Kabanata 3

425 14 0
                                    

Kabanata 3

Tinagilid ko ang ulo ko habang pinagmamasdan ang sarili sa whole body mirror na nasa harap ko. The navy blue, flowy dress I am wearing ay sumusunod sa galaw ko tuwing iikot ako.

This dress was given to me by Kristoff on my sixteenth birthday. Noong una ay naisip ko pa na ang corny lang ng ginawa niya. Why would he suddenly gave me a dress as a gift? Hindi naman iyon nag-eeffort na bilhan ako ng regalo? Knowing Kristoff, hindi siya iyong typical na boyfriend. Namimigay ng regalo tuwing anniversary at birthday? Nope. Dadalhin ka sa isang candle light dinner? Nope. He would just simply greet you a "happy birthday" or "happy anniversary". Then, he would just take me to a field and play soccer the whole day, or play laser tag sa arcade or magka-car racing kaming dalawa.

Kung iisipin sobrang boring noon. Sino ba naman ang babaeng gugustuhin magka-boyfriend na ganoon diba? Lalo na kung hindi mo hilig ang mga ganoon na klase ng dates. Pero kahit ganoon, I don't even find him boring.

Maybe because I love him too much. Maybe that's what you feel when you really love that person. Kahit magtitigan lang kayo buong araw ay masaya na kayo. At kahit sobrang ikli lang ng panahon na nagkasama kami, ang hirap hirap niyang alisin sa sistema ko. Two years of being together? I hate to say this but it's too short.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ang katok sa pintuan. Masyado na akong maraming iniisip simula ng umuwi ako dito sa Stefanina.

"Heann? Are you ready? Labas kana." Si Kuya Cirrus na nasa labas ng pintuan. Muli akong tumitig sa salamin. Inayos ko ang nakalugay kong buhok at isinuot ang kulay itim na heels. I am good to go.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto at bumulaga sa akin si Kuya Cirrus na naka-formal attire. He's wearing an inner black shirt at may coat na kulay navy blue. Oh! great, naka-navy blue rin siya.

Inirapan ko siya at kumunot naman ang noo niya.

"Bakit naka-navy blue ka rin? Tss." Ani ko at iniwan siyang nakatayo lang doon sa harap ng pintuan.

Naramdaman kong sumunod siya at inakbayan pa ako pababa ng hagdan. Sinundot ko ang tagiliran niya at tumawa siya sa ginawa ko. Hinigpitan niya naman ang pagkakaakbay sa akin. Magugulo ang buhok ko!

Tumawa ako at agad na sumigaw.

"Kuya!"

Agad kaming napatigil sa pagtawa nang makarinig ng tikhim sa ibaba. Inayos ko ang sarili ko at gayon din si Kuya Cirrus.

Nakita ko si Dad na nakaayos rin habang nakaupo sa malaking sofa namin. Sa kabilang sofa naman ay si Kuya Stratus kausap si Ate Denise, kapatid ni Seaver.

Great! Nandito silang lahat. Muntik ko ng makalimutan na pupunta pala iyong mga Gomez dito sa amin para daw sa isang dinner. Ilang ulit pa akong pinaaalahanan ni Kuya Commulus tungkol sa dapat kong i-behave mamaya sa dinner. Akala mo naman sobrang bastos ko. Gustong-gusto ko ng sumabat but I just kept quiet. Hindi din naman maniniwala iyon pag may sinabi ako.

Napasulyap ako kay Kuya Cirrus sa tabi ko. Nagkibit balikat lamang siya at agad nauna na bumaba ng hagdan. Nakarinig kami ng paparating na sasakyan sa labas kaya tumayo na sina Kuya Stratus at Ate Denise gayon din si Dad.

Umayos ako sa pagkakatayo at sinundan silang pumunta sa hamba ng pintuan.

Pinagmamasdan namin ang pagbaba ng mga tao sa dalawang sasakyan na dumating.

Iyong nagpapatakbo bilang Vice-Governor ay naunang bumaba. May inalalayan siyang isang babae na medyo may edad na rin. She looks sophisticated sa suot niyang red dress with a pearl necklace hanging on her neck. Maybe the wife? May bumaba rin na isa pang babae. She looked like the girl version of the Vice-Governor.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now