CHAPTER ONE

5.2K 95 0
                                    

"Limang kilo, eksakto sa timbang, walang bawas..walang kulang pero may dagdag." Masiglang sabi ni Jessica na ipinatong sa tapat ni aling Nena ang sariwang pata ng baboy.

"Mabuti naman at dumating ka na, kanina pa kita hinihintay, kahit kailan ay napakabagal ng deliver ninyo." Nakasimangot na reklamo nito, "Naku, kung hindi ko lang kilala ang mga magulang mo, sa iba na ako oorder ng mga paninda ko." patuloy nito, nakangiting nakamot niya ang noo dahil sa maingay na matanda, matagal na niyang suki ito pero hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi na nagbago ang ugali nito, mareklamo pa rin ito kahit kailan.

"Pasensya na aling Nena, wala po kasi akong katulong, umuwi sa probinsya ang mga tauhan ko dahil sa importanteng okasyon." paliwanag niya sa mababang tono, umingos ang matanda.

"Hu! Palagi naman!" anito, "Heto na ang bayad ko." sabi nito na ibinigay ang bayad, nang sulyapan niya ang perang ibinayad nito ay napangiwi siya.

"Aling Nena naman, kulang ho ito ng isandaan." Aniya, tila mas napikon pa ito sa kanya.

"H'wag mo naman lakasan, bukas ko ibibigay ang kulang at utang muna." Anito na may sign language pa, naiiling na nagbuntong hininga siya.

"Sige ho, bukas ninyo na lang bayaran." Wala na siyang nagawa kundi ilista sa maliit niyang notebook ang utang nito.

Itinulak niya ang stroller niya na naglalaman ng mga sariwang laman ng baboy, lumipat siya sa katapat na tindahan, nasa palengke siya at mag aalas singko pa lang ng umaga, kaya hindi pa gaanong maraming mamimili, nakakapagdistribute siya ng mga orders sa mga suki niya ng malaya at walang sagabal sa daan.

Naikot na niya ang buong talipapang iyon at iilan na lang ang dadaanan niyang tindahan bago siya makauwi.

"Aling Cora, ito po yung order ninyong longganisa at atay ng baboy." Nakangiting sabi niya.

"Salamat hija, mukhang umani ka na naman ng bunganga ni Nena ano?" sabi nito, tumawa lang siya. "Kay aga aga, parang sirena ng bumbero ang bunganga niyan." Naiiling na komento nito.

"Hayaan na ninyo, sanay na naman ako." Aniya

"Mabait ka talagang bata." Anito, ibinigay nito ang bayad, "Sa isang linggo na ang kulang ko ha, lugi kasi ako kahapon." Pagkuwan ay sabi nito

"Mahaba na ang listahan ninyo sa'kin ah?" sabi niya, tinapik siya nito sa balikat.

"Alam ko, mabait ka naman eh, pangako sa isang linggo babayaran ko ng buo." Anito, ekseheradong nagbuga siya ng hangin.

"Noong isang taon pa po ninyo sinasabing babayaran ninyo ako ng buo, eh talo ko pa po ang bumbay sa inyo, ginawa na ninyo akong pahulugan." Angal niya, tumawa lang ang matanda pagkuwan ay binigyan siya ng isang piling na saging.

"Pasensya na anak, sa isang linggo magbabayad ako kahit kalahati." Anito na ibinigay ang saging, "Heto, pampataas ng potassium, kainin mo ha, bagong ani lang yan sa likod bahay namin." Nakangiting sabi nito, tinanggap naman niya iyon.

"Sige na nga ho." Napilitang saad niya, wala na siyang nagawa pa, nabubuhay pa ang tatay niya ay mahaba na ang listahan nito kaya kaysa hindi nito mabayaran ang mga dati na nitong utang atleast ay nakakapaghulog naman ito sa kanya, at isa pa mabait naman ito sa kanya kaya hindi rin niya mapahindian.

Sanay na siya sa mga tao sa palengke, mayroong masungit, magagalitin pero mayroon din namang mababait at masayahin. Kilala na siya sa buong talipapa na iyon kaya naman lahat ng daanan niyang tindahan ay binabati siya.

Para naman siyang beauty queen na nakangiting kumakaway sa mga ito, sabay sabing "Kamusta po?" Maraming nagsasabing napakabait niya at manang mana siya sa tatay niya, at hindi naman niya itinatanggi iyon, maging masayahin at positibong tao, iyon palagi ang itinuturo sa kanya ng kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Kaya naman sa kahit anong panahon, mapaumaraw at mapaumulan ay positibo pa rin siya sa paligid.

FLOWER BOYS HOST CLUB 8: YUAN, My Precious OneWhere stories live. Discover now