Kabanata 41

243 9 0
                                    

Kabanata 41

This chapter contains sexual scenes and vulgar language. Read at your own risk. Also this chapter is written by my friend, Zeith. Thank you so much. I am laughing while reading this, seriously. 😂
______________________________

Halos mapaupo ako sa sahig kaya naman kumapit muna ako sa pader at naglakad papunta sa dining area. Hinila ko ang isang upuan doon at dahan-dahan na umupo.

"Kasama si General Tetangco sa na ambush Kuya?" Malungkot na tanong ko. Huminga siya ng malalim sa kabilang linya.

"The main target was him. Nadamay lamang sila Martin dahil sila ang naatasan na protektahan si General." Paliwanag niya. Bumagsak ang balikat ko sa narinig at napasapo na lang sa noo.

What will happen to Clicko and his deal with General Tetangco? He already took the admin examination. Matutuloy pa rin kaya iyon? God, I can't imagine na hindi and I don't know what to tell him. He will be disappointed and hurt if I'll tell him na wala na si General Tetangco.

Matapos makipagtawagan kay Kuya Stratus at bumalik na ulit ako sa kwarto ni Clicko. Hinayaan ko siya na payapang natutulog at natulog na rin ako.

Kinabukasan ay maagang nagising si Nanay Dalia at nakapagluto na ng agahan. Nakita ko si Kiko na nakaupo na at kumakain na rin. Ngumiti ako sa kanya at umupo sa harap niya.

"Ate ganda, nasaan na po si Kuya Manuel?" Tanong niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya.

"Natutulog pa si Kuya Manuel pero mamaya gigising na iyon." Masigla na sabi ko sa kanya. Dumating si Nanay Dalia galing sa labas na may dalang mga supot na mukhang pinamili niya galing sa palengke.

"Nanay tulog pa rin po si Kuya Manuel! Nanuna po ako sa pag gising sa kanya ngayon!" Tumatawa na sabi ni Kiko kaya napangiti ako. Kahit papaano ay may masigla at maingay dito sa bahay nina Clicko kaya hindi gaanong malungkot ang buong bahay.

Ngumiti si Nanay Dalia sa akin at ginulo ang buhok ni Kiko. Nagpatuloy siya sa pagkain kaya pumasok ako ulit sa kwarto ni Clicko para gisingin siya. Gusto ko pa na matulog siya kaya lang ay kailangan namin na bumalik ulit sa hospital para tingnan si Martin.

Tulog na tulog pa rin siya kaya umupo ako sa tabi niya at hinawakan siya sa pisngi. I trace his nose kaya naman kumunot ang noo niya habang nakapikit pa rin.

"Clicko I'm sorry to wake you up but we have to go to the hospital." Bulong ko sa kanya. Dumilat siya ng kaonti at iginala ang paningin sa paligid. Umupo siya sa kama at pinikit ang mga mata ng ilang sandali.

"Did you sleep here?" He asked kaya napayuko ako. Hindi niya yata napansin dahil tulog na tulog na siya kagabi at mas nauna akong nagising sa kanya.

"Ah yes. C'mon breakfast is ready. We need to go sa hospital. Titingnan natin ang lagay ng Kuya mo." Sabi ko.

I was about to stand up mula sa pagkakaupo sa kama nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Yumuko siya habang nakatingin sa mga kamay naming dalawa.

"What's wrong?" Kunot noong tanong ko.
He didn't say anything at umiling na lang. Lumapit siya sa akin ng kaonti at hinalikan ako sa noo.

"You go ahead. Lalabas ako mamaya." Pilit na ngiti niya sa akin kaya tumango ako at agad na lumabas ng kwarto.

Pagkatapos kumain at magbihis ay agad din kaming tumulak sa hospital. Tama nga si Kuya Stratus sa sinabi niya dahil pagdating namin doon ay parang mga langgam na sumusulpot ang mga tauhan niya na nakitim sa labas at loob ng kwarto ni Martin.

Mahigpit na hinawakan ni Clicko ang kamay ko habang pinagmamasdan si Martin na nakapikit at nakahiga sa hospital bed. Maraming tubo at devices ang nakakabit sa kanya. I tapped his shoulder and whispered to him.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now