Kabanata 26

245 11 9
                                    

Kabanata 26

Walang kabuhay buhay kong kinain iyong pagkain na inorder ko. Tinawagan ko si Neil na puntahan niya ako dito. Ang sabi niya he will actually invite me to eat dinner kay naman matiyaga ko siyang hinintay sa resto. May isang linggo pa siyang dito bago bumalik sa California.

Nabuhayan ako ng loob ng makita ang pamilyar sa puting sasakyan sa harap ng resto. Lumabas mula doon si Neil na naka polo shirt at at black shorts. Kumaway ako sa kanya at ngumiti naman siya na lumapit sa table ko.

"Bakit mag-isa ka? No bodyguard or driver?" he asked habang hinihila ang isang upuan sa harap ko at naupo na doon.

Umiling ako at ngumisi sa kanya. He laughed at that.

"I knew you called me dahil walang susundo sa'yo. Hanggang dito ba naman Heanndra?" he asked laughing at nagtawag na ng waiter. He said his orders.

"Oorder ka pa ba?" he asked at agad naman akong umiling. Sa sobrang bagal ng kain ko kanina madali akong nabusog at  hindi ko na naubos iyong ibang inorder ko.

"Pumayag si Tito Andranno na wala kang bodyguard at driver habang gumagala dito?" Neil asked habang nililibot ang paningin sa paligid.

Kuya Stratus suggested that before na magkaroon ako ng dalawa o tatlong bodyguard na susunod sa akin. His reason is because of Dad. Baka daw marami ang nag-aabang diyan sa gilid gilid na kunin ako para e-threaten si Dad. I insisted. Maliit lang ang Stefanina at mukhang safe naman ang lugar kaya naman driver na lang ang ipinadala niya sa akin si Manong June at Kuya Sandro.

Pero hindi ko maintindihan dahil wala silang dalawa ngayon na susundo sa akin at ibinilin pa ako ni Daddy kay Clicko na wala namang ginawa kundi iwan ako dito mag-isa sa resto dahil pinuntahan niya ang pinakamamahal niyang girlfriend.

"Wala. Nakalimutan yata akong padalhan ni Kuya Stratus ngayon. Kaya nga tinawagan kita.." I said habang pinapanuod siyang kumakain.

Matapos niyang kumain ay umalis na kami doon at naghanap ng iba pang papasukan na resto. Pinilit ko kasi siyang uminom kaya naman napilitan siyang pagbigyan ako. Hindi niya talaga ako matiis.

"Heanndra, did something happened? Why are you drinking like this?" he asked habang pinagmamasdan ako sa harap niya. May tatlong bote doon ng Smirnoff Ice na wala ng laman at lahat ng iyon ay akin.

Hindi pa naman ako lasing. Hindi ako madaling malasing. Isa iyon sa gusto ko sa sarili ko. Aabutin pa yata ako ng mga sampung bote nito bago ako malasing ng tuluyan.

"Wala namang may nanagyari. Gusto lang kitang makasama! Na miss kaya kita!" pabiro kong sabi at saka tumawa kaya tinapunan niya ako ng iilang piraso ng nuts na inorder namin.

"Neil.." tawag ko sa kanya habang sinisindihan ang isang stick ng sigarilyo.

"Hmmm?" he replied.

"What if I told you I like someone now? Okay lang kaya 'yun?" tanong ko at agad na bumuga ng usok.

Napasulyap ako sa kanya at kunot noo naman niya akong tiningnan.
Hindi pa naman ako sigurado kung talagang gusto ko siya. Pero kasi may nararamdaman akong kakaiba at hindi ko maintindihan iyon. I'll just figure this out.

"Bakit naman hindi magiging okay?" tanong niya. He tilted his head a bit habang may napadaan na grupo ng mga babae sa harap namin.

Napangisi ako. Hay nako Neil. Hanggang dito talaga eh.

"Hoy!" tawag ko sa kanya at tinapunan rin siya ng nuts. Iritado niya ako nilingon kaya napatawa ako.

"Iniisip ko baka masyadong mabilis? Iniisip ko si Kristoff.." mahina kong sabi at napasulyap ulit sa kanya. Kumuha siya ng sigarilyo sa pack at sinindihan din iyon.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now