Kabanata 6

318 13 0
                                    

Kabanata 6

"Heanndra, your shorts is too short." Turo ni Kuya Cirrus sa suot ko.

Bumaba ang tingin ko dito at napairap na lang. So, ano ba dapat isuot ko? Long gown?

"What the hell is wrong with what I'm wearing? Magba-bike naman tayo kaya ayos na ito!" Pahisterya kong sabi.

Kanina pa siya sabi ng sabi na palitan ko daw ang suot kong shorts. Kaonti lang ang dala kong mga damit at wala akong masyadong matataas na pang-ibaba.

Naka-racer back ako na kulay itim at naka shorts na tama lang naman ang ikli. Medyo OA lang talaga itong si Kuya Cirrus.

Hindi na siya nagsalita at umiling na lang sa akin. Anong nangyari doon?

Naglakad na siya papunta sa kung nasaan sina James, Marion at Seaver. May limang mountain bikes na nakaparada malapit sa aming mga sasakyan. Napag-usapan nila kanina na magba-bike daw sila dahil matagal na daw na hindi nila nagagawa iyon.

Ayaw naman noong iba na sumama kaya kaming apat na lang ang sumang-ayon na tutuloy.

Sumunod ako sa kanila at agad kinuha ang kulay black na helmet. Napasulyap ako kay James na nakasandal sa gilid ng sasakyan habang pinagmamasdan akong naglalagay ng helmet. Tinaasan ko siya ng kilay kaya agad namang siyang ngumiti at napailing. Lumitaw ang dimples niya sa magkabilang pisngi.

"What?" Tanong ko.

"Nothing. You do realize na ikaw lang ang mag isang babae na sasama sa amin? Ayaw mo bang sumama sa kanila mag-swimming na lang sa pool?" Tanong niya at itinuro ang pool area na tanaw lang namin.

Naliligo doon ang iba pa naming mga pinsan. Naririnig pa namin ang sigawan at tawanan nila.

"I don't feel like it. Bakit? Ayaw mo ba akong sumama sa inyo?" Panunuya ko sa kanya at agad naman siyang umiling at sumampa na sa bike niya.

Sunod-sunod na lumabas sina Kuya Cirrus, Marion, Seaver at ang panghuli ay si James. Sumulyap muna siya sa akin bago tumulak.

"Let's go." Aniya at mabilis na tumadyak sa pedal ng bike.

Nagtatawanan silang apat habang pinagtutulungan nila ako. Hindi kasi ako marunong mag bike na walang kamay na ginagamit sa paghawak sa manibela. Palagi akong nahuhuli kaya nagpapaiwan minsan si Kuya Cirrus at James para may kasama ako.

Nakarating kami ulit doon sa plaza kung saan ang campaign program ni Dad ginanap. Lumiko sila sa mga may maraming puno na parte ng plaza.

Ngayon ko lang nakita na sobrang lawak pala nito. Umikot-ikot pa kami sa ibang parte ng plaza. May mga tao na namamasyal at kumakain ng street foods sa gilid.

Napatigil ako sa pagpadyak at dahan-dahan na bumaba sa mountain bike nang nakita sa di kalayuan na tumigil silang apat. Bumaba ako sa bike at itinulak na lang ito patungo sa kanila.

"Let's take a break." Deklara ni Marion na pawis na pawis na. Tumango ako at agad na umupo sa damuhan.

Kinuha ko ang helmet na suot at napalingon kay Kuya Cirrus na tinapik ako sa balikat.

"We'll buy some drinks. Ano sayo?" Tanong niya na habang inaayos ang sintas ng kanyang sapatos.

"Water na lang." Sagot ko at bumaling naman siya kay James na nasa tabi ko na rin pala. Tumayo si Marion sa gilid ko at sumama kina Seaver at Kuya Cirrus na bumili. Naiwan kaming dalawa ni James na nakaupo sa damuhan.

Huminga siya ng malalim at may kinuha sa kanyang bulsa. Sinulyapan ko ito at ngumiwi nang makita na isang pack ito ng sigarilyo at isang lighter. Kumuha siya ng isa at sinindihan iyon.

A Rebel Heart (#1)Kde žijí příběhy. Začni objevovat