Kabanata 45

316 9 0
                                    

Kabanata 45

"Akala ko naman kung ano ang nakita mo!" Gulat na sigaw ni Felly kay Sarah.

Binalingan ko siya ng tingin at nakitang lasing na lasing na siya dahil pumipikitpikit na ang kanyang mga mata at tumatawa na siya kahit wala namang nakakatawa.

She's talking about a guy named Setheano, iyong ka fling lang daw sana ni Sarah pero nagkagusto si Sarah dito. I know Seth, nakasama ko siya sa isang board meeting sa California. His family owns an advertising company and many more associated bussines. His Dad and three of his uncles are in politics. So basically, galing siya sa mayamang angkan. I also know that he's a type A playboy. Some of the Filipina models I know na gumagawa ng pangalan sa modeling industry sa ibang bansa ay naka-fling si Seth Lacson.

I just didn't know na pati pala isa sa mga best friends ko ay nadali ng gagong iyon at heto siya ngayon at iyak ng iyak sa harap namin. Akala ko din kung sino iyong nakita niya sa likod ko at gulat na gulat siya at nagmamadali na lumabas sa bar.

"Damn it! Kitang kita ng dalawang mga mata ko Fel! Seth is making out with someone!" She whined at tuloy-tuloy na ininom ang JD na nasa harap niya.

"Urgh!" Kazandra groaned nang makita na halos hindi na mainom lahat ni Sarah ang JD dahil lumalabas na sa bibig niya ang inumin at dumadaloy na sa damit niya pababa.

Pagkatapos noong nangyari sa bar ay lumipat na lang kami sa isang gastropub at uminom. Good thing nakita ni Sarah si Seth at agad ding umalis. Ayaw kong manatili doon knowing that Samantha is there also. Napapikit ako nang maalala ang usapan namin kanina sa loob ng CR.

"Gaga! Hindi mo ba naiintindihan ang salitang fling Sarah?!" Naiinis na sabi ni Felly. She tried to sit at ayusin ang sarili but failed to do it dahil nahuhulog ang puwetan niya sa high chair na inuupuan.

Ngumiwi si Sarah kay Felly at umiyak ng malakas. Narinig ko ang mura ni Kazandra sa gilid at tiningnan ang mga tao sa loob ng pub. Napasapo ako sa aking noo nang makita na halos lahat ng tao ay sa amin na nakatingin dahil sa iyak ni Sarah.

Inis na kinamot ni Felly and kanyang magulong buhok at may kinuha sa kanyang clutch bag. Umilaw ang cellphone niya at may tiningnan siya doon.

"Gusto mong marinig ang ibig sabihin ng fling? Kasi mukhang hindi mo alam eh!" Natatawa na sabi ni Felly at may hinahanap sa cellphone.

Tumawa si Kaz kaya natawa na rin ako. What the fuck. Kami lang yata ni Kazandra and medyo sober pa rin hanggang ngayon. And I've never seen them like this. Iyong lasing na lasing talaga. For sure, bukas ay wala ng maalala itong dalawang to.

"Fling is a brief sexual relationship, a short period of time spent doing enjoyable and exciting things. Examples, she had a fling with her boss." Basa ni Felly doon sa cellphone niya. Inagaw ni Sarah ang cellphone at nagbasa din doon.

"Sarah had a fling with Seth Lacson, the most valuable playboy of this generation!" Natatawa na sabi ni Felly at nakipag-high five sa akin.

Kumunot ang noo ko nang tingnan ako ni Felly ng mataman. Bumaling siya kay Kazandra at itinuro ako. Kumunot rin ang noo ni Kazandra and muttered "What?".

"Heanndra, nakita kita na lumabas ng CR kasabay ni Samantha Gayson. Iyon ba ang minanadali mo?" Seryoso na tanong ni Felly sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Akala ko hindi niya nakita iyon dahil nagmamadali na kaming lumabas sa bar at ngayong lasing na lasing na siya, hindi ko akalain na maaalala niya pa iyon.

"Nasa bar din kanina si Samantha? Anong nangyari?" Gulat na tanong ni Kazandra sa akin. Napadilat ng mata si Sarah at matalim na tiningnan si Kaz.

"Syempre nandoon sila ni Seth, Kalib, Napoleon at iba pang mga sikat na personalities sa iba't-ibang larangan. Malamang nandoon din sila Samantha. Para silang mga beehives, kung nasaan sila nandoon din ang maraming tao."
Napatingin ako kay Sarah na mukhang hindi na lasing kung makapagsalita.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now