Kabanata 10

340 9 0
                                    

Kabanata 10

Alas singko pa lang ng umaga ay nagising na ako. Kinatok ako ni Kuya Commulus at sinabing dapat maaga daw akong magising at ng maaga rin akong makapunta doon sa police station.

Ang sabi pa niya, mahiya naman daw ako. I don't even know what the hell is he talking about. Hindi na ako sumabat pa dahil alam ko namang galit pa siya sa akin.

Matapos magbihis ng maong skinny jeans, white loose cropped top, and a white sneakers ay lumabas na ako ng kwarto.

Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat nang may marinig na pumutok. A shower of confettis are falling on the floor.

Napangiti ako nang makita sa harap ko si James na may dalang maliit na birthday cake. Sa tabi niya ay si Kuya Cirrus at Seaver na parehong naka-party hat.

"Happy birthday Heann!" Sabay sabay nilang sigaw. Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nila. Napapikit ako ng mariin.

Oh shit. It's my birthday today! How can I forget? Ganito na ba ang epekto ng masyadong maraming iniisip? Nakakalimutan mo na kaarawan mo?

Or it is just me?

Niyakap ako ni Seaver at sinundan din ito ni Kuya Cirrus.

"Happy birthday Heanndra." Natatawang bati ulit ni Seaver.

"Too bad you're going to celebrate it sa police station!" Tumawa si James kaya binatukan siya ni Kuya Cirrus.

Somehow, this will help me start my day. Ngumiti ako sa kanila at nagpa-thank you na din. Inihatid nila ako pababa hanggang doon sa sasakyan na naka-park sa harap ng bahay. I saw Kuya Commulus na parang may inaayos doon sa likod ng sasakyan.

"Kuya Commulus will give you a ride today. Wala iyong sasakyan ko." Humina ang boses niya sa last sentence na sinabi kaya nahiya nanaman ulit ako. Naiisip ko na naman na sinira ko iyong sasakyan niya at nakakaguilty iyon!

"Hey don't be sad it's your birthday today! Huwag mo na lang pansinin si Kuya Commulus." Pagpapagaan ni Seaver sa loob ko nang makita na masyado akong malungkot.

So much for my birthday.

Tinawag na ako ni Kuya Commulus kaya nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa sasakyan.

Walang umiimik sa aming dalawa ni Kuya Commulus mabuti na lang at may music na tumutugtog kaya medyo maingay pa rin naman.

Huminto ang sasakyan sa harap ng isang convenience store. Ibinaba ni Kuya Commulus ang bintana ng sasakyan sa kanyang side at agad na may kinawayan doon.

Napasulyap din ako doon and saw a girl. She's wearing a floral, above the knee tube dress and a beige ballet shoes. A black sling bag is hanging on her shoulders. Ang medyo wavy niyang buhok ay sumasayawsayaw habang hinihipan ng hangin.

I know her! She's Ate Agnez, Kuya Commulus's childhood bestfriend. Kilala ko siya dahil minsan nakausap ko siya sa Skype noong tumawag sa akin si Kuya Commulus.

Nakangiti siyang lumapit sa sasakyan namin. Nanlaki iyong mga mata niya nang makita ako sa loob. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at sumakay na sa likod.

"Heanndra! You're here. Kailan ka dumating?" She asked in her sweet voice.

Nakita kong napatingin si Kuya Commulus sa rear view mirror pero agad ding binalik ang tingin sa daanan.

"Uhh, last month pa po." Sagot ko kanya at tumango naman siya sabay ngiti sa akin.

Itinigil ni Kuya Commulus ang sasakyan sa harap ng pamilyar na police station.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now