Kabanata 22

277 11 7
                                    

Kabanata 22

"Are you sure you're not going with me?" tinapos ko ang pagliligpit ng mga gamit ko at saka nilingon si Sarah na nakatayo na sa gilid ko.

Actually gusto kong sumama sa kanya kumain sa labas ng school pero dahil alam kong papaulanan niya lang ako ng tanong tungkol kay Brooklyn..

"Sorry Sars, have to pass may registration form sa council. Ngayong araw ang last eh" pagdadahilan ko kaya napasimangot siya. Kanina pa kasi siya tanong ng tanong sa akin. Halos lahat nasabi ko na pero para yatang sirang plaka itong si Sarah dahil paulit-ulit kong kinukwento lahat.

She even asked kung sino iyong kasama kong lalaki sa profile ko sa Facebook. I put it in an only me privacy kaya hindi makikita doon ang comments. I forgot to change the damn photo!

Mabuti na lang at ngayong araw ang deadline ng pasahan ng resignation froms sa lahat ng clubs kaya may dahilan ako na umayaw sa offer niya.

"Tss. Hindi na nga sumama si Noel dahil nagpapatulong sa kanya si Kim sa isang assignment tapos ikaw naman may ipapasa" aniya sa malungkot na tono.

I smiled at her at tap her shoulders. Sorry Sarah. Promise, last na to.

"Kita na lang tayo mamaya. Text mo na lang ako, o di kaya si Nad. Nasa library lang naman iyon" sagot ko at agad na lumabas ng classroom. Sabay kaming naglakad sa hallway pababa ng ground floor.

Kumaway siya sa akin habang mabilis na naglakad sa mainit na field. I watched her walking at the same time running towards the school's exit.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone sa bag ko. I texted Lyrra kanina na magpapasama ako sa kanya sa council office, total sa kanya ko naman ipapasa ang form ko.

Final na talaga to. Sa council na ako sasali. Assistant. In short, taga sunod sa lahat ng iuutos nila. I dialed Lyrra's number and it rang for a few seconds before she picked it up.

"Lyrra.." panimula ko. Tahimik sa linya pero ilang sandali lang ay nagsalita na siya.

"Hi. Sorry I was tutoring someone. Where are you?" she asked in her jolly voice.

Tutorials rin? Ganoon din si Noel ngayong araw with Kim. Akala ko ba Saturday ginagawa iyon?

"Ako na lang ang pupunta sa'yo mukhang busy ka kasi" I said habang naglalakad sa hallway. Tumikhim siya at mukhang nabigla sa sinabi ko.

"Huh? Uh okay. Nandito ako sa student lounge na may umbrellas" she said.

Tumango ako at sinabing papunta na ako at agad binaba ang tawag. I walked for like three minutes para makatawid sa building ng Engineering Department.

Nakarating ako doon at agad kong nakita si Lyrra na kasama iyong si Pyro na nakaupo sa isa sa mga tables doon sa student lounge. Sa harap nila ay isang libro habang si Lyrra ay may hawak na lapis at nagsasalita while Pyro is just looking at her.

Lumapit ako doon at agad napakurap-kurap si Pyro habang tinitingnan ako. Bumaling si Lyrra sa akin at ngumiti.

"That's all for today, Pyro. Bring this book with you. Don't call me at home when you want to know something, maghintay ka kinabukasan" pormal na sabi ni Lyrra at agad na padabog na binagsak sa harap ni Pyro ang libro.

Wala naman akong makita na reaction mula kay Pyro. Nagkibit balikat lamang siya habang nililigpit ang mga gamit niya sa table.

"Heanndra right?" untag ni Pyro kaya napalingon ako sa kanya. He puts his backpack sa right side ng kanyang balikat at agad na tumayo.

Tumango ako sa kanya. I just remembered that Clicko told me that he's one of his closefriends. Speaking of Clicko, hindi ko yata siya nakita ngayon?

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now