Kabanata 47

272 8 2
                                    

Kabanata 47

"Heanndra, quit spoiling my daughter." Seryoso na sabi ni Kuya Commulus sa akin habang pareho naming pinagmamasdan si Corin na may dala-dalang soccer ball at pinaglalaruan iyon.

Halos matawa ako dahil hindi ko inaasahan na mahihiligan din ni Corin ang laro na iyon. She's seven years old now and looks like Kuya Commulus, just a girl version. Her long curly hair was swaying habang tumatakbo siya at sinusundan ng kanyang yaya.

Huminga ng malalim si Kuya Commulus kaya nilingon ko siya sa gilid.

"Minsan lang akong umuwi dito kaya hayaan mo na ako Kuya. Plus, malapit ka ng ikasal hindi na kayo uuwi dito kina Daddy. We won't see Corin everyday."

Totoo naman talaga iyon. Binigyan sila ni Daddy ng lupa at bahay sa kabilang siyudad. That's his gift daw sa kanila ni Kuya Commulus at Ate Ciara para sa kanilang nalalapit na kasal. Medyo malayo iyon kaya siguradong malulungkot sina Daddy at Mommy kapag lumipat na sila ni Corin doon. Ilang taon din kasi na dito sila nanirahan sa bahay at nakakalungkot isipin na tatahimik na ito dahil wala na ang ingay ni Corin.

"Our home is just two hours away Heanndra. And I'm sure Corin will also miss her Lolo and Lola kaya magpupumilit din iyon na pupunta dito." Sagot ni Kuya Commulus kaya napatango ako.

"Heanndra, I'm glad you decided to go home early. Ang akala ko ay hindi ka na makakauwi." Wika ni Tito Jericho isang gabi nang sabay kaming kumain lahat.

Our relatives are all here para sa pamamanhikan na magaganap bukas. Pwedi naman na dito na lang sa bahay gawin iyon para malapit sa lahat, but Tita Regina suggested something about a beautiful beach resort. So they decided na doon na lang gawin iyon. Bukas pa ang dating ng mga relatives ni Ate Ciara na galing ng Cagayan de Oro. So yes, tomorrow will absolutely be a busy day for all of us.

"I needed to go home early dahil may kailangan din akong asikasuhin about The Zeal." Sagot ko sa kanya. He nodded at kay Kuya Cirrus naman may itinanong.

Napadako ang tingin ko kay Corin at sa lalaking anak ni Ate Maxine na si Banther. May hawak na laruan si Corin at mukhang sinusubukan itong agawin ni Banther sa kanya. Nasa dulo ako nakaupo kaya hindi ko kita kung ano iyong pinag-aagawan nila. Agad na kumunot ang noo ko at sinulyapan si Kuya Commulus na katabi nilang dalawa. He's talking to Dad kaya hindi niya rin napapansin ang dalawa. Tinapos ko ang pagkain at naglakad papunta doon.

"Hey guys. What are you up to?" Nakangiti na tanong ko. Napatigil silang dalawa sa pag-aagawan ng isang mukhang keychain.

"Nothing Auntie. Corin just don't wanna let me play her toy!" Naiinis na sabi ni Banther at itinuro ang palad ni Corin na nakakuyom. Marahil ay doon niya itinago ang toy na sinasabi ni Banther.

"Corin? Bakit naman ayaw mong e-share kay Kuya Banther ang toy mo?" Tanong ko.

Ngumiwi si Corin sa tanong ko at matalim na tiningnan si Banther. Nilahad niya ang kamay na nakakuyom at medyo nagulat ako sa nakita doon.

It's a keychain na may tatlong iba't-ibang bagay na nakasabit. A soccer ball, a letter C and a telescope. Kumunot lalo ang noo ko. Pilit kong iniisip kung kailan ko ba binigay sa kanya ang keychain. I've never gave her something like that. Baka naman bigay nina Kuya?

"Kuya Banther, this is not a toy okay?" Naiinis rin na sabi ni Corin at nilapag sa mesa ang keychain. Hinila ko ang bakanteng upuan sa gilid ni Corin, katabi ni Kuya Commulus. Umupo ako doon at humalukipkip.

"Corin is that your keychains?" Nagtatakang tanong ko. Sinulyapan ko si Kuya Commulus na nakatingin na sa akin habang kausap ko si Corin.

"Yes Auntie." She said and smiled. Kinuha ko ang keychain sa mesa at ngumiti kay Corin.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now