Kabanata 30

284 12 0
                                    

Kabanata 30

Sometimes I wonder how biology can explain the physical pain you feel in your chest when all you want to do is to be with someone.

C'mon you're acting like you don't want this Heanndra! I thought you'll be okay after hearing his rejection? I thought so too, brain. Iyon rin ang akala ko, pero bakit ganoon, mas lalo pa yata akong nasaktan sa ginawa ko? Maybe it's just the aftermath at mawawala rin kaagad.

Or did I made a wrong move?

Napahinga ako ng malalim sa mga iniisip ko. I'm probably one of those people na walang sinasabi pero ang dami ng tumatakbo sa isipan.

"Are you okay?" Nahila ang iilang hibla ng aking pag-iisip nang may umupo sa tabi ko at umakbay sa akin.

Nilingon ko iyon at nakitang si Jamal iyon. Aalis na yata ang school bus dahil nag-iingay na sila sa loob. I smiled at him and nodded. Alam kong obvious na namumugto ang mga mata ko. Ginulo niya ang buhok ko at tumayo na. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang umupo siya sa tabi ni Jill at nakipagkulitan.

Pagkatapos noong nangyari ay umiyak pa ako ng ilang minuto sa CR bago inayos ang sarili at hinanap ang mga kasama ko.

"The moment we arrive there, please be in your best behaviours. Walang may makikipag-away! Gonzaga, take note of that or I'll drag your ass back here!" Sigaw ni coach at naligo ng kantiyaw si Kevin sa mga kasama namin.

"This will be just a practice and a friendly game but still do your best and give your best shot." Pagtatapos niya at humiyaw naman agad silang lahat. Umupo na kaming lahat at umandar na ang school bus.

Kinuha ko sa bag ko ang egg rolls na binigay ni Sarah kanina sa akin. Nagutom yata ako sa kaiiyak. Nakakagutom din pala yun? I didn't know that.

"It seems delicious. Can I have some?" Napatingala ako sa nagsalita at nakita si Pyro na nakangisi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay kaya tumawa siya at naupo sa tabi ko.

Nilahad ko ang lalagyanan sa kanya at kumuha naman siya doon gamit ang chopsticks. Tumango pa siya at nag thumbs up habang kinakain iyon.

"Are you nervous? Bakit ang tahimik mo yata ngayon?" Tanong niya at mukhang seryoso na.

Nanliit ang mga mata ko sa kanya. He's friends with Clicko, right? I wonder if he knew some things.

"Wow? Kung makapagsalita ka naman. Madaldal ba ako noong ibang araw?" Sagot ko at natawa na naman siya ulit at kumuha pa ng isang egg roll.

"I mean you're not usually this silent. Did something happened?" He asked habang kinukuha ang tumbler niya sa bag na dala.

Your friend kinda rejected me, Pyro. What do you say?

"Aro, you're friends with Clicko right?" Napasulyap siya sa akin habang umiinom sa tumbler niya.

"Yes, why do you asked?"

Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip ng idudugtong.

"Is that? He does that? Rejecting those girls na umaamin sa kanya ng kanilang nararamdaman?" I asked at nakita kong nagulat siya sa tanong ko pero agad niya ring binawi iyon at kinunot ang noo.

"Why are you asking? Umamin ka rin ba at na reject?" Natatawa niyang tanong kaya hinampas ko siya sa braso. Buset to, hinuhuli pa yata ako.

"Just asking! I've heard about Ellie Zamora," pa simple kong sagot at agad naman siyang sumeryoso.

"I think it's just the right thing to do. Why would he accept their love if he didn't like them?" He said. Hindi na ako nagsalita at tinuon na lang ang tingin sa labas.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now