Kabanata 31

268 10 5
                                    

Kabanata 31

"Hindi ka sasama doon, Heanndra!" Sigaw ni Kuya Commulus sa akin. I've decided na pupunta ako sa after party sa Ground Forest. Infact nakabihis na nga ako ngayon.

"Kuya please! Nandoon naman sina Kuya Cirrus, Seaver at James!" Sigaw ko rin sa kanya at padabog na inayos ang champagne colored crisscross top na suot ko.

"Do you remember what happened last time? Nandoon din naman sila pero anong nangyari?" Hindi talaga siya magpapatalo.

It's so unfair then! Kung hindi pala ako papayagan, edi dapat hindi din sina Kuya Cirrus!

"Kuya it's fine. Ako na ang bahala kay Heanndra. Besides nandoon din naman ang mga kaibigan niya" Halos mapapalakpak ako kay Kuya Cirrus na bumababa ng hagdan habang inaayos ang buhok. Kumindat siya sa akin at ngumiti.

Bumaling ako kay Kuya Commulus na walang ng sinabi at hinayaan na lang akong sumama. Ngumiti ako kay Kuya Cirrus at agad na sumama sa kanya pababa ng bahay. Naghihintay doon ang sasakyan na dadalhin ni Kuya Sandro. I already texted Sarah na pupunta ako.

"Please Heanndra, this time wala ng gulo." Biglang sabi ni Kuya Cirrus habang papunta sa Ground Forest. Tumango ako sa kanya.

I'm actually not sure about that. Hindi mo naman kasi masasabi na hindi ka makakagawa ng gulo doon. Bakit alam mo na ba ang mangyayari doon? There might be circumstances na may gulo talaga na mangyayari at hindi maiiwasan. But since Kuya Cirrus is a paranoid boy, I would immediately say okay.

Nakarating kami sa Ground Forest at agad narinig ang ingay sa labas pa lang. Nagtanong si Kuya Cirrus sa isang mukhang bouncer doon.

"St. Xavier East?"

Tumango ang bouncer sa kanya.

"Hall seven and eight po Sir. May staff po kaming maglalakad sa inyo doon." Paliwanag ng bouncer at agad kaming ginaya ng isang babae sa isang malaking room.

Agad kong nakita si Sarah na kumakaway sa akin sa isang table. Nakasuot siya ng high waisted jeans at cream colored off shoulder top.

"Don't drink too much. Sabay tayong uuwi mamaya." Bulong ni Kuya Cirrus sa akin dahil masyadong maingay dahil sa malakas na music. Tumango ako sa kanya at pinuntahan na si Sarah sa isang table. Nandoon din sina Nad, Kaz, Dexter at iilan pang mga kaklase ko.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko at naupo sa tabi ni Sarah.

The room is huge at may dalawang counter top sa dalawang sulok. May dalawang TV din akong nakikita sa itaas ng dingding.

"Not really. Naka-dalawang shot pa lang ako ng tequila!" Natatawa na sabi ni Dexter.

Maraming drinks sa table namin kaya naman kumuha ako ng isang shot ng tequila at agad na ininom iyon. I immediately suck the lemon at napangiwi.

"The school hired a band na tutugtog mamaya." Ani Kaz kaya napatingin ako sa kanya. She's eating some nuts.

May iilan rin na tumitigil sa table namin at bumabati. Natigil ako sa pag-inom nang hilahin ako ni Sarah patayo sa sofa.

"C'mon lets roam around. They're playing beer pong sa kabilang hall!" Aniya kaya napangisi ako at nagpatianod sa hila niya sa akin.

Habang naglilibot ay napapasayaw kaming dalawa sa music na tumutugtog. Naglakad kami sa kabilang hall at nakita na mas marami ang tao doon. May billiards akong nakikita, beer pong and darts. Nagulat ako nang makita na sina Kuro rin pala ang naglalaro ng beer pong. Some of the criminology students were playing.

"C'mon let's order a drink. We can oder anything we want! Sa school ang bayad!" Sigaw ni Sarah sa akin kaya tumawa ako at pumwesto sa isang gilid para maghintay ng drinks na inorder niya. She handed me a tall glass with a liquid inside na  color red and blue na nag-uusok pa.

A Rebel Heart (#1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat