Kabanata 37

241 11 4
                                    

Kabanata 37

"Your Kuya Stratus owns some security agencies right? Alam mo naman siguro na majority ng mga tauhan nila doon ay galing ng Army, Navy and Airforce? So, technically speaking your Kuya has some connections too right?" She asked while still eyeing me. Tumigil siya sa paglalakad sa harap ko at pumwesto sa isang nakasara na pintuan ng isang cubicle.

"Let me guess. You asked help doon sa Kuya mo para tulungan si Clicko right?" Mapanuya niyang tanong at nanlaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman iyon? Nanuyo ang lalamunan ko sa mga isiniwalat niya ngayon.

Why is she talking about this? Totoo nga ba? Na ginagamit lang ako ni Clicko para makuha ang mga gusto niya? Is this how far he'll go para maabot iyong pangarap niya? I don't know. I'll never know.

"Bago maging kami ni Clicko, he already asked help to General Tetangco. If he knows he'll get the help, why still stick on my side?" Taas kilay kong tanong. It's the truth. He moved by himself. I only pushed it and confirmed it.

Napakuyom ako ng aking mga palad nang tumawa siya ng malakas.

"Syempre naninigurado siya. Paano kapag hindi pumayag si General? Edi sabit pa iyon? So, didikit siya sa'yo dahil alam niyang hindi mo siya matiis right? Tutulungan at tutulungan mo siya." She smirked nang makita na nanginginig na ako sa galit.

I'm trying to hold every piece of anger inside me na huwag kumawala. Hindi ako magagalit at hindi ako magpapaapekto sa sinsabi niya. Siguro galit lang ito dahil naiwan siya ni Clicko.

"Hindi ba nag confessed ka sa kanya? And then he turned you down and then sinabi niya ulit na gusto ka niya? Isn't it a bit uncanny?" She asked again dahil wala ng lumalabas sa bibig ko.

I wanted to slap her so badly pero bakit ganoon? Ayaw gumalaw ng mga kamay ko. Para lang akong mannequin na nakatayo doon at hinahayaan siya na saktan ako by using her words. At paano niya nalaman that I confessed to Clicko? Did she saw it? May nakakita ba sa amin and told Kiana about it?

"He took you to that shitty lighthouse also right?"

Napalunok ako sa tanong niya. Halos mawalan ako ng hininga dahil sa realization na totoo iyong tanong niya! Clicko took me to that lighthouse. He also did that to Kiana? Sinabi din ba niya kay Kiana na mahal niya si Kiana?

Tumawa ulit siya ng malakas at umiling iling pa na parang nadi-dissapoint sa akin dahil hindi ako nagsalita agad.

"How pathetic! Sana man lang iniba niya ang pang gagago niya di ba?" Aniya na galit na galit rin.

Huminga ako ng malalim trying to get a hold myself. Shit Heanndra. Talaga lang ha?

"What about iyong sa hallway? I saw you talking to Clicko. Iyak ka ng iyak and you're begging him to stay. Bakit mo ginawa iyon when you're like this now?" I finally asked.

Tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos ng ilang sandaling pagkagulat.

"Because I loved him and I still wanted to help him kahit alam kong iiwan niya na ako. Pero mas gusto niya yata sa'yo dahil mas madali niyang makukuha ang gusto niya." She seriously said at napakagat ako ng labi.

We have the same goal then. Gusto lang namin tulungan si Clicko na maabot ang mga pangarap niya. But Kiana just stopped. What about me? How far can I go para sa pangarap niya? Willing ba akong magpagamit at masakatan para sa pangarap niya? But I still don't know if Kiana is telling the truth.

"You should be thankful I'm saying these to you Heanndra. I'm not the enemy here." She declared.

Tumaas ang isang kilay ko habang tinitingnan siya mula ulo hanggang paa. Hindi ako makikita ng kahit na sino na mahina.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now