Kabanata 2

469 21 0
                                    

Kabanata 2

"Heann? I was just wondering if gusto mong sumama sa campaign ni Dad?" Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko.

Kuya Cirrus is stading there habang nakasuot pa ng pajama at puting t-shirt.

Almost one week na ako dito pero puro kain, tulog, manuod ng TV, maglaro ng XBOX at kung ano ano na lang ang ginawa ko dito para labanan ang boring atmosphere sa loob ng bahay.

Eveyday ay ako lang yata ang natitira dito sa bahay. Si Kuya Stratus ay bumalik na ng Manila para sa business. Si Kuya Commulus naman ay palaging nasa eskwelahan, early enrollment daw. Sina Seaver at Kuya Cirrus naman ay palaging sumasama kay Daddy sa pangangampanya.

Himala yata na niyaya niya ako kung gusto ko bang sumama sa kanila.

Nag-isip pa ako ng ilang sandali bago tumango.

Well, maganda siguro na sumama na rin ako. Ayoko ng magkulong dito na parang taong takot sa labas.

"Maliligo na ako." Kumpirma ko sa kanya.

Matapos kong magsalita ay tumango na lang siya at lumabas na ng kwarto ko.

Mabilis akong naligo at namili ng damit na isusuot. Napasapo ako sa aking noo nang napagtangtong kaonti lang ang damit na dala ko. Huminga ako ng malalim habang pinagmamasdan ang isang pares ng kulay maong na pantalon at isang plain white V-neck t-shirt.

Not bad though. Ito na lang ang isusuot ko. Puro dresses, short shorts at jump suit lang ang nadala ko.

Bakit ba ganito lang ang dala kong mga damit? This is all useless.

Matapos patuyuin ang buhok ay hinayaan ko lang itong nakalugay. Sobrang haba na nito. Abot na sa puwitan ko.

A memory flashed in my mind habang pinagmamasdan ang buhok ko. It's almost three years, kaya siguro ganito na lang kahaba ang buhok ko.

Lumabas ako ng kwarto at nadatnan sina Kuya Cirrus at Seaver na naghihintay sa sasakyan. Lumapit ako sa kanila at ilang sandali pa ay sumakay na kami doon.

"Miss Heanndra, si Governor Andranno po nasa kabilang linya." Ani ng isang lalaki na kasama namin sa van na sinasakyan. Basi sa suot niyang damit na kulay orange, isa yata siya sa mga staff ni Dad. May hawak siyang isang walkie talkie. Inabot niya ito sa akin kaya kinuha ko ito.

Oh, mukhang alam ko na ang sasabihin ni Dad.

Nilongon ko si Kuya Cirrus at Seaver na parehong nasa likod nakaupo. Nasa gitnang upuan naman ako nakaupo malapit sa bintana. Puro boxes na may lamang flyers at cap ang nasa tabi ko.

I cleared my throat before answering the walkie talkie.

"Dad..."

There was a "bzzz" sound on the background kaya kumunot ang noo ko.

"Please behave Heanndra, that is the last thing you wanna do." Ani ng nasa kabila at agad namatay ang walkie talkie.

Napakagat ako sa labi ko. Halos matawa ako sa narinig ko.

I know. Hindi naman nila kailangang paulit-ulit na sabihin iyon sa akin. Madali naman akong kausap. Minsan.

Huminga ako ng malalim bago ibinalik sa lalaki iyong walkie talkie.

Naramdaman kong tinapik ako ni Kuya Cirrus sa balikat kaya nilingon ko siya sa likod.

"You're gonna be fine." Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.

Ilang sandali pa tumigil na ang van namin. Pagkalabas ay nakita kong marami ng tao ang nakaupo sa harapan ng stage. Lahat sila ay naka-color orange na damit. Napairap ako. Seriously? Orange? Anong klaseng kulay iyon? Wala na ba silang ibang maiisip?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now