Kabanata 33

261 10 7
                                    

Kabanata 33

Napatigil ako sa pakikinig sa kwento ni Sarah nang tumunog ang cellphone ko. Naghihintay kami ngayon sa susunod na klase namin at heto siya ngayon na hindi pinalampas ang vacant time para ikwento kung paano siya pinagalitan ng nanay niya dahil inuwi siya ni Nad ng lasing.

Napangiti ako nang makita na si Clicko iyong nagtext. Hindi ako mahilig mag text at magbabad sa cellphone pero simula yata noong gabi sa bahay nila ay halos itali ko na ang cellphone sa kamay ko.

Clicko:

Where are you?

Sinulyapan ko si Sarah na napatigil sa pagkwento kay Kaz at tiningnan ako. I smiled at her para hindi siya magtanong. Hindi ko pa nasasabi sa kanila ang nangyari, but I will eventually tell them kapag okay na ang timing.

Ako:

Classroom. Naghihintay ng next class. Why?

"Mabuti na lang talaga at si Nad ang naghatid sa akin! Eh kung iba iyon ay baka nagka-black eye na ako sa nanay ko!" natatawa niyang kwento kaya tumawa rin ako. Naalala ko kasi na si Jamal sana ang maghahatid sa kanya noon. Mabuti na lang at pinigilan ko at binigay siya kay Nad. Napasulyap ako sa cellphone nang tumunog ito.

Clicko:

Can you go out? Nasa labas kami. I want to see you.

Tss. Ang plain niya lang talaga mag text pero napapangiti ako. Hah! This is really really crazy. I am crazy.

Ako:

Sure. Sige hintayin mo ako.

Tumayo ako at inayos ang sarili at tinapik si Sarah sa balikat. Napatingin din sa akin sina Nad, Kaz at Dexter na nakikinig rin sa kwento ni Sarah.

"Alis muna ako, banyo lang" pagdadahilan ko. Napa-cross fingers pa ako para hindi niya sabihin na sasama siya sa akin. Ganoon kasi Sarah, pag sinabi mong magbabanyo ka, sasama agad siya.

"Huh? Okay" agad na sagot niya kaya napahinga ako ng maluwag. Sorry Sars, sasabihin ko na sa'yo sa susunod.

Mabilis akong naglakad sa labas at agad kong nakita si Clicko na nakasandal sa railings kasama si Aro na napamulsa at may sinasabi kay Clicko.

He's finally well? Noong isang araw ay wala siya sa practice namin dahil nagkasakit daw siya sabi ni Coach Robbie. Glad to say that he's finally doing good.

Agad akong nakita ni Aro kaya tinapik niya si Clicko sa balikat. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. He smiled at me too kaya lumapit na ako sa kanila. He immediately hugged me nang makalapit ako sa kanya. Nagulat ako dahil nasa gilid lang namin si Aro at nakatingin lang.

Kumalas siya sa yakap ko at hinawakan ako sa kamay. May mga klase yata lahat ng mga students sa hallway na ito dahil kaming tatlo lang ang nasa labas.

"What is it? Are you okay?" I asked habang napapasulyap kay Aro. He smirked at me at tiningnan ang relo sa palapulsuhan niya. Agad kong binalik ang tingin kay Clicko at umiling siya habang tinitingnan ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko.

"Anong nangyayari?" I asked habang nagpalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Ten minutes. Galing lang ako sa lagnat kaya huwag mo akong pag-antayin." Sabi niya kaya napalingon na rin si Clicko sa kanya at agad ding binalik ang tingin sa akin.

"Nothing I just wanted to see you. Can you like kiss me, para maging okay ako?" seryoso niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko.

Why is he so vocal? Hindi ba siya naiilang na nandito si Aro at nakikinig sa amin?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now