Kabanata 21

264 11 10
                                    

Kabanata 21

"Hindi kayo nagkausap ni Brooklyn? Bakit naman? Masungit ba?" tanong ni Sarah sa kabilang linya.

Tinawagan ko siya dahil mamamatay na yata ako sa sobrang boring dito at wala akong makausap. Nakaupo ako ngayon sa isang high chair sa mini bar ng hotel habang pinagmamasdan ang isang bourbon na nakalagay sa maliit na baso na nasa harap ko.

"He looks uninterested to me kaya hindi ko na kinausap" sagot ko habang hinahaplos gamit ang daliri ang gilid ng baso na may lamang bourbon.

If he is not interested in me, lalong lalo na ako! Nilibot ko ang paningin sa paligid at nasulyapan ang isang table ng mga binatang foreigners.

Latinos? Brazilians?

They were laughing at agad napatingin sa akin nang mahuli ako na nakatingin sa kanila.

I immediately looked away at itinuon ang pansin sa mga wineglasses na naka-display sa ceiling ng mini bar. It looks cool.

"Baka naman he's just watching you pa muna? Alam mo 'yun? Pinag-aaralan ka kung paano ka mahuhulog sa kanya?" natatawa niyang sabi sa kabilang linya. Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ng isang ito.

Meron bang ganoon? Hindi niya naman ako kailangang pag-aralan because that's what we're going to do in the first place. We were introduced to each other so after that we get to know each other better. Doon niya na malalaman kung paano ako mahuhulog.

But hell no. I won't. Mababaliw lang ako kakaisip kay Kristoff pag nangyari iyon.

"Baka naman tsundere lang?" sabi niya ulit. Kumunot ang noo ko sa narinig.

Ano daw?

"What's that Sarah? Ang dami dami mong sinasabi wala naman akong maintindihan"

Narinig ko na mas lumakas pa lalo ang tawa niya.

"Ang sabi ni Nad baka daw tsundere lang! Iyon bang cold treatment sa una tapos may gusto naman pala sa'yo" mapanukso niyang boses.

Nakikisali na rin si Noel sa usapan namin? Nailayo ko pa ang cellphone ko sa tenga nang marinig siya na tumili.

Yung totoo? Sino ba ang kinikilig?

"Pero sayang noh? Di kayo nakapag-usap? Sana nakapag-picture ka pa sa kanya tapos na send mo pa sana sa akin!" aniya na may bahid pa ng lungkot ang boses.

Narinig ko sa background ang boses ni Noel na nagtatanong kung saan nilagay ni Sarah ang shaving cream niya.

Magpapa-picture? Ako? Halos hindi nga ako kinausap noon kanina eh. I should tell Dad later na hindi na ako interesado sa offer niya na makipagdate kay Brooklyn. Kuya Cirrus and Akia are fine anyway.

"Patayin ko muna ang tawag. Kakain pa kami ng hapunan eh" si Sarah kaya tumango ako.

"Alright" binaba ko ang tawag at ininom ng isang bagsakan ang bourbon.

Napapikit ako nang maramdaman itong lumandas sa lalamunan ko. Naglapag ng isa pang baso ang babaeng bartender kaya nagpasalamat ako sa kanya.

Suddenly a music was played. It's a Maroon 5 song. I swayed my head as I try to go with the song.

"Tap on my window, knock on my door I wanna make you feel beautiful" sumabay ako sa kanta. I snapped my fingers as I try to hum the song.

"So, you're here?" napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat.

Napalingon ako sa gilid ko at nakita si Brooklyn na nakahilig sa counter top. He licked his lips habang pinagmamasdan ako.

What's he doing here? He's probably bored also doon sa loob? Or inutusan na sundan ako dito? By who? Dad or Trucio?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now