Kabanata 15

309 11 0
                                    

Kabanata 15

"C'mon Heanndra! Double time, please!" Narinig ko ang katok sa pintuan at sigurado akong si Kuya Cirrus iyon.

It's Monday today and damn it alas syete pa lang ng umaga dilat na dilat na ako.
Iritado kong sinuklay ang basa ko pang buhok at pinagmamasdan ang sarili sa salamin. Wala pa akong uniform kaya ayos lang daw na mag civillian muna sabi nila Kuya. Kaya heto ako ngayon at nakasuot nanaman ng maong na skinny high waisted jeans, white sneakers and a floral wrapped around top. Padabog kong kinuha ang backpack ko sa kama at lumabas na sa kwarto.

Naabutan ko si Kuya Cirrus at Seaver na nakaupo na sa dining table at kumakain na ng breakfast. Pareho silang naka-uniform. The usual white polo and black slacks. My ID sling rin nakasabit sa kanilang leeg. They both look like some serious school boys.

"Eat, we have to hurry up. Eight o'clock ang pasok ko." Utos ni Kuya Cirrus kaya inirapan ko siya at nagsimula ng kumain.

"Pagdating doon, ibibilin kita kay Lyrra. She's our bestfriend. Engineering iyon kaya mas malapit iyong department nila sa department mo. Nasa kabilang building iyong sa amin." Paliwanag ni Kuya Cirrus habang nakatingin sa akin.

Tumango ako. Hindi ko pa masyadong kilala iyong Lyrra na sinasabi nila. But I guess mapagkakatiwalaan naman iyon dahil nabanggit nila last time na sabay nila itong lumaki kaya bestfriend nilang lahat si Lyrra.

"She's also the school council president so you can approach her whenever you want." Dugtong ni Seaver at tumayo na sa hapag. Sabay sabay kaming tatlo na nagsipilyo ng ngipin at tumulak na palabas.

Itinigil ni Manong June ang sasakyan sa harap ng malaking school gate. Mula sa labas ay makikita ang mapalad na field at maraming bleachers na nakapalibot dito. Sa di kalayuan pa ay makikita ang malaking building na may malalaking letters na nakasulat.

St. Xavier College East was those letters na nakalagay sa mataas na building. May tumapik sa akin kaya napatingin ako sa gilid.

"Let's go. Sa court muna tayo didiretso, may program pa." Si Kuya Cirrus iyon kaya sumabay na ako sa kanila sa paglalakad. There are some students na naka-uniform na tulad nina Kuya at Seaver, there are some na naka-civillian rin tulad ko.

The girls uniform is a dark blue pencil cut skirt na above the knee, the top is a plain white blouse with buttons na may collar at may dark blue ribbon scarf na naka-pwesto sa left side ng leeg. Napangiwi ako habang tinitingnan iyong mga babae na naka-uniform.

I will wear that uniform? The thought of me wearing a school uniform scares the shit out of me. Hindi ako kailanman nakasuot ng school uniform. Sa school ko sa Amerika walang ganoon. Babagay kaya sa akin iyong uniform?

Mukhang tama nga si Kuya Cirrus na may program pa bago magsimula ang klase dahil halos lahat ng mga tao dito ay papunta sa isang malaking covered court.

"Seav!" Napalingon kaming tatlo sa tumawag at agad na nakita ang isang lalaki na naka-clean cut rin na buhok, unlike Kuya and Seaver naka-jersey shorts siya at plain white t-shirt. May dala siyang duffel bag sa kanang balikat at bola ng basketball sa kabilang kamay.
Nagtagal ang tingin niya sa akin bago tinanggap ang high five ni Seaver.

"Heanndra?" Tanong niya kay Kuya Cirrus at sinulyapan ako sa gilid. Tumango si Kuya sa lalaki.

Oh he knows me?

Naglahad siya ng kamay sa akin at saka ngumiti.

"Quinnito Soriano, the son of Quing Soriano." Aniya at nanlaki ang mga mata ko sa kanya.

Ah! This is Tito Quing's son! Oo nga naman, they looked a like only that this one is a younger version. Pareho silang halos natutuwa sa lahat ng bagay. This one is cocky also, I can sense it.

A Rebel Heart (#1)Where stories live. Discover now