Kabanata 44

251 8 3
                                    

Kabanata 44

Nilibot ko ang paningin sa buong opisina ni Kuya Stratus. Malawak ito at nasa pinakataas ng building kaya overlooking ang buong siyudad. Kakadating ko lang ng Manila at sinundo ako ng iilan sa mga tauhan niya sa airport. I looked like a criminal habang naglalakad palabas ng airport dahil mga lampas yata sila sa sampu na nakabuntot sa akin hanggang sa makarating dito sa office niya.

Naglakad lakad ako sa harap ng kanyang malaking mesa at tiningnan ang iilang mga files na nakapatong doon at agad ding tumigil dahil wala akong maintindihan.

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok ang isang babae na naka-pencil cut skirt at puting polo na nakatupi hanggang siko. She smiled at me.

"Good morning Attorney Heanndra. Kukunin ko lang po ang files sa mesa ni Sir Stratus." Paalam niya sa akin kaya tumango ako at ngumiti din sa kanya.

Tumabi ako sa harap ng mesa at nilahad sa kanya ang mesa.

"Go ahead." I said.

Tumango siya sa akin at naglakad papalapit sa mesa. Binuklat niya ang iilang folders doon at nang mahanap ang nais ay agad siyang humarap sa akin.

"Papunta na po si Sir Stratus, Attorney." Sabi niya kaya tumango ako at sinundan siya ng tingin na lumabas ng opisina.

Where the hell did Kuya Stratus go anyway? Umupo ako sa malaking swivel chair niya at ginalaw ang pendulum swing na naka-display sa kanyang table. Sinundan ko ng tingin ang bead na tumatama sa isa pang bead.

Napatigil ako sa pagtingin doon nang bumukas ang pintuan at nakita si Kuya Stratus na pumasok. His stance is so stiff na para bang laging handa sa ano mang masama na mangyayari.

Dumapo ang tingin ko sa balbas niya sa kanya mukha. He looks more old with his beard on. Kumunot ang noo niya sa akin at lumipat iyon sa pendulum swing na gumagalaw.

"Kanina ka pa? I'm sorry may pinuntahan ako." Malalim na boses niya at isinara ang pintuan. He removed his leather jacket at isinabit iyon sa standee na nasa gilid lang ng pintuan. Tumayo ako sa swivel chair at lumipat sa sofa na nasa harap ng kanyang mesa.

"Not really. I'm just here because gusto kong mag-paalam na hindi muna ako uuwi sa condo mo mamayang gabi. I'll be with Sarah and Kaz." Sagot ko na tinapik ang dalang maleta sa gilid ko.

Umupo siya sa kanyang swivel chair at tumango sa akin.

"Ayaw mo mag hotel?" He asked pagkatapos ng iilang sandali na katahimikan.

Iyon ang naisip ko kanina habang nasa eroplano but Sarah suggested na sa kanya na lang ako matutulog dahil siya lang naman daw mag-isa ang nandoon sa condo niya. Plus, we will go clubbing. later at kapag malasing ako mamaya for sure hindi ako pababayaan ni Sarah, lalo na si Kaz.

"It's okay. I'm just gonna sleep with Sarah." Kibit balikat ko.

"Just bring the necessary things you'd like to use at iwan mo na lang ang iba dito. Uuwi na ako bukas sa Stefanina, ako na ang magdadala." He said kaya tumango ako.

"I'm also staying hanggang sa Saturday para sa exhibit ni Quest."

Tumango siya sa akin habang may binabasa na folder sa mesa.

"I've got an invite also but I can't come. I'll just send someone to bid for her paintings." Aniya kaya nagkibit balikat na lang ako.

Pagkatapos noon ay lumabas kaming dalawa ni Kuya Stratus at kumain ng breakfast sa baba. Hinatid niya ako sa condo ni Sarah sa Taguig at agad na nagpaalam.

"Be careful with medias, Heanndra. You are not an ordinary person. Sikat ka dito sa Pilipinas because of your rising company and your modeling career." Pagpapa-alala ni Kuya Stratus sa akin kaya umirap ako.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now