Kabanata 1

641 24 0
                                    

Kabanata 1

Natanaw ko sa di kalayuan si Kuya Stratus. Naka black slacks at puting polo na nakatupi hanggang siko. A silver wrist watch was clinging on his wrist. He's probably at work nang tawagan niya ako kanina. Mom told him to fetch me dito sa airport. Nagpalinga-linga siya hanggang sa makita akong papalapit sa kanya.

He looked at me from head to foot at saka kunot noong kinuha ang dala kong maliit na maleta.

"What happened?" Tanong niya habang hawak hawak ang maleta ko. Iniangat niya ang handle nito at saka naglakad. I followed him.

See? I know he would ask me that question. Iniisip niya na may kasalanan nanaman ako dahil pinauwi ako ng Pilipinas. Mom would always threaten me na papauwiin niya ako kaya siguro nasanay na rin sila Kuya.

I pretended that I don't know what he was talking about. Kunot noo ko rin siyang tininganan mula sa likod.

"What do you mean what happened?" Naguguluhan kong tanong. Kinuha ko ang cap na itinali ko sa sling ng aking back pack at saka isinuot ito.

I haven't seen him for almost a year tapos iyon lang ang itatanong niya sa akin.

What happened daw. Hindi man lang ako kinamusta.

"I mean why are you here? Did something happened?" Tumigil siya sa paglakad at paghila ng maleta at tumingin ng diretso sa akin.

Umiling ako at agad umirap sa kawalan. He probably saw it kaya napakamot siya sa batok niya at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan na dala niya.

I know Kuya Stratus is a busy man. He was helping Dad on our business kaya naman nagpapasalamat ako at naisiksik niya ako sa schedule niya.

Agad niya akong pinagbuksan ng pinto kaya pumasok na ako.

"Why are you not talking?" Tanong ulit niya.

"Kuya nothing happened okay? Mom just wants me to go home. Yun lang yun." I reasoned out. Sana naman maniwala siya para hindi na masundan pa ang tanong na iyon.

Tumaas ang kilay niya habang tinitingnan ako sa rear view mirror.

"Really? Becasue Mom sounds hysterical when she called me." Aniya at binuhay ang sasakyan.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. The heck? Ano nanaman ba ang sinabi ni Mommy sa kanya? Did she said that I was caught shoplifting? No. It was not me.

I was about to defend myself nang dugtungan niya ang sinabi.

"Heanndra, you're already eighteen. Kailan ka ba magtitino?" Mahinang tanong niya. He let out a heavily sigh while turning the steering wheel at the right side of the road.

I knew it. Kaya ayaw ko rin minsan umuwi dito dahil alam kong pauulanan lang naman ako ng sermon dito. At least doon sa California nag-iisa lang si Mommy. Dito, ilan sila?

Napanguso ako sa naiisip.

"I won't explain, alam ko namang hindi ka rin maniniwala sa akin." Padabog kong isinaksak ang earphones sa tenga at nakinig na lang ng music.

I won't force anyone to believe me. Kung maniniwala ka edi go. Pag ayaw mong maniwala I still don't care. This is my life. I can do whatever I want. Nobody will regret, will be harmed or will benefit from this but me. So why bother explain?

Nakita kong tumingin ulit siya sa akin gamit ang rear view mirror at saka walang imik na ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Almost thirty minutes ang biyahe namin. Nasa Centro na kami nang magising ako. Medyo madilim na ang paligid pero kitang-kita pa rin ang pagbabago sa buong Centro.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now