Kabanata 9

295 8 0
                                    

Kabanata 9

"Miss, hindi tayo matatapos dito pag hindi ka magsasalita ng kahit na ano." Frustrated na sabi noong pulis na nakahuli sa akin.

Pagkatapos noong nangyari ay agad niya akong pinasakay sa police vehicle at hindi man lang akong hinayaan na tawagin sina Kuya Cirrus sa loob ng bar.

He was asking kung anong pangalan ko, saan ako nakatira at kung sino ang makakausap nila para ipaalam na nandito ako ngayon. All of those questions ay hindi ko sinagot kaya makikita sa mukha niyang napupuno na siya sa akin.

Fake it till you make it, Heanndra. Or rather, shut up till you make it.

Tinanggal ko ang aking halukipkip at umayos sa pagkakaupo.

"Sir, it was a car racing. Marami kaming nandoon at nagkataon lang na ako lang mag-isa ang nahuli mo." Mariin kong pagpapaliwanag sa kanya.

He touched his chin na para bang nag-iisip.

It's just not fair! Kung illegal man iyong ginagawa nila, edi sana pala kasama ko silang lahat dito ngayon sa police station.

Mas dapat silang makulong dahil matagal na nilang ginagawa iyon samantalang ako, ngayong gabi lang ako sumali!

Well, kung hindi mo pinairal iyang pagiging bida bida mo Heanndra, edi sana wala ka ngayon dito. Kasalanan mo din naman.

Gusto kong pagalitan ang sarili ko dahil may isang parte sa utak ko na iyon ang sinasabi.

Tinitigan ako noong police officer. He was about to say something nang napabaling ang tingin niya sa likod ko.

I heard footsteps coming pero pagod akong lingunin iyon at inaantok na rin ako. Tumayo iyong police officer sa harap ko at agad na sinalubong ang kung sino man ang dumating.

"Ikaw na kumausap. Ayaw magsalita eh." Naiinis na sabi noong police officer. Kahit nasa likod ko sila ay rinig na rinig ko pa rin iyong sinabi niya kaya napairap na lang ako.

The laugh of someone echoed inside the room.

Narinig kong papalapit ang mga yabag sa mesa na nasa harap ko at hindi nga ako nagkamali. Isa nanamang police officer ang nasa harap ko ngayon.

Unlike the other kanina, this one is a bit younger. His aura is so calm noong ngumiti siya sa akin. He's like an angel came down from heaven.

Maybe this one is okay. Baka ang isang ito ay madadaan lang sa pakiusap.

Bumaba ang tingin ko pangalan niya na nakaburda sa left side ng kanyang uniform.

COLSTON

Hmmm Colston? I think I've heard it somewhere. Saan nga ba?

He smiled again at umupo sa silya opposite noong sa akin. Siniklop niya ang kanyang mga daliri sa kamay at agad na nagsalita.

"What's your name?" He asked in a cheerful voice. Parang nakikipag-kaibigan lang siya sa akin.

Napakurap-kurap pa ako kaya hindi agad nakasagot. He flashed a cute smile again.

No. Don't be fooled by that, Heanndra!
Hindi ka magsasalita ng kahit na ano.

Nang hindi ako makasagot ay huminga siya ng malalim at ngumiti ulit. Seriously? Hindi ba siya marunong magalit?

"Okay. Kung ayaw mo ibigay ang pangalan mo, maybe you can give us your parent's or guardian's name and contact number so we call them and tell them you're here?" He suggested.

May kinuha siyang bond paper at ballpen sa table at nilapag ito sa harapan ko.

Hindi pa rin ako nagsalita. Yumuko lang ako kaya napakamot siya sa batok niya at natahimik na para bang nag-iisip kung ano pa ang pwedi niyang itanong sa akin.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now