Kabanata 49

310 10 2
                                    

Kabanata 49

Kahit medyo maliit iyong tavern sa labas kapag nakapasok ka na sa loob ay malawak naman pala ito. Pagkatapos makuha ang susi ay agad kong hinanap ang room number namin. Nang makita ay mabilis ko itong binuksan at napahinga ng maluwag nang makita na malaki ang kama na nandoon at may mahabang sofa rin sa gilid.

Great. Isang gabi lang naman. I can bear just one more night with him. Matutulog lang naman kami. Nilapag ko sa sahig ang bag ko at agad na humiga sa pinakagilid ng kama ng hindi pinapansin kung nakapasok na rin ba si Clicko. Kinuha ko ang isang unan at mabilis itong tinabon sa mukha ko. Mabilis akong pumikit nang marinig ang pagbukas ng pintuan.

We can share the bed, malapad naman ito. Pareho naman kaming pagod at nakakahiya na patulugin siya sa sofa. At isa pa siya naman ang nagbayad dito kaya dapat lang na dito rin siya matulog sa kama.

Or, ako na lang ang matutulog sa sofa. Okay. Mamaya lilipat ako.

Nakatulog ako ng ilang sandali at nagising nang may tumatapik sa balikat ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Clicko na nakatayo sa harap ko. Nakabihis na siya ngayon at mukhang bagong ligo na rin.

"We have to eat dinner." He said kaya bumangon ako at naupo ng ilang sandali. Tumango ako at tumayo na.

"I'll just take a shower." Sabi ko.
Huminga siya ng malalim at tumikhim.

"We'll just eat. You don't need to take a shower." Aniya.

Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipagtalo nanaman ulit sa kanya kaya tumango na lang ako at inayos ang sarili ng ilang saglit habang naghihintay siya sa labas. Kung pwedi lang na huwag akong sumama sa kanya sa pagbaba para kumain ay gagawin ko, but I don't want to be rude. He's paying for all of this so might as well do whatever he wants to do.

"Let's go." Deklara ko nang makalabas na sa kwarto.

Tumayo siya ng maayos mula sa pagkakasandal sa pader. Tumikhim siya at nauna na sa paglalakad sa akin habang nakapamulsa.

Dumaan kami sa malaking garden ng tavern at ilang lakad pa ang ginawa hanggang sa makarating sa outdoor na kainan nila. Well, this looks nice too. Maraming tao rin ang nandito at kumakain. Some of the foods that they're serving are probably grilled dahil may nakikita akong tatlong lalaki na nag-iihaw sa di kalayuan. Sumunod ako kay Clicko habang naghahanap siya ng mauupuan.

Tumigil kami sa isang mesa malapit sa fish pond. Bago pa niya mahila ang upuan para makaupo ako ay mabilis ko ng hinawakan iyon at hinila. He looks amused doon sa ginawa ko pero agad ding nakabawi at umikot para makaupo sa kanyang upuan.

Nagtawag ng waitress si Clicko at agad akong napataas ng kilay nang makita kung sino iyong babae na papalapit sa mesa namin.

She was all smiles habang nakatayo sa harap namin. Napatingin ako kay Clicko na mukhang wala namang pakialaman sa babae na halos mapunit na ang labi sa kakangiti. He was just looking at the menu. Nang makapili ay agad niyang sinabi ang order sa babae. Padabog kong nilapag ang menu sa mesa at humalukipkip na tiningnan iyong babae.

"Grilled shrimp will do." Panunuya ko sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Plastik siyang ngumiti sa akin at saka bumaling kay Clicko.

"We'll serve your order right away, Sir." She said in a flirty tone at kumindat pa kay Clicko habang paalis sa harap namin.

"What the fuck?" Mura ko habang sinusundan siya ng tingin.

God. Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? That she should stop flirting because Clicko is already  married? I wish Vitara would know all about this! Kapag asawa ko si Clicko at may ganito na umaaligid sa kanya ay talagang magwawala ako, but I guess Vitara wouldn't do that. I just got a feeling na sobrang bait niya.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now