Kabanata 34

281 12 1
                                    

Kabanata 34

"Dad do you know someone from the Philippine Army?" tanong ko kay Daddy habang kumakain ng hapunan isang gabi.

Pagkatapos noong narinig ko na usapan nina Kiana at Clicko ay naghanap ako ng paraan para matulungan si Clicko. He doesn't need those people na ginigipit siya para lang maabot ang pangarap niya.

Nagulat yata siya sa tanong ko kaya napatigil siya sa pag-inom ng tubig at nilapag iyon sa mesa bago nagsalita.

"Why are you asking?" he asked kaya napatikhim ako.

"I need to interview someone from the Army" sagot ko at napatingin naman sina Kuya Stratus sa akin.

"I know someone Heanndra. Kailangan ba sa personal ka mag-iinterview?" si Kuya Stratus ang sumagot noon kaya napatingin ako sa kanya at tumango.

Oh yeah. Kuya Stratus runs a security agency. Iyong iba sa mga hired men niya ay nanggaling sa Philippine Army, Airforce or Navy kaya malamang ay may kilala siyang taga-doon. Thank God at nandito siya ngayong gabi sa bahay.

"I'll tell my secretary to contact someone. Kailan mo kailangan iyang interview?" tanong niya sa akin kaya nangapa ako ng idudugtong ko.

"Siguro pagkatapos na lang ng exam Kuya. May kasama kasi ako sa pag-iinterview," sagot ko at tumango naman siya.

Tuwing nagkikita kami ni Clicko sa school ay gustong gusto ko ng magtanong sa kanya tungkol sa mga tanong na bumabagabag sa isipan ko. Lunchtime lang kami nagkikita dahil palaging busy sa mga klase dahil malapit na ang exams. Minsan lang din kami mag-usap sa cellphone. Paminsan-minsan ay tinatawagan niya ako pero hindi din naman mahaba iyon. Tinatanong niya lang ako kung kumain na ba ako, kung anong mga ginagawa ko pagkatapos noon ay ibaba niya na ang tawag.

Dumating ang Monday at nagsimula na ang exams namin. Nagsunog ako ng kilay noong weekends dahil na rin yata nahawa ako kay Clicko. Wala rin kasi akong makausap dahil binababa niya na agad ang tawag kaya nag-aaral na lang ako. Well, nag-aaral naman talaga ako pero hindi iyong talagang tutok na tutok. I'm not studious, but I still study.

"How's the last three exams?" tanong ni Nad sa amin habang palabas ng classroom. Lunchtime na at papunta na kami sa Cafeteria. Excited na rin ako dahil makikita ko ngayon si Clicko. Kahit saglit lang.

Ang ingay ng Cafeteria ang sumalubong sa amin. Nag-iingay na rin ang mga students ngayon dahil siguro last day na ng examination. Agad hinanap ng tingin ko si Clicko sa paligid.

"Heanndra si Clicko..." tapik ni Dexter sa akin at tinuro ang isang table sa gitna.

Nakaupo siya doon kasama ang iilang mga kaibigan. Nagtaka ako dahil nasa table rin na iyon si Dio. Well, they have the same circle of friends kaya siguro magkasama.

"Clicko!" malakas na tawag ni Sarah kay Clicko kaya napatigil siya sa pakikinig sa nagsasalita at hinanap ang tumawag sa kanya. Nakita niya ako kaya ngumiti siya at nag-paalam sa mga kasama. Tumayo siya doon dala ang mga gamit niya at lumapit sa table namin.

"Hello" bati niya sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. Nilingon ko si Sarah na nakangisi na ngayon sa amin.

"Ako na oorder ng lunch mo. What do you want?" tanong niya sa akin kaya kumuha ako ng pera sa wallet at sinabi sa kanya ang gusto ko. Umalis din siya agad kaya naiwan kaming dalawa ni Clicko doon.

"How's the exam?" tanong ko. I'm sure sisiw lang iyon sa kanya.

He smirked at hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Bigla akong na conscious sa paligid dahil baka may nakatingin sa aming dalawa. Tumawa siya sa reaction ko at nilapit pa lalo ang mukha sa akin. Magkatabi kami kaya naman madali niyang nagagawa iyon.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now