Kabanata 23

274 13 1
                                    

Kabanata 23

Hindi kami nakaligtas sa mga seniors na prefect ng school. Mabilis lumipad ang balita kaya napunta kami sa disciplinary office pagkatapos noong nangyari.

"It's not our fault. Nanahimik kami doon at lumapit sila sa amin" I tried to reason out.

Nakaupo kaming lima sa harap ng disciplinary officer. Kung titingnan, obvious na obvious na sila ang may kasalanan dahil wala silang sinasabi kanina pa. Iyong si Catherine ay nakayuko lang samantalang si Kiana at iyong babae na hindi ko kilala ay halos tulala na lang.

"If you didn't say those words hindi sana nagkagulo!" Catherine said habang namumula ang mukha. Hindi talaga siya titigil, noh?

"Kung hindi hinila ni Kiana ang buhok ko, walang gulo na mangyayari" diin na sagot ko habang nakatingin kay Kiana na walang sinasabi at nakayuko lang. Nagpapaawa yata siya dahil mukhang iiyak siya. Gusto ko tuloy tusukin ang mga mata niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin ng disciplinary officer sa amin. Napasulyap ako sa glass window ng office at nakita sa labas sina Quinn at Clicko na nakaupo. Wala si Kuya Cirrus. Saan kaya nagpunta iyon? Kailangan ko pa siyang makausap tungkol sa ginawa niya sa akin.

"You are all involved in this situation so we have to give you all an equal punishments. Comeback here after class para malaman ninyo kung ano ang parusa sa inyo. You can go for now" sabi noong officer.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pare-pareho lang kami ng parusa kahit sila naman talaga ang may kasalanan? What the hell? Matalim ko na tiningnan sina Kiana. I was about to object because it's freakin unfair but Lyrra held my hand again at agad na umiling.

"Heanndra please. Tama na" pagod niyang pakiusap. Bullshit! Napapikit ako at itinago na lang ang pagkainis.

Sabay sabay kaming lumabas ng office. Sabay din na tumayo mula sa pagkakaupo sina Clicko at Quinn. Agad na nilapitan ni Quinn si Lyrra at kinuha ang dalang bag.

"Are you okay? Bakit ka ba kasi sumali?" kunot noo na tanong ni Quinn at agad na bumaling sa akin.

"Are you okay?" he asked me. Syempre, hindi. Walang katapusan na kabadtripan yata nangyayari ngayong araw. Hindi na ako sumagot.

Sinundan ko ng tingin si Kiana na lumapit kay Clicko. May sinasabi si Clicko at nakayuko lamang si Kiana habang nakikinig. Tumango si Kiana sa sinabi ni Clicko.

Tss. Napairap ako. Pathetic bitch.

"Quinn, ihatid mo na si Lyrra sa classroom niya. Hihintayin ko na lang si Sarah sa clinic" pagputol ko sa usapan nilang dalawa. Kumunot ang noo ni Lyrra sa sinabi ko.

"Anong gagawin mo sa clinic?" she asked.

Pinakita ko ang braso ko na may kalmot ni Kiana kanina. Actually, hindi ko alam kung sino talaga ang kumalmot sa akin. Tatlong kalmot iyon. Isang maliit at dalawang malaki. Dumudugo pa ito. Hindi masyadong kita dahil natatabunan ng sleeve ng uniform ko.

Ngumiwi si Lyrra sa nakita. Ako talaga ang napuruhan sa aming dalawa.

"Sasamahan kita" she offered at agad naman akong umiling. Sa totoo lang, nahihiya na ako sa kanya. Dinamay ko na nga siya sa nangyari kanina tapos ngayon naman ay aabalahin ko pa ang oras niya.

"Wag na. Okay lang dadating naman si Sarah mamaya" sagot ko at agad na sumenyas kay Quinn na umalis na. Tumango siya at hinawakan si Lyrra sa likod.

"Let's go" he said. Nag alinlangan na napatingin si Lyrra sa akin kaya tumango na ako at kumaway sa kanila ni Quinn.

"Umalis si Cirrus. May pinuntahan" pahabol na sabi ni Quinn at tinapik ako sa likod. Tinanaw ko sila habang naglalakad.

Huminga ako ng malalim at agad na naglakad palayo sa office. Nagulat ako nang sumulpot si Clicko sa harap ko.
Mukhang kanina pa siya nag-aabang na makalagpas ako sa isang pader malapit sa office. Anong ginagawa niya dito?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now