "What about Radleigh?" Loisa suddenly asked.

    Napasulyap ako sa mesa ng mga lalaki. Napapalibutan sila ng mga babae.Ang iba ay pinsan ni Cassy.

Secret AffairWhere stories live. Discover now