Kabanata 5

393 12 5
                                    

Kabanta 5

Panay ang iwas ko ng tingin sa tuwing tatama ang titig ni Kuya Commulus sa akin mula sa rearview mirror ng sasakyan.

Pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko dahil doon sa sinabi ni flyer boy. Usually hindi naman ako naapektuhan sa mga sinasabi kahit nino man.

Even sina Mommy at mga kapatid ko, kahit gaano nila pinapamukha sa akin na wala akong kwenta ay wala rin naman akong pakialam. Pero bakit ganoon? Naba-bother ako sa mga sinabi ni flyer boy? Eh, iyon lang naman ang sinabi niya.

Kung natatakot ka naman pa lang mapagalitan, you should've thought about leaving your house with permission from your Dad.

Natigil ang pag-iisip ko nang naramdaman na hinagisan ako ni Seaver ng damit.

"Magpalit ka. Baka pagalitan ka na naman ni Tito." Seryoso niyang sabi kaya napasulyap ako sa kanya.

Tumango ako at agad hinubad ang basa kong jacket. I'm wearing a sports bra kaya ayos lang naman ito.

Nagpunas ako ng sarili bago isinuot ang t-shirt na binigay niya.

Then I suddenly realized something.

Bakit niya ako inutusan na magpalit ng damit? Para hindi mapagalitan ni Dad?

Bakit? Hindi sila magsusumbong?

"Kahit naman magpalit ako magagalit pa rin iyon dahil tatanungin kayo 'nun kung saan ako galing at kung anong nangyari sa akin." Mahina kong sabi.

Wala akong nakuhang sagot sa kanila, wala kahit isa na nagsalita sa kanilang tatlo hanggang sa makarating kami sa bahay.

Bumaba kami ng sasakyan at pumasok na sa loob. Nadatnan namin na kumakain ng agahan sina Daddy at Tito Jericho. May kasama silang dalawa pang lalaki na halos kasing edad rin nila. Pare-pareho silang nakabihis ng pormal.

Napatigil sa pagkain si Dad nang lumapit sina Kuya malapit sa dining. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming apat.

"Where have you been, Sean?" Parang kulog na boses ni Tito Jericho. It's his normal voice.

Tumikhim muna si Seaver at agad nagsalita.

"Sinundo namin si Heanndra sa Centro Dad. Bumili siya ng mga damit niya sa Centro. Medyo maaga siyang umalis kanina kaya hindi na niya kami nagising at mag-isa siyang tumulak." Kumunot ang noo ko sa sinabing iyon.

Napalingon ako sa kanya. They're trying to save me?

Napalingon si Dad sa akin.

"Sana nagpasama ka kay Patau o kahit sino man lang sa mga katulong Heanndra. It's not safe for you to roam around Stefanina by yourself lalo na't bago ka pa lang dito."  Si Dad.

"She's fine Dad. Aakyat na po kami. We'll eat breakfast later." Si Kuya Commulus naman ang nagsabi noon. Tumango silang lahat na nasa hapag at sunod-sunod na umalis sina Kuya Cirrus doon.

Nakayuko akong umakyat sa hagdan. Himala yata na hindi nagsumbong si Kuya Commulus? Ano kaya nakain 'nun? Anyway, thanks to them.

"Uhm, Kuya salamat dahil hindi mo ako sinumbong kay Dad. Ak—akala ko sasabihin mo sa kanya yung nangyari." Nakayuko ko pa ring sabi habang nilalampasan niya ako sa pag-akyat sa hagdan papunta sa mga kwarto namin sa taas.

Tumigil siya sa pag-akyat at agad humarap sa akin. Naka-poker face lang siya.

"Don't thank me. Thank Clicko. He's the one na nakiusap na pagtakpan ka. Naligaw ka lang daw kaya hindi ka kaagad nakauwi." Sagot niya at muli akong tinalikuran.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now