Kabanata 13

294 12 0
                                    

Kabanata 13

Hinayaan kong kalmahin ang sarili ko pagkatapos noong nangyari. Niligpit ko ng maayos iyong nabasag na baso at tinuloy ang paghuhugas sa pinggan. Hindi naman natagalan at natapos ko iyon.

Naririnig ko pa ang tawanan at asaran ng mga kaibigan nina Clicko. Nasa labas lang sila ng pantry at mukhang nagkakatuwaan na.

Napapikit ako nang maalala na pareho pala kami ng kaarawan. What the heck, right? Sa dinami-dami ba naman ng tao na nakilala ko ay siya pa itong kapareho ko ng birthday. I have never meet someone that has the same birthday as mine.

Natigil ako sa pagmo-mop ng sahig nang marinig ang usapan nila sa labas. I decided to mop the floor pagkatapos maghugas dahil nakita kong nabasa ito ng tubig. Hindi ko maatim na iwanan lang iyon ng hindi nalilinis.

"Clicko, sino iyong babae kanina sa loob? Bagong hired na helper?" Tinig iyon ng isang babae. It's not Kiana, it's the other girl. I'm sure of it dahil kilala ko ang boses ni Kiana.

Napatingin ako sa sarili ko. Do I look like a helper to her?

Nakarinig ako ng iilang tawanan galing doon sa mga lalaki. I don't know if one of them is Clicko. Napakagat ako ng marinig iyon. Hindi ko alam pero bigla akong nainis.

"What? Are you kidding me Yen? Did you see her? Ang puti kaya ng kutis niya! She looks western and she looks hot and..." napatayo ako ng maayos dahil sa narinig.

I somehow want to clap my hands to that guy na nagsabi niyon. Iba nga naman ang tingin ng lalaki sa isang babae kumpara sa tingin ng babae sa kapwa niya babae.

I think that goes down to one thing.

Insecurities.

But I don't want to say anything, yet. Wala namang sinabing masama iyong babae. She just asked if bagong hired ba ako na helper dito. She didn't directly said na ganoon ako.

"I think she's my type. Sino ba yun, dude?" Natatawang tanong ulit ng lalaki.

Eww. You're not my type.

"She's Governor Andranno's daughter right? I met her sa plaza noong nakaraan araw. She's with James." Si Kiana iyon kaya itinabi ko ang mop sa gilid at humakbang ng kaonti para marinig pa ang kanilang usapan.

"Hmm oo. Bunsong anak ni Governor." Ganting sagot ni Clicko at nakarinig ako ng ilang sandaling katahimikan.

Anong nangyari?

"May kapatid pala si Cirrus? Bakit ngayon ko lang yata siya nakita dito?" Tanong ng isang boses lalaki.

Napairap na lang ako. Ganito na lang ba talaga palagi ang sasabihin nila?

"James told me before that he has a cousin na lumaki sa Amerika. Siya yata iyon." Si Kiana ulit ang nagsalita.

Why are they even talking about me as if na parang wala ako dito at hindi ko sila naririnig?

"Bakit nandito siya kung ganoon?" Tanong nanaman ng isang lalaki.

Ang kakapal talaga ng mga mukha nilang pag-usapan ako. Hindi ba nila naisip na baka naririnig ko sila mula dito? Eh kung lumabas kaya ako dito at pagsasampalin  ko silang lahat? They might realize that I'm here and that they should stop talking about me.

"Nothing. She just volunteered to wash the dishes." Tamad na sabi ni Clicko.

Naiinis ba siya na ako ang pinag-uusapan nila? Gosh. Alam ko namang ayaw niya sa akin. I just didn't thought na ganoon niya ka ayaw sa akin na ultimo ako ang topic ay naririndi siyang pag-usapan ako.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now