Kabanata 16

282 10 3
                                    

Kabanata 16

Napakurap-kurap siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Ka—kap—kapatid ka ni Cirrus?" Nauutal na tanong niya at agad inayos ang sarili at umupo ng maayos.

What's with her?

Tumaas ang isang kilay ko sa kanya dahil sa inasta niya. Ano naman ngayon?

"Uhm yes?" Kunot noo kong sagot.
Nanlaki pa lalo iyong mata niya at impit na napasigaw na parang kinikilig na hindi ko maintindihan.

"Talaga?!" She shouted at napatingin sa aming banda iyong ibang kaklase namin.

"What the fuck?" Mahinang mura ko sa kanya. Now, I should stay away from her.

"Sorry naman! Crush na crush ko talaga kasi iyong Kuya mo!" Walang pag aalinlangan niyang pagtatapat sa akin kaya hindi ako nakapag-react agad.

"Ang galing niya talaga kasing mag debate! Alam mo 'yun? Hindi na siya nag-iisip ng sasabihin niya? It's like alam na alam niya na talaga ang sasabihin niya tapos lahat on point! It's like wow!" Namamangha na sabi niya at pumalakpak pa.

Yeah. I've heard about it. He's a member of the debate club ng school.

"Pero teka lang, kung second year ka na bakit ngayon lang kita nakita dito?" Nagtataka niyang tanong kaya napairap ako.

Hindi niya ba narinig ang sinabi ko kanina? That I am from California? Ang daldal niya kasi kaya siguro hindi niya narinig.

Ayaw ko talaga sa mga maiingay na tao. They're annoying and nosy at nakakairitang pakinggan ang mga ganoon. I don't even know why I hate them. Nakakairita lang talaga sila.

"Ay oo nga pala! Taga California ka nga pala! Doon ka ba lumaki?"

See? Tanong niya, siya rin iyong sumagot. God. Please, patahimikin Ninyo ang isang ito.

"Pero hindi rin nakakapagtaka ha? Magkamukha kasi kayo!" Tumawa pa siya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi niya.

Napasulyap kami pareho sa pintuan ng classroom nang may pumasok doon na tatlong lalaki na naka-uniform ng criminology. I recognize the other guy. Kasama siya ni Dio noon sa Balboa Rave.
Speaking of that asshole. Dito rin kaya nag-aaral iyon?

Iginala nila ang paningin sa loob ng classroom. Tumigil ito sa isang lalaki na nakaupo sa pinaka dulo na upuan sa likod di kalayuan sa amin ni Sarah.
Nakayuko iyong lalaki habang may isinusulat sa papel. Nakasuot siya ng salamin at naka chestnut ang gupit sa buhok.

Nang makita ng tatlong lalaki iyong lalaking nakasalamin ay agad nila itong hinablot sa kwelyo nito sa likod. Nagulat iyong lalaking nakasalamin at hindi na nakapalag dahil sa gulat.

"Lagdameo. Diba sinabi ko na sayo na layuan mo ang girlfriend ko? Bakit nagpapatuloy ka pa rin sa pag tutor sa kanya, ha?" Maangas na sabi noong lalaki at kinwelyuhan pa iyong lalaking nakasalamin.

"It's my responsibility Art. Sa akin napunta si Kim at hindi naman ako ang pumili ng tuturuan ko." Mahinahon na sabi ni Lagdameo at mukhang hindi takot sa nanghahamon sa kanya.

"Gago talaga iyang si Art. Randomly assigned naman kasi ang tutorials kaya hindi mo naman alam kung sino ang tuturuan o ang magtuturo sayo." Pabulong na sabi ni Sarah kaya napabaling ako sa kanya.

May tutoring dito? At randomly assigned naman pala. Anong ikinagagalit ng isang ito kung ganoon?

"Kahit na! Sana tumanggi ka! Gago! Akala mo hindi ko alam na gustong gusto mo rin si Kim?!" Sigaw ulit noong lalaki at binitiwan si Lagdameo. Napahiga sa sahig si Lagdameo at sinapa pa ito ng lalaki.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now