Kabanata 14

270 8 0
                                    

Kabanata 14

Sinundan ko ng tingin iyong chinitong lalaki habang paakyat siya sa hagdanan papuntang second floor ng tindahan.

Nakita ko rin si Kuya Commulus na may dala-dalang dalawang gallon ng mukhang pintura. Seryoso niya itong binubuhat papunta sa counter.

"Kuya, we saw Pyro kanina..." panimula ni Kuya Cirrus. Nilapag ni Kuya Commulus iyong dalawang gallons ng pintura at napakamot sa noo. Nilibot niya ang tingin sa paligid na parang may hinahanap.

"Where?" tanong niya.

"Nasa taas hinahanap si Viola" sagot ni Kuya Cirrus habang kinukuha ang isang gallon ng pintura sa tabi ni Kuya Commulus. Nilagay niya ito sa counter at agad na nagbayad.

Binuhat naman ni Seaver na nasa gilid ko ang  isang supot na malalaki na may laman ng aming mga pinamili. Sumenyas siya kay Kuya Commulus na mauuna na siya sa sasakyan kaya hinagis ni Kuya Commulus sa kanya ang susi. He catched it smoothly kaya tumawa pa siya.

"I'll go ahead." Tapik niya sa aking balikat. Bumaling ako kay Kuya Commulus at agad na nagsalita.

"Sasama na ako kay Seaver." Deklara ko at tumango naman sina Kuya Cirrus at Kuya Commulus. Kinuha ko sa counter ang isa pang malaking supot na may laman ng pinamili namin. Ninguso ni Seaver na mauna ako sa paglalakad sa kanya kaya tumango ako at nauna ng maglakad palabas ng tindahan.

"Ah. By the way Heanndra, gusto mo bang sumali sa Athletic Club ng school? Di ba naglalaro ka ng soccer?" Wala sa sarli na tanong ni Seaver habang binubuksan ang pintuan sa likod para maipasok ang mga dala niya.

My heart skipped a beat dahil sa sinabi niya. Bigla akong nanlamig na hindi ko maintindihan. Napalunok ako ng dahan-dahan para kalmahin ang sarili.

It's okay Heanndra. It's okay. Just calm down.

"Are you okay? You look pale." Aniya pagkatapos maipasok lahat ng mga dala namin.

Hilaw akong ngumiti sa kanya.

No. I am definitely not okay talking about that. Kasi naaalala ko lahat. Bakit ganoon ang nangyari, bakit nawala lahat, bakit ganito ako ngayon, bakit kahit humawak man lang ng bola ng soccer ay ayaw kong gawin.

Kasi kasalanan ko. The fault is mine alone and I have no one to blame but myself.

"Heanndra?" May tumapik sa balikat ko kaya natigil ako sa pag-iisip. Nilingon ko iyon at nakita na nakalabas na pala sa tindahan sina Kuya Cirrus at Kuya Commulus kasama iyong lalaking chinito kanina.

"Are you okay? Namumutla ka. Are you hungry?" Tanong niya. Umiling kaagad ako. Napasulyap ako sa chinitong lalaki na nilapag ang mga pintura na binili ni Kuya Commulus sa likod ng sasakyan.

"Uwi na tayo Kuya, dumidilim na baka hinahanap na tayo ni Dad." Si Kuya Cirrus naman ang nagsalita. Tumango si Kuya Commulus at tinapik sa balikat iyong chinitong lalaki.

"Thanks Pyro. Pakisabi kay Viola salamat rin." Aniya at agad na umikot sa driver's seat. Nagpaalam na sina Seaver sa lalaking si Pyro at agad ding sumunod sa akin sa pagsakay.

"Heanndra, are you okay? Masama ba pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Seaver sa akin.

"I'm fine Seaver, napagod lang siguro ako doon sa mga ginawa ko sa station." Pagdadahilan ko. Well, partly it's true. Napagod naman talaga ako.

Napasulyap si Kuya Commulus sa amin sa likod gamit ang rear view mirror.

"Pinahirapan ka ba ni Martin doon?" Basag ni Kuya Commulus sa kanyang katahimikan. Niliko niya ang sasakyan habang seryoso na nagmamaneho.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now